Ren POV:
"Get 1/2 crosswise and answer this"wika ng aming math teacher na ngayon ay sinusulat ang math equation.
Hinalungkat ko ang aking bag at doon ko napansin na naubos na pala ang aking papel. Akma na sana akong tatayo para lumapit kay Kai nang iabot ni Lee ang isang pirasong papel na agad ko namang kinuha.
"Thanks"mahinang usal ko dito.
Ilang saglit pa ay natapos na ako, lumingon ako kay Lee na ngayon ay tapos na din. Humarap ito sa akin at hindi nagsalita na sya ko namang lubos na ipinagtaka.
Natigil ito sa pagtitig sa akin nang magsalita ang aming guro.
"Okay, exchange paper" pagkasabi nito ay siya ko namang iniabot kay Lee ang aking papel na agad niya namang kinuha at ganoon din naman ang kanyang ginawa.
Natapos ang aming math class at lahat sila ay nakakuha ng below 5 samantalang kami ni Lee ay nakakuha ng perfect score.
******
"Nagkopyahan ba kayong dalawa?" Tanong ni Kai na agad naman naming inilingan.
"Hmm,alam ko naman na hindi nyo gagawin yun. Hindi na bago sa akin na makakuha ng perfect score si Ren at hindi ko naman inexpect na ganun din pala si Lee. Madaya kayo, dapat tinabi niyo ko sa inyo at pinakopya" nakapout na sabi nito.
Lumapit naman ako sa kanya at marahan siyang binatukan na siyang ikinabigla ni Lee. Hindi ako nagsalita matapos kong gawin yon at ganon din naman si Kai na ngayon ay nakayuko.
Alam ko sa mga oras na ito ay tumutulo ang luha nito. Matapang si Kai pero alam ko kung bakit niya ito naramdaman. Hindi na ako nakapagpigil pa at nagsalita.
"Kai,itigil mo nga yan. Hindi mo kailangang maging kapantay namin lagi, hanggat ginagawa mo ang makakaya mo ay sapat na ito. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo dahil sa simpleng bagay." Nang sabihin ko ito ay napansin kong bahagyang nagpunas si Kai ng kanyang mukha at lumapit ito sa akin at saka ako binatukan na siyang hinayaan ko nalang niyang gawin.
'Tss. Kung hindi lang kita sinusuyo baka mabatukan pa uli kita.'
"Napaka epal mo Ren,nag eemote ako dito eh"nakapout na sabi nito habang mugto ang mga mata nito.
Magsasalita na sana ako nang biglang batukan ito ni Lee na siya ko namang ikinagulat.
"Yah Lee,pati ba naman ikaw" pagmamaktol nito na siya naming ikinatawa dahilan para habulin niya kami.
Hinawakan ni Lee ang kamay ko na dahilan para ikagulat ko. Akma ko na itong babawiin nang makita ko si Kai na ngayon ay papalapit sa amin.
"Takbo" saad ko kay Lee na siyang ginawa niya agad.
Bumitaw ako kay Lee kahit na napansin kong papalapit sa amin si Kai dahil napapagod na ako.
"You okay?"pag-aalalang tanong nito na siya ko namang inilingan dahil hindi na ako makahinga sa pagod.
"Huli kayo"rinig kong sabi ni Kai. Akma ulit itong magsasalita nang mapansin niya ang kalagayan ko.
'Damn. Nagdidilim ang paningin ko.'
"Kai,dalin natin siya sa clinic"rinig ko pang sabi ni Lee bago ako mawalan ng malay.
******
Nagising ako nang may marinig akong nag-uusap. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.
Tatayo na sana ako ng may pumigil sa akin. Doon ko napansin si Lee na nakaupo sa tabi ko.
"Ren mabuti naman gising kana" sabi ni Kai na ngayon ay papalapit sa akin.
"Ang sabi ng nurse napagod ka lang daw kaya ka nawalan ng malay"pagkukuwento nito na siya ko namang tinanguan.
Gusto ko man magsalita ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig tila ba may pumipigil dito.
'Anong oras na ba?'
"It's 4:30 in the afternoon" wika ni Lee na siyang ikinalingon ko dito.
Napansin kong nakatingin ito sa nurse. Seryoso ang mukha nito at napansin ko rin na masama ang tingin niya dito na siya ko namang ikinapagtaka. Nang humarap ako kay Kai ay masama rin ang tingin dito.
'Problema ng mga to?'
Ilang saglit pa ay nagpaalam na kami,I mean ako lang pala sa nurse.
"May nagawa bang masama sa inyo yung nurse kanina?"tanong ko sa dalawa na ngayon ay nakakunot ang mga noo.
"Siguro"
"Maybe"
Sabay na sagot nito na siyang ikinakamot ko ng ulo. Hindi ko na sila tinanong sa bagay na ito at sumabay nalang sa paglakad nila.
'Tss. Ang weird nilang dalawa ngayon.'