Kabanata 24

1153 Words
Georgia I carefully watched Boyd while he prepares everything he's going to need. Para akong bata na nakadungaw sa kanya, namamangha sa kung papaano niya ihinahanda ang lahat ng gamit niya mula sa ink hanggang sa stencil. "Ang ganda ng pirma mo," puri ko nang makita ang signature niya sa bond paper. He looked at me then smirked. "Kasing ganda mo." Pabiro ko siyang inirapan. "Babanat na naman." He laughed softly before he patted his thigh. "Come here. Take off your shirt." Tumango ako't kaagad na naghubad ng pang-itaas. I saw his smirk slowly disappeared as his eyelids became heavy. Pinasadahan niya ako ng tingin na tila sandali siyang nawala sa sarili. Nang makabawi ay humugot ng hininga't tumikhim. "Dapat pala pinag-sando na lang kita," he said. Ngumisi ako. "Bakit magsa-sando pa?" I sat on his right lap with my body slightly facing him. "Sa'yo naman 'tong tinitigan mo." He grunted. Maya-maya ay pinisil ang tungki ng aking ilong. "Akit pa. Mamaya malaking karayom na tutusok sa'yo." "Oh, I can't wait," I joked that made him sigh. Imbes na sagutin pa ako ay inilipat niya ang kanyang pirma sa stencil saka niya nilagyan ng stencil gel ang parte ng balat ko kung saan niya ilalagay ang tattoo. He was careful as if he's trying to focus because my boobs were distracting him. Nang mailipat sa balat ko ang pirma niya ay dinampot niya ang kanyang tattoo machine. He put the new syringe and then looked at me. "Sisimulan ko na," aniya. I anchored my arm on his nape before I nodded. Sinimulan niyang iturok sa balat ko ang karayom pagkatapos ay tumigil upang tingnan ako. "Kaya mo?" he asked. Parang gustong makasigurong matitiis ko ang sakit. Tumango ako't nilaro ang kanyang buhok. "I can manage." "Sabihin mo kung masyadong masakit." "Mas masakit ma-virgin, 'di ba? Sisiw lang 'to." He groaned. "Georgia . . ." I giggled. "Hindi na mabiro." Bumuntonghininga siya. "You're giving me a hard time." My brow shot up. "Hard time or hard on?" "Both," he said under his breath. "Isa-isa lang ang tusok. Kumalma ka. Sabik na sabik ka sa'kin habambuhay mo naman akong matitikman." I laughed. "Grabe, ha?" "Oh, ngayong ibinabalik ko sa'yo kalokohan mo grabe ako? Tsk tsk." Pabiro na lamang akong umirap saka ko sinabing ituloy na niya ang pagta-tattoo sa balat ko. I don't know why but I didn't just feel the pain. There was pleasure, too each time I feel the small needle poking my skin. I played with his hair while watching his thick eyebrows twitch. Sobrang focused siya sa ginagawa. Gusto ko tuloy siyang kuhanan ng larawan ngayon dahil ang gwapo niya kapag ganito kaseryoso sa ginagawa. "Your lashes looked thicker and longer than mine. I'm jealous," I said. He glanced at me. "Huwag mo kong titigan. Kiligin ako rito magulo ko 'tong tattoo mo." I scoffed. Puro talaga kalokohan. Ngumisi na lamang ako't pinagpatuloy ang pagtitig sa kanya. I licked my lips. I really love his features. His sharp jawline, the structure of his nose, pati na iyong hugis ng mga mata at labi niya, God I hit jackpot. This man will surely make cute babies. Our babies, of course. Maganda naman ako. Gwapo siya. We'll surely produce good-looking kids. "Ano na namang naisip mo, baby?" he asked. Napansin yata na napangiti ako dahil sa naisip. I sighed. "Boyd, kapag nagka-baby na tayo someday, anong ipapangalan mo?" "Boydgia o kaya Geornedy," he answered in a casual way. Naiinis ko siyang sinabunutan. Dumaing naman ang loko saka mahinang natawa. "Aray, bakit ba?" "Ang bantot mo naman magpangalan! Sinasabi ko sa'yo, Boyd kapag 'yang mga 'yan ang ipinangalan mo sa magiging anak natin, itutusok ko sa mga mata mo lahat ng karayom na meron dito!" Nayakap niya ako sa baywang saka mahinang tumawa habang nakasubsob sa aking balikat. "Joke lang. Hindi na mabiro." "Seryosohin mo kasi!" asik ko. He drew in a deep breath. Tila pinakakalma ang sarili nang hindi na matawa. "Sige, seryoso na." Tumikhim siya't pinakatitigan ako sa mga mata. "Gusto ko kung babae, Inka. Ink. Tinta. Para tunog babae, dinagdagan ko ng letter a. Kung lalake, syempre George." Sumimangot ako. "I don't like George. I'm already hard to handle. What more kung lalakeng version ko?" "Sino namang nagsabing mahirap kang i-handle?" I shrugged my shoulders. "I just felt that way most of the time." "Hindi lang nila mahuli kiliti mo." He rubbed my thigh with his palm. "Kayang-kaya naman kita." "Eh, basta I don't like George." "Okay?" He moistened his lower lip. "Ano ang gusto mo?" "Hmm, I want Coelus. It means heaven or sky. I like it up there. It makes me appreciate the beauty of the world. The world where both of us exists. Where we found this thing we share." His eyes softened. Maya-maya ay humugot siya ng hininga't hinawakan ako sa aking batok. He claimed my lips in a gentle yet deep way, giving me a rush of something beautiful. Payak siyang ngumiti nang maghiwalay ang aming mga labi. "Gusto ko 'yon. Gusto ko ng pangalang may importanteng kahulugan sa'yo." I smiled back. "I like Inka, too. It will always remind me of you and your love for tattoos." I looked at the unfinished design. "Ituloy mo na. I can't wait to see your whole signature on my skin." Boyd moistened his lower lip. "Tuturuan kita kung paano 'to gamitin nang mamarkahan mo rin ang balat ko. Gusto ko rin ng pirma mo tutal sa'yong-sa'yo naman ako." "Are you sure you want me to ink your skin?" salubong ang mga kilay kong tanong. "Oo naman." He refilled the ink. "Pili ka ng pwesto para sa pirma mo." I smirked. "What if I want to place it on your lower abdomen? Para kung may ibang magtatangkang lumuhod sa'yo at ibaba ang underwear mo ay makikita kaagad kung kanino 'yang sundalo mo?" He groaned. "Sabing mamaya mo na ako akitin, George." Nagpigil ako ng tawa dahil halatang nahihirapan na siyang magpigil ng sarili. I lowkey like it when he's having a hard time controlling himself because of me. "Hindi kita inaakit. I am just telling you where I wanna place my signature," dahilan ko. Bumuntonghininga siya. "Wala ring ibang makakakita dahil ikaw lang pwedeng lumuhod sa harap ko." "Malay mo naman magsawa ka sa'kin someday--" "Imposible." He gave me wet kisses on my neck before he sighed. "Masyado na kong lunod sa nararamdaman ko sa'yo para manawa pa ko." "Is that so?" I caressed his nape while my eyelids felt heavy. "Finish my tattoo. I want you to mark the rest of my body with your lips." Umigting ang panga niya. "You really wouldn't stop, hmm?" Umiling ako habang hinahaplos ang likod ng kanyang ulo. "No. I want your mark all over me." Boyd sighed before he continued inking my skin. "Matapos ko lang 'to, Georgia. Walang aalis ng kama kahit abutin pa tayo ng umaga . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD