CHAPTER 6: School Trip Part 2

607 Words
Ren POV: 'Nasan na ba ko,kanina pa ko nagpapaikot-ikot pero hindi ko mahanap ang daan palabas.' Hindi ko na talaga alam kung nasaan ako. Nagkahiwalay kasi kami ni Kai dahil magkalaban ang grupo namin at yung mga kasama ko naman ay nauna na dahil nagpaiwan ako dahil ayoko kong maging dahilan nang pagkatalo nila dahil lang mabagal ako maglakad. Kung sinong grupo kasi ang mauna sa finishing line ang panalo. Ang sabi sa amin ni sir ay iintayin nya kami sa mismong finishing line,pinakita nya samin ang mapat at pagkatapos ay inabutan kami ng tig-isang compass sa bawat group. "Tss. Wala man lang bang dadaan dito." Pagrereklamo ko na nagbabakasakaling may makarinig. Umupo ako sa ilalim ng puno at uminom ng tubig. 'Damn you Kai. Hindi na ulit ako sasama sa susunod.' "Ren?"napaangat ang aking ulo nang marinig ang pamilyar na boses.Nang makitako kung sino ito ay inakap ko ito na sya naman niyang kinagulat ngunit hindi ko ito pinansin. "Lee you're my savior"inakap ko pa uli ito nang mahigpit at saka bumitaw. Nakita ko naman syang napaubo. Humarap ito sa akin na nakakunot ang noo kaya naman nag peace sign nalang ako dito na sya nya naman tinanguan. Pagkatapos noon ay sumama ako sa kanya at sa wakas ay natunton namin kung nasaan sila. Nang dumating kami doon ay nag-aalala na sila dahil kaming dalawa nalang pala ni Lee ang hindi pa dumadating. Humingi naman kami ng despensa kay sir,hindi naman ito nagakit pero kitang kita ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nalaman din namin na ang grupo nila Kai ang nanalo. "Ren,dapat kasi ay hindi kana nagpaiwan alam mo nga na hirap ka sa paghahanap ng daan,hay ano gagawin mo kung nauna na din si Lee "napasapo nalang sa noo si Kai habang sinesermonan ako habang ako tumahimik nalang dahil alam ko naman na ako ang mali. Napalingon ako kay Lee na ngayon ay nagpupunas ng kanyang pawis,napansin nya naman na ako ay nakatingin sa kanya. Nagbigay ito nang nagtatanong na mukha na inilingan ko naman na tinanguan nya lang. Ang sabi nya sa akin kanina ay may naiwan sya sa tent kaya sya nahuli dahil binalikan nya pa ulit ito. Napabuntong hininga na lamang ako at saka marahang pumukit. ***** "Wahhhhh,ayoko na" takot na sigaw ni Kai habang nakatakip ang kanyang kamay sa mukha niya.Nandito kami ngayon sa bahay ni Kai kasama si Lee dahil biglaan ang naging pag-uwi namin. Dapat sana ay sa ikalimang araw pa kami uuwi ngunit binalita na magkakaroon daw ng bagyo kaya naman maaga kaming umuwi. "Tsss" napalingon ako kay Lee na ngayon ay nakakunot ang noo sa pinapanood.Dito muna kasi nanatili si Lee dahil pagkadating na pagkadating namin ay wala nang tigil ang ulan. Sa kotse ni Lee kasi kami sumakay kanina kaya naistranded sya dito sa amin. Kasalukuyan kaming nanonood ng horror dahil sabi ni Kai maganda daw manuod ng horror movies kapag umuulan. Na hindi ko alam kung nakanonood ba sya talaga dahil halos nakatakip ang kanyang kamay sa mukha nya. Napailing na lang ako dito at ibinalik ang tuon sa pinanonood. Naramdaman kong may kumalabit sa akin dahilan para tignan ko ito. Nakita ko naman si Lee na tinuturo ang hawak kong popcorn,lumapit naman ako sa kanya dahil may pagitan na dalawang unan ang aming pwesto at akma ko itong iaabot ng umiling sya at pinaupo ako sa tabi nya. Naguguluhan man ay umupo ako at tumabi sa kanya. Nang makaupo ako,tsaka sya kumuha ng popcorn at ibinalik ang tuon sa tv. Napailing nalang ako nang gawin iyon ni Lee. Hinayaan ko na itong manuod at gayundin ay binalik ko narin ang aking tingin sa tv.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD