CHAPTER 8: Friends?

702 Words
Ren POV: "Lee,samahan mo ko" pag-anyaya ko kay Lee na ikinagulat nilang dalawa ni Kai. "Ba't sakin hindi ka magpapasama?"nakapout na sabi ni Kai. Napailing nalang ako nang gawin nya ito. "Hindi naman sa ayaw ko sayo magpasama pero magkaiba tayo ng group sa reporting at dahil magkagroup kami ni Lee sa kanya ako magpapasama"nakita ko naman syang bahagyang napakamot sa kanyang ulo at nagpeace sign. "Sorry naman akala ko kasi hindi mo na ko pinapansin eh"ikinailing ko na lang ang sinabi niya at bahagyang tinap ang kanyang ulo na siya nya namang kinabungisngis. Nakita ko namang tumayo si Lee kaya kinuha ko na ang gamit ko at nagpaalam kay Kai. Inasign kami ni ma,am na gumawa ng reporting at para makahanap kami ng reference ay kailangan namin manghiram ng libro sa library. Ang sabi kasi ni ma,am mas mainam daw na sa libro kami magbasa dahil yung iba daw na nasa libro ay wala sa internet. Pero pwede rin naman daw sa internet magbasa pero dahil gusto ko ang libro mas prefer ko ang library. Nang makarating kami ay nanghiram kami ng libro about biology dahil ang aming irereport ay tungkol sa mga great biologist and their contributions. Matapos namin mang hiram ng libro ay bumalik na kami sa classroom. Bago mag-uwian nagsuggest si Lee na sa bahay nalang daw niya kami gumawa ng reporting this weekend, na sya ko namang sinang-ayunan dahil sa bahay gagawa ng reporting sila Kai. ***** "Kai una nako" pagpapaalam ko dito habang nagsusuot ng sapatos. Naramdaman ko naman itong lumapait sa akin. "Wag ka magpapagabi ah,wag ka nang pupupunta kung saan-saan, magpahatid ka kay Lee---" "Kai,chill ka lang kila Lee lang ako pupunta okay,relax"pagputol ko sa kanya dahil dadami nang dadami ang sasabihin nya. Hindi sa ayaw ko na nireremind ako pero ayoko mag-isip ng kung ano ano si Kai. Hilig nya ata ang mag-overthink. "Hmm oo na basta magpahatid ka mamaya kay Lee ah" nakapout na sabi nito. Lumapit ako dito at bahagyang tinap ang buhok nito na siya nya namang kinangiti. Nagpaalam na ako dito at saka umalis. Napaangat nalang ang aking kilay ng malaman na ang bahay na ito ay pagmamay-ari mismo ni Lee. Muli ko pang nilibot ang aking patingin sa kabuuan ng bahay bago nagsimula ng report. "Lee,ayus na to?"tanong ko sa kanya habang pinapakita ang laptop na tinanguan nya at humarap ulit sa laptop nya. Naghati kasi kami ng gagawin,si Lee ang nagprisinta na gumawa ng ppt samantalang ako naman ang gumagawa ng explanation nito. Ilang saglit pa ay natapos na namin ang aming reporting. Tumayo si Lee at pumunta sa kusina samantalang ako naman ay sinisinop ang mga gamit ko. "Here,have some snacks" pag-abot nito ng cookies akin na sya ko namang kinuha at nagpasalamat. 'Nice choice.' "Do you consider me as your friend?" Seryosong tanong nito na sya ko namang ikanabigla na dahilan para mapaubo ako. Agad naman niyang inabot ang hawak niyang juice na agad ko namang ininom. "You okay?"alalang tanong nito na sya ko namang tinanguan. "Sorry hindi ko kasi inexpect na itatanong mo yan" paghingi ko nang despensa sa kaniya na dahilan para mapakunoot ang noo nito. Akma na sana itong magsasalita ng unahan ko ito. "Kase naman hindi ba't magkakilala naman na tayo,hindi nga lang ganon kakilala pero habang napapatagal mas napapalapit ka sa akin tsaka wala naman akong dahilan para hindi kita matawag na kaibigan kaya para sakin we're friends " sagot ko dito na ikinangiti nya. 'Masyado nako nagiging madaldal.' "Thank You."Napalingon ako ay Lee nang magpasalamat ito. Lumapit ako dito at sinalat ang kanyang noo na siyang ikinapagtaka niya. "Ala naninibago lang"pagsabi ko dito na ikinailing niya lang. "If you want to know something about me,just ask me"nakapoker face na sabi nito pero hindi kagaya nang dati na tuwing nakikita ko ito ay hindi ako komportable dahil ngayon ngayon mas komportable ako sa kanya, siguro dahil nilabas niya ang ibang side niya ngayon. Habang nagtatagal ay mas lalo akong nagkakainteres na alamin pa kung sino ba talaga si Lee. Sino ba naman ang hindi magkakainteres na alamin kung sino siya diba kahit ang isang kagaya ko ay nakucurius,siguro dahil may pagkamystery ang buhay niya na siyang pinaka nakakaexcite na alamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD