Ren POV:
"Are you free this weekend?"tanong nito sa amin na siyang ikinabigla naming dalawa ni Kai.
"Gusto ko lang na imbitahin kayo,so kung wala kayong gagawin, let's hangout"dugtong nito sabay iwas ng tingin na mas lalong ikinagulat namin.
Lumapit si Kai kay Lee at saka hinipo ang kanyang noo na ikinangiti ko ng bahagya.
'Tss. Hindi ka parin nagbabago Kai.'
"Ren wala naman siyang lagnat"wika ni Kai na ikinakunot ng noo ni Lee. Napailing na lang ako sa ginawa nito. Lumapit ako sa dalawa at hinila si Kai mula kay Lee.
"Nagbibiro lang si Lee dahil naninibago lang siya na kahit ako rin ay naninibago"pagpapaliwanag ko kay Lee na mas lalong ikinakunot ng noo nito.
"What do you mean?"pagtatakang tanong nito. Bahagya namang natawa si Kai bago sumagot kay Lee.
"Kase naman sinong mag-aakala na aayayin mo kaming gumala ni Ren. Ang ibig kong sabihin ay hindi namin inexpect na gumagala ka pala. Kagit sino naman magugulat kapag inaya mo sila dahil lagi kang nakapoker face"wika ni Kai habang ginagaya ang pagkapoker face ni Lee.
Nakita ko naman itong tumango at saka ngumiti nang pilit na siyang ikinatawa naming dalawa ni Kai.
"Pftt"
"Tss. Hindi mo kailangan pilitin ngumiti Lee,tsaka wala namang masama kung nakapoker face ka lagi dahil hindi naman ibig sabihin ay iiwasan ka namin dahil dito" pagsabi ko kay Lee at saka siya inakbayan na ginaya naman ni Kai dahilan para ikangiti naman ni Lee.
"So,kita tayo sa weekend. I mean sunduin mo pala kami" wika ni Kai na siyang sinang-ayunan ko. Tumango si Lee bago kami nagpaalam sa kanya para umuwi.
*****
"Ren kabagal mo maglakad,baka tapos na yung papanoorin natin,kapupunta lang natin don"panenermon ni Kai na tinanguan ko nalang at nagmadaling maglakad.
Nandito kami ngayon sa mall dahil dito napagdesisyunan ni Kai na pumunta. Tama si Kai dahil pagdating sa gala wala kaming alam ni Lee.
Nang makarating kami ay hindi pa nagsisimula ang panonoorin namin kaya naman sinamaan ko ng tingin si Kai naikana peace sign nito.
"Dito ka Ren"
"Sit Here"
Sabay na pagkasabi ng dalawa habang tinuturo ang katabi nilang bangko na sya ko namang ikinailing. Lumapit ako kay Kai at pinalipat siya sa tinuturo niyang bangko na siyang sinunod niya naman kaagad. Nakita ko namang napangiti ang dalawa nang gawin ko iyon dahil nasa pagitan nila ako ngayon.
Natapos ang palabas ng wala akong naintindihan dahil panay sigawan ang naririnig ko.
'Tss. Bakit ba kasi horror pa ang pinili nilang dalawa.'
"Ang galing mong pumili Lee' wika ni Kai habang naka thumbs up na siyang kinangiti ni Lee.Nandito kami sa japanese restaurant dahil dito kami inaya ni Lee. Lumingon ako sa dalawa na ngayon ay busy sa pagkain.
'Tss. Hindi ba sila nag-agahan at grabe ang gutom nila.'
Napahinto sila sa pagkain nang mapansin na nakatingin ako sa kanila. Umiling ako dito nang bigyan nila ako nang nagtatakang mukha.
****
"Yahhh nag-enjoy talaga ako! Gawin uli natin ito sa susunod"masayang wika ni Kai na siyang sinang-ayunan naman naming dalawa ni Lee.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na sa amin si Lee dahil bibisita pa daw siya sa Hospital na siyang tinanguan na lang namin bago pumasok sa loob ng bahay.
Nandito ako ngayon sa aking kwarto habang nakahiga. Tumingala ako sa kisame at marahang pumikit. Sa totoo lang ang ginawa lang namin kanina ay manood,kumain,pumasok sa mga store at lumabas ng walang binili. Kahit ganoon lang ang aming ginawa ay hindi ko maitatago na nag-enjoy ako.