CHAPTER 10: Suspicious

823 Words
Ren POV: "Class dismissed"pagkasabi na pagkasabi noon ni sir ay kinuha ko na ang gamit ko at nauna sa labas. "Ren hindi kapa uuwi?"napalingon ako sa taong nagsalita. Doon ko nakita ang aming class president. "Hindi pa,aantayin ko pa si Kai"sagot ko dito na siyang ikinatango nya. Ilang saglit pa ay nagpaalam na ito sa akin. "Ren,napag-antay ba kita nang matagal?"alalang tanong ni Kai sa akin na siya ko namang inilingan. Matapos ang aming pag-uusap ay nagsimula na kaming maglakad. "Ren sa tingin mo bakit wala pa rin si Lee?"tanong nito sa akin na ikinakibit balikat ko naman. Dalawang araw na kasing hindi pumapasok si Lee simula nang magpaalam ito sa amin. Kahit ang aming mga guro ay hinahanap si Lee dahil hindi raw ito nagpaalam na liliban ng klase. Napagpasyahan namin ni Kai na pumunta muna sa isang coffee shop bago umuwi. Napalingon ako sa kahinahinalang tao na ngayon ay nakatingin sa akin. Nang mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya ay nag-iwas ito ng tingin at muling ibinalik ang tuon sa kasama nito. Nakasuot ito ng sumbrero kaya hindi ko masyado makita kung sino ito pero tiyak akong isa itong lalaki. Ganun din at tiyak ako na nakita ko na sya kung saan. "Hoi Ren,bakit ba ang sama mo makatingin dun sa mama,kilala mo ba sya?"tanong sa akin ni Kai na sya ko namang inilingan. Tinignan din ito ni Kai ng saglit at muling itinuon ang tingin sa iniinom. Hindi ko ito kilala pero parang nakita ko na sya dati. **** Habang naglalakad kami ay may napansin kaming tila sumusunod sa amin. Napansin ko namang bahagyang lumingon si Kai sa akin at nagsenyas na lumingon sa likod. Pagkatapos niya yoon isenyas ay sabay kaming humarap sa likod na ikinagulat namin kung sino ang nasa harap namin. Walang iba kung hindi si Lee. "Lee naman bakit mo ba kami tinakot,alam mo bang kanina pa kami kinakabahan. Akala ko talaga kung sino yung sumusunod sa amin ikaw lang pala."sabi ni Kai habang nakahawak sa balikat ni Lee. Nakita ko namang napahawak si Lee sa kanyang noo . "Kanina ko pa kayo tinatawag pero hindi nyo ako pinapansin"sagot nito sa amin. 'Kanina pa sya tumatawag? Bakit hindi namin sya narinig?' "Ayy sorry naman kung ganon. Meron kasing nakita si Ren na kahinahinala sa Coffee shop kanina kaya naman iniisip ko kung sino ito kasi parang pamilyar ang mukha pamilyar kay Ren"wika ni Kai na siya ko namang sinang-ayunan "Pero baka ikaw naman yon Lee"biglang sabi nito na dahilan para mapailing ako at mapahawak sa aking noo dahil napakalayong maging si Lee ang nasa Coffee shop kanina dahil nasa 40s na ito. "Why would I be that?Do I look like suspicious?"tanong nito sa amin na siyang tinanguan naman ni Kai. Napailing nalang ako at si Lee nang gawin yoon ni Kai. Habang nasa daan kami ay kinuwento ni Lee na naospital daw ang lolo niya at siya ang nagbantay dito ng dalawang araw dahil walang magbabantay dito. At kaya naman niya kami sinusundan kanina ay makikitulog daw siya sa amin dahil naiwan ni Lee ang susi ng bahay niya sa Hospital,na siya ko namang ikinatawa. Napalingon naman sa akin ang dalawa nang bigla akong tumawa. "Nababaliw kana ba Ren? Bakit mo tinatawan si Lee samantalang nasa Hospital na nga ang lolo niya,napakasama mo" panenermon sa akin ni Kai na dahilan para samaan ko ito ng tingin. "Tss. Kabadtrip ka Kai. Mukha ba akong tumawa dahil doon? Ako pa ang masama? Hindi ba't parang ikaw ang masama dahil yaan ang naiisip mo sa akin."pagbabalik ko dito nakita ko naman siyang napakamot sa batok nito at bumungisngis. "Hehehe, sorry naman. Ikaw kasi eh bigla bigla ka nalang tumawa samantalang seryoso yung usapan natin"sabi nito sa akin na siyang ikinailing ko nalang. "Kase nga diba,makikitulog si Lee dahil naiwan niya yung susi ng bahay niya sa Hospital. Hindi ba't matatawa ka na lang kase nga ang kagaya ni Lee ay nakakalimutan ang ganoong bagay"pagpapaliwanag ko dito dahilan para bahagya itong matawa. "Pftt,oo nga hano,ang kilala nating si Lee masyadong perpekto para makalimutan ang bagay na yan."sagot nito sa akin na siyang ikinailing ni Lee. "I'm not that perfect"wika nito na siyang ikinatawa namin ni Kai. 'Tss. Hindi ko alam na may side na ganito si Lee.' ******* Nang makarating kami sa bahay ay kumain lang kami at pagkatapos ay nagtungo na sa bawat kwartong tutulugan. Si Lee ay natulog sa guest room samantalang kaming dalawa ni Kai ay sa dati naming kwartong tinutulugan. Lumingon ako sa kisame nang makahiga na ako at napaisip kung saan ko nakita ang lalaki kanina. Sino nga ba ang taong nakita ko kanina at bakit parang kilala ko siya at higit sa lahat simula nang makatanggap muli ako ng bulaklak ay wala pang masamang nagyayari na sya ko namang ikinakabahala. Ngunit dapat nga ba akong mabahala dahil dito, naguguluhan man ay iwinaksi ko na ito sa aking isipan at saka pumikit para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD