Kabanata 23

1439 Words
Georgia Tumayo ako kaagad nang pumasok si Boyd sa loob ng apartment. "Ano'ng sabi?" He pinched my chin. "May nagpapa-book na tropa niya. Thirty five thousand. Full colored back tattoo." Napabuga ako ng hangin. "Geez. I thought he already knew." "Malalaman at malalaman din naman nila. Sana kapag nangyari 'yon . . ." He held my hand and gently squeezed it. "Kaya nating panindigan 'to." I stared into his eyes as I searched for an answer inside my heart. I've been liking this man since I couldn't remember. I never saw him incapable of fitting into my world because all I see is him. The things I love about him and the things I don't. Kung darating ang araw na malalaman ng lahat ang namamagitan sa amin, kung ano ang binubuo namin ngayon at kung ano ang nagsisilbi kong unan sa gabi, alam ko sa sarili kong magagawa kong ipagsigawang handa ko siyang piliin. A small smile slowly made its way to my lips. "We're too perfect for each other for us to deny this." Yumakap ako sa kanya. "Oh, baka ikaw ang hindi aamin, hmm?" He scoffed. "Huwag mo kong hinahamon, Georgia. Baka bukas na bukas Fortillo na 'yang apelyido mo." I jokingly rolled my eyes. "Halika na nga at mag-grocery na tayo. Excited ako. Hindi ko pa 'to nata-try." Boyd locked the door after getting the keys. Hindi pa siya pwedeng mag-drive ng motor ngayon kaya kinailangan naming mag-taxi papunta sa shopping center. He said he has money to buy some stuff, too. Wala pa kaming mesa para sa kainan kaya balak naming bumili rin. "Can we get some of these?" tanong ko habang hawak ang Korean noodles. "Oo naman. Kuha ka kung ilang gusto mo." I smiled. "Thanks. Maybe I'll get two." Inilagay ko sa push cart ang nakuha ko saka ko siya ulit hinayaang akbayan ako. We looked around more and grabbed the things we need. Ewan pero ang saya-saya ko ngayon. My heart feels so full even when we're not on a fancy date or in an expensive vacation. Maybe it's true that the little things that makes us more happy, but it's more fulfilling when you get to share the moment with the person you love. Tumigil kami sa baby section nang dumampot si Boyd ng baby wash. I saw his eyes glistened with joy while his lips formed a small yet genuine smile. Yumakap ako sa kanyang baywang. "Boyd, wala pa tayong baby. Saan mo gagamitin 'yan?" He tilted his head to look at me then smirked. "Sa'yo sana. Baby naman kita." My lips pouted as my cheeks turned tomato red. "Wala ka talagang pinipiling lugar para diyan sa mga banat mo, ano?" He laughed softly before he kissed my head. "Sorry na pala." Peke akong umirap bago ko inagaw ang baby wash sa kanya. "Once I graduate college, do you wanna get married already and have kids with me?" I asked. Yes, masyado akong advanced but who cares? "Depende. Ayokong ako lang magdedesisyon diyan. Saka ayokong iisipin mo balang araw na naging hindrance ako para sa mga sarili mong pangarap. Gusto kong maabot mo kung ano ang mga gusto mo. Pwede tayong magpakasal na, pero pwedeng hindi muna ang baby." "Why? You think we won't manage?" "Hindi naman sa gano'n." Hinagod niya ang aking braso. "Malaking responsibilidad ang anak, George. Hindi sila play thing kaya kailangan bago natin gustuhin ng anak, handa na tayo hindi lang sa pinansyal. Naniniwala akong kaya ko kayong buhayin dahil wala naman akong hindi gagawin para sa'yo. I promised to give you a good life someday, at hindi ko babaliin 'yon. Pero emotionally at mentally, gusto kitang maging handa. Ikaw ang priority ko. Bago ang anak, ikaw muna." My eyes softened. "Bakit . . . ako?" He smiled and tucked my hair behind my ear. "Kasi tayo ang magsi-set ng standards nila habang lumalaki. Gusto kong makita nila na masaya tayo. Na mahal natin ang isa't isa at suportado natin palagi ang isa't isa. If they will grow up seeing you frustrated because you think you didn't achieve your personal goals, baka isipin nilang ayos lang isantabi ang sariling mga pangarap para sa iba. Ayoko ng gano'n. I want you to feel whole when you're with me. Hindi lang busog ng pagmamahal ko." I inhaled a sharp breath as my chest tightened. "I hope my dad had the same mindset as you. Maybe my mom doesn't look miserable whenever I'm looking at her." Lumamlam ang mga mata niya. "Iyon ang gusto kong iwasan. Hindi man direktang sabihin ng magulang, mararamdaman naman ng mga anak. Ikaw muna ang pasasayahin at susuportahan ko. Kapag naabot mo na lahat at handa ka nang magkaanak, doon tayo magpaplano. Kaya kitang hintaying maging handa dahil hindi naman maramot ang pagmamahal ko para sa'yo." I sighed. What else do I still have to look for in this man? Ngayon pa lang ay wala na akong mahiling pa. "We should buy condoms then," I said after a long pause. Napatawa siya nang mahina. Namula rin nang bahagya ang pisngi na tila nahiya. "Hay, Georgia talaga." I scoffed. "Why? I still wanna have s*x with you, you know?" Tinakpan niya ang bibig ko. "Make love, baby. Not just sex." Itinulak na niya ang cart habang nakaakbay sa akin. "Hinaan mo boses mo. Baka mamaya may mainggit sa'yo." Umismid ako. "Pabayaan mo sila." Hindi na lamang niya ipinagpilitan. We continued shopping for the rest of what we need. Bumili kami ng table for two. May AC na sa bahay dahil may nagbenta kay Boyd ng mura pero bumili pa rin siya ng electric fan kung sakali raw na mainitan ako sa sala. Ako lang yata ang iniisip nito? Bakit wala akong narinig na gusto niyang bumili para sa sarili niya? "Salamat, boss," I heard him say to the taxi driver after we got off the cab. Ibinigay niya ang susi ng apartment namin sa akin at inutusan akong buksan ang pinto. Ayaw rin naman akong pagbuhatin ng mga binili namin kaya napilitan na lang akong sundin ang sinabi niya. Pagpasok ng unit ay nagpahinga kami sandali bago nagsimulang ilagay sa cabinets ang mga pinamili namin. I was busy arranging our canned goods in the cabinets when I heard Boyd play some music. Napatigil ako't nilingon siya. He smiled and walked the length towards me. Ngumisi naman ako't inilapat ang aking mga palad sa kanyang batok habang namirmi sa aking baywang ang mga kamay niya. "Anong meron?" I asked. "Hindi kita nasayaw sa debut celebration mo," he answered. "Hinihintay ko pa naman 'yon." My heart warmed. "Hindi ko rin naman itinuloy kasi hindi na kita ma-invite. This is better anyway. We started slow dancing while he presses his forehead on top of my head. Madilim na sa labas kaya tanging ang ilaw lamang sa loob ng unit ang nagsisilbing liwanag. Napundi pa iyong nasa kusina kaya medyo dumilim ngunit hindi kami tumigil. He continued to slow dance, not minding what's going on with the rest of the world because we have our own. He slowly wrapped his arms around my waist and buried his face on my shoulder. Humugot siya ng malalim na hininga't pinatakan ng halik ang aking leeg. "I love you," he whispered. "I'll give you a good life." I caressed the back of his head and kissed his neck. "I believe in you." Humugot ako ng hininga't hinaplos ang likod niya. "Boyd? Can you give me my first tattoo?" "Anong design ang gusto mo?" he asked after lifting his head up so he could look at me. "I want your initial." I pulled my shirt's collar. "Right here, below my collar bone." He smirked. "Like this?" Hinatak niya ang shirt niya. Nang makita ko ang tattoo sa kaliwang dibdib niya ay bahagyang umawang ang mga labi ko. "That looks like a map." "Map of Georgia. It's a lowkey declaration of whom my heart belongs to. I inked it on my skin before I went back to Manila. Ipapakita ko sana sa'yo kaso hindi mo ko pinapansin." Sumimangot ako. "Ang daya. Wala namang bansa na Boyd or Kennedy. I'm jealous!" "Pwede tayong gumawa ng minimalist design o ng monogram design." "Or you can just tattoo your signature on my chest." I smirked. "You know? Since you own me?" His lips slowly formed a mischievous smile. "Ah, you and your pretty mind." He wrapped one arm around my shoulders then pecked a gentle kiss on top of my head. "Halika na pala at simulan na natin." "May bayad?" tanong ko. "Syempre." "Ano?" He licked his lower lip. "Habambuhay ka sa tabi ko . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD