Kabanata 16

1530 Words
Georgia "Cerilla!" tawag ni Boyd sabay dampot ng shirt ko. "Isuot mo, bilis." Natataranta niyang isinuot sa aking ulo ang damit saka siya tumayo para puntahan si Cerilla. His friend tried to run but Boyd was fast enough to catch her. Nagbihis ako habang naririnig silang nagtatalo. My hands were trembling, making it harder for me to get dressed. "Ano ba, Boyd!" singhal ni Cerilla dahil mukhang humihigpit na ang pagkakahawak ni Boyd. "Akin na 'yan, Cerilla," nagtitimping sabi ni Boyd ngunit iniwas ni Cerilla ang cellphone. "Iyan ba, Boyd? Iyan ba ang gusto mong uri ng babae?! 'Yong handang magpababoy sa'yo-" "Tumahimik ka, Leng nagtitimpi lang ako sa'yo!" Bahagya nang tumaas ang boses ni Boyd. Cerilla scoffed. She even had the audacity to give me a disgusted stare. Kung normal na pagkakataon ay baka sinugod ko na siya. But not this time. Not when I feel so low. Hindi ko naman pinagsisisihan ang nangyari pero para akong nanghihina dahil may nakakita sa amin. "Akala ko napakataas niyang napili mo. Akala ko ay edukada at may delikadesa. Iyon pala ay napakaarte lang sa panlabas pero masahol pa sa pokpok-" "Tumigil ka na! Ano bang pakialam mo kung gusto naming gawin 'to? Ano ba kita?" Natulala si Cerilla kay Boyd. Parang hindi inasahang sasabihin 'yon ni Boyd sa kanya. I took the chance to wear my underwear and shorts. Patapos na akong magbihis noong narinig ko ang paghikbi ni Cerilla. I tilted my head to look at them again only to see Cerilla's hand slap Boyd's cheek. Parang napitik ang pasensya ko. I rushed towards them and immediately grabbed her by her hair. It felt like I lost my self control because she had the audacity to hurt my man. Todo ang pigil ni Boyd sa akin ngunit hindi talaga ako maawat. I was so angry that my nails broke while trying to give her a taste of my wrath. Kung hindi pa ako nayakap ni Boyd pagkatapos niya kaming paghiwalayin ay baka nakalbo ko ang lintik na iyon! "Tama na, George," mahinang pakiusap ni Boyd. I gritted my teeth. "Bakit?! Naaawa ka diyan sa babaeng 'yan?!" I threatened to get off Boyd's hold but he didn't let me go. Nakatakbo si Cerilla kapipigil sa akin ni Boyd kaya halos pumutok ako sa galit. "You should've let me!" I shouted. "Ano?! Naawa ka bigla?!" Boyd sighed. Maya-maya ay itinulak niya ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa likod ng tainga. His eyes flickered with guilt as he touched my cheek. Tila may kung ano roong nagpasakit sa kalooban niya. "Natamaan ka ng kuko niya," naaawa niyang sabi bago ulit nagpakawala ng hangin sa dibdib. "Sorry. Hindi ko dapat hinayaan." Natigilan ako. I stared at him as my anger slowly faded while looking into his gloomy eyes. Para bang sinisisi niya ang sarili niya. It suddenly donned into me. Boyd stopped me from my catfight with Cerilla not because he's terrified of what I could do to his friend. He just didn't want me to get hurt . . . Bumagsak ang mga balikat ko kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. "I didn't realize she scratched me." Boyd sighed. He cupped my face and made me look at him again. "Huwag ka nang makikipag-away. Ako dapat ang nagpoprotekta sa'yo. Hindi 'yong ikaw ang susugod sa away para sa akin." My heart swelled. I know he's a good man, but those words just hit differently. Para bang sinasabi niyang kahit gaano siya kabuting tao ay handa niyang itapon ang moralidad niya para sa akin. I swallowed the lump forming in my throat. "Ano'ng gagawin natin? Nakatakbo." "Kakausapin ko mamaya. Ang mabuti pa ay umuwi na tayo bago niya tayo maunahan. Siguro nandiyan sila sa taniman ng tiyuhin niya. Napansin tayo noong pumasok tayo kanina kaya sumunod." Lumamlam ang mga mata ko. "Paano kung makarating sa nanay mo? Baka hindi na ako gustuhin para sa'yo." Boyd caressed my cheek. "Hindi naman gano'n Mama ko. Saka hindi na ko bata para kontrolin pa sa mga ganitong bagay." I pursed my lips instead of telling him that his mom doesn't like me from the very beginning. Now that Cerilla is holding something against me, baka lalo lang akong ayawan ni Tita. Not to mention that I hurt Cerilla. Eh, botong-boto si Tita sa babaeng 'yon. Parang natakot akong sumamang umuwi kay Boyd. Kaya lang wala rin naman akong nagawa noong niyaya na niya akong umalis doon. My heart was pounding loudly while we were on our way home. Naglalaro sa isip ko ang posibleng maging consequences ng mga nangyari kanina lalo na iyong pag-aaway namin ni Cerilla. I'm already eighteen. Pwede na akong kasuhan. If they will file a case against me then my parents would find out that I am here with Boyd. Imposibleng hindi rin maungkat ang pinagmulan ng pagtatalo namin ni Cerilla. God, why does that woman have to be nosy in the first place?! If only she knows how to mind her own business then none of these would have happened! "Ma," tawag ni Boyd kay Tita nang makita namin siyang nakaabang sa bungad ng bahay. Nalunok ko na lamang ang sarili kong laway nang makita kung gaano kalamig ang titig ni Tita sa amin. She's holding her phone, too and there's an open chat. Parang si Cerilla ang kausap. Tiningnan ni Tita ang sugat sa pisngi ko. Maya-maya ay humugot siya ng hininga bago ibinalik kay Boyd ang atensyon niya. "Bumili ka ng yelo para sa sgat niya. Baka kung umuwi 'yang namamaga ang mukha ay ipapulis pa tayo ng nanay niyan." Napayuko na lamang ako. I wanted to come with Boyd but looks like Tita didn't want me. Siguro kasi may iba siyang dahilan kung bakit niya pinapabili ng yelo si Boyd. "Babalik ako kaagad. Ibabalik ko lang din 'tong motor at bibili ng yelo," paalam ni Boyd. I had no choice but to nod. Noong nakaalis siya ay hinawakan ako ni Tita sa braso. Medyo mahigpit habang kinakaladkad ako papasok ng bahay nila. She shut the door as if she didn't want anyone to see us. Hinagod ko naman ang parte ng braso kong hawak-hawak niya kanina. "Tita, magpapaliwanag ho ako-" Napasinghap na lang ako nang lumipad sa aking pisngi ang mabigat niyang palad. I wasn't able to react. My eyes widened as I held my cheek. Hindi makapaniwalang mapagbubuhatan niya ako ng kamay. "Kung hindi pa sapat 'yan para malaman mong hinding-hindi kita gugustuhin para sa anak ko, pati sa kabila ay mamarkahan ko ng palad ko, Georgia." Namuo ang mga luha ko. "Hindi n'yo ho ako kailangang sampalin. Kung disappointed kayo, you could've just-" "Ano ang pakiramdam ng pagbuhatan ng kamay kahit hindi ka pa naririnig na nagpapaliwanag? Ano ang pakiramdam na gawin sa iyo ang ginawa sa akin ng nanay mo?" My chest tightened. "Hindi ho ako ang mommy ko-" "At wala akong pakialam dahil sa tuwing nakikita ko 'yang pagmumukha mo, si Austria pa rin ang naaalala ko! Tapos ito? Anong kababuyan itong ginagawa mo sa anak ko?! Napakabait ni Boyd para lang mapunta sa isang tulad mo! Isaksak mo 'to diyan sa kokote mo, Georgia." She poked my forehead multiple times with her index finger. "Kahit kailan, hinding-hindi ko gugustuhing mapunta lang sa isang gaya mo ang anak ko kaya ang mabuti pa ay ngayon pa lang, ikaw na ang lumayo kay Byod dahil oras na magkatuluyan kayo, sinisiguro ko sa'yong dadanasin mo rin sa akin lahat ng dinanas ko diyan sa lintik na nanay mo!" I sobbed. "Hindi po ako si mommy. Mahal ko po si Boyd-" "Punyetang pag-ibig 'yan! Hindi kayo pwede ng anak ko dahil nakakadiri kayong makitang magkasama!" Muli akong napahikbi. "Tita, I wanna respect you dahil nanay kayo ng lalakeng mahal ko but this is so unfair. Ibinabaling n'yo sa'kin ang issues n'yo sa mommy ko-" "Gusto mo talagang malaman kung bakit kahit kailan ay hindi kita matatanggap?" She scoffed. "Ayaw sana kitang sampalin ng katotohanan pero sinasagad mo nang husto ang pasensya ko." I wiped my tears. "Bakit po? Ano ba talagang pinaghuhugutan ng pag-ayaw n'yo sa'kin? Dahil ho ba may gusto ninyo si Cerilla? Dahil ho mas marunong sa bahay at walang arte sa buhay probinsya?" Her eyes narrowed at me. "Gusto mong malaman ang totoo?" She took a step forward. "Dahil kasalanan sa Diyos ang magkaroon ng relasyon sa kadugo, Georgia. Ano, masaya ka na?" Parang tumigil ang t***k ng aking puso. Pumatak ang aking luha habang hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. "W-What?" Her gaze became cold. "Anak ni Americus si Boyd. Nalaman ng nanay mo ang katotohanan kaya niya ako tinanggal sa mansyon. Sinabi niya rin ang totoo sa asawa ko kaya halos patayin ako ng tatay ni Boyd. Ngayon kung hindi pa sapat na dahilan 'yan sa'yo, bakit hindi ka umuwi sa nanay mo at tanungin siya mismo?" Muntik na akong mawalan ng lakas. My chest tightened that I nearly fainted because of what she told me. Umagos na rin ang aking mga luha dahil unti-unti nang nagsi-sink in sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Tita. Kami ni Boyd, magkapatid sa ama? I sobbed. Hindi. Hindi pwede . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD