CHAPTER 7: Sleep over

491 Words
Ren POV: Alas 10 na ng gabi pero hindi parin kami natutulog. Matapos namin panoorin ang movie kanina ay humirit pa ulit si Kai. Wala naman kaming nagawa kung hindi pumayag nalang. Napalingon ako kay Lee na ngayon ay tutok na tutok sa panonood,hindi ko alam na ganito pala ang genre na gusto nya. Nanonood parin kami ngayon ng horror movie pero hindi sya kagaya kanina na may bumubulaga mas nangingibabaw dito ang patayan. "Hindi pa ba kayo inaantok?"tanong ko sa mga ito na ikinailing lang nila. Napabuntong hininga nalang ako na kinatingin nila sa akin. Nakita ko naman silang tumayo at pinatay ang tv na ikinapagtaka ko naman. "Akala ko hindi pa kayo inaantok? Diba hindi pa naman tapos yung movie?" Nakita ko naman na lumakad papunta sa akin si Kai at saka ako inakbayan. "Bigla kasing naging boring yung movie tsaka malapit naman na syang matapos,diba Lee?" Na sinangayunan naman nito. Napalingon ako kay Lee na ngayon ay nagtutungo na sa pintuan. "Lee san ka pupunta?"tanong ko dito na ikinahinto niya. Magsasalita na sana ito nang unahan siya ni Kai. "Dito kana matulog,gabi na kaya tsaka malakas pa din yung ulan. Baka mapahamak ka pa." Noong una ay tinanggihan ito ni Lee pero sa huli ay napapayag din namin ito. "Ren,Lee,tabi tayo matulog"nakangiting aya sa amin ni Kai. Tumango ako dito at lumingon kay Lee na ngayon ay hindi alam kung papayag ba o hindi. "Payag daw si Lee. Diba Lee?" Nakita ko naman ang pagkagulat nito nang sabihin ko iyon. Walang nagawa si Lee kung hindi pumayag dahil hindi lang si Kai ang pumipilit sa kanya ganun din ako. **** "Ren,tulog kana ba?"rinig kong tanong ni Kai. "Hindi pa" kanina pako hindi makatulog at hindi ko alam kung bakit. "Ikaw Lee,gising kapa?" Muling tanong ni Kai kay Lee. "Uhm" maikling sagot dito. "Hindi rin kayo makatulog hano"seryosong sabi nito na sya naman naming sinang-ayunan. "Nga pala Ren,nakakatanggap ka pa ba ng bulaklak?" Napalingon ako kay Kai na ngayon ay nakatingin sa kisame. Muli ko namang ding binalik ang aking tingin sa kisame at sumagot. "Hindi na"maikli kong sagot dito. "Bulaklak?"rinig kong tanong ni Lee. "Hindi mo nga pala alam" "Na?" "Na nakatanggap si Kai ng puting rosas. Hindi ba't ang weird"pagpapatuloy ni Kai. "Weird?How?" "Hmmm. Naging weird siguro dahil pagkatapos ng isang araw noong nakatanggap sya ng rosas ay namatay ang uncle at ang auntie niya." Nangibabaw ang katahimikan ng matapos magsalita si Kai. Tama si Kai matapos ang isang araw ay namatay sila auntie na sya ko namang ipinagtataka. Gayundin ay hindi na ako nakatanggap ng rosas simula ang mangyari ang insidenteng iyon. Hindi rin ibig sabihin nito na gusto kong makatanggap dahil sabi nga ni Kai ang weird dahil matapos ako bigyan ng rosas ay may insidente na naganap. Ilang saglit pa napansin kong nakatulog na sila kaya naman natulog na din ako. Ano man ang dahilan ng mga nagaganap na iyon ay intinulog ko lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD