Georgia
"This place seems okay," I told Boyd while I'm roaming my eyes around the small garden resto where he brought me. "Are we in Tagaytay?"
"Oo," sagot niya bago ako ipinaghila ng silya. "Upo na. Ako na o-order. Ano gusto mo?"
"Do they have caviar here?" I asked.
Napakamot siya ng ulo. "Parang wala. Sizzling plates nakikita ko sa ibang mesa. Ayaw mo ba ng sisig? Masarap sisig dito."
Tinaasan ko siya ng kilay. "So you already tried their sisig here? Sino ang kasama mo? Nag-date ba kayo? May girlfriend ka bang dinala rito?"
Umismid siya. "Daming tanong, ah? Nasubukan na namin ni Russia dito. Pangatlong gulong nila ko ni Frey." He pinched the tip of my nose. "Wala pa kong syota."
I swallowed my own saliva when I felt my heart pounded a bit faster. "B-Bakit kasi wala?"
He smirked. "Bawal pa."
I scoffed. "Ikaw, bawal pang mag-girlfriend?"
"Pwede na. 'Yong . . ." He licked his lower lip. "Basta."
Napakunot na lamang ako ng noo nang talikuran na niya ako nang makapag-order siya roon mismo sa counter. Wala naman sana akong balak na sumunod pa kaya lang nang napansin kong may lumapit sa kanyang magandang babae ay kumulo ang dugo ko.
I found myself getting on my feet to storm towards Boyd. Sa selos ko ay iniyakap ko ang aking braso sa kanyang braso dahilan upang bahagya silang magulat ng kausap niyang babae.
I faked a smile at Boyd. "Gusto ko rin pala ng mango shake."
Boyd smirked. Maya-maya ay inalis niya ang pagkakakapit ko sa kanyang braso. Napawi tuloy ang aking ngiti nang mapahiya.
"'Yon lang?" he asked.
I swallowed the lump forming in my throat and just nodded. Ibinaba ko na rin ang tingin ko nang maitago ang gumuhit na ekspresyon sa aking mukha, ngunit maya-maya ay ganoon na lamang ang naging kabog ng aking dibdib nang akbayan niya ako saka niya ulit kinausap 'yong babaeng lumapit sa kanya.
"Hindi talaga, Miss pasensya na."
The woman nodded and finally left. Tiningala ko naman si Boyd kahit pakiramdam ko ay namumula ang aking mukha dala ng nararamdamang kilig.
"Anong sinabi sa'yo?" I asked.
He gently massaged my nape with his thumb. "Nagyayaya sumama tayo sa table nila. Ayoko. Hindi naman natin kilala saka may mga kasamang lalake. Mamaya diskartehan ka pa."
Napakurap ako. So he refused to join because he didn't want someone to make a move on me? Nakagat ko ang ibaba kong labi. Akala ko ako lang ang takot may makaagaw ng atensyon niya.
"Isang mango shake pa, Miss," aniya sa cashier.
I pulled out my wallet to give my card but Boyd stared at me as if I did something ridiculous. Tinaasan ko naman siya ng kilay habang hawak ko pa rin ang credit card ko. "What? It's better to use my card. You can use your money somewhere else. No big deal--"
"Big deal sa'kin 'to, Georgia. Libre ko 'to kaya itago mo," seryoso niyang sabi.
I sighed. "Fine."
Itinago ko na lamang ulit ang card ko saka na ako sumama sa kanyang bumalik sa table namin. Sabi naman ng cashier ay may waiter na lang na maghahatid ng order namin.
Pagkaupo namin ay pinalabas niya na naman ang reviewer. Napipikon ko tuloy na binuklat iyon. Hindi pa pala tapos? Tuyot na ang brain cells ko!
I groaned after a series of questions and answers. "Can we take a break? Pagod na ang isip ko."
Umismid siya. "Ang bilis mong sumuko. Paano kung nagkasyota ka na? Ganyan ka rin kabilis susuko kung mahirapan ka?"
Tumaas ang kilay ko. "Ano namang koneksyon ng pagkakaroon ko ng relasyon sa pagre-review?"
"Wala, pero ang may koneksyon, 'yong tatag mo kapag mahirap na ang sitwasyon." He lifted a brow, too. "Ganyan ka rin ba? Kapag nagkaroon ng problema sa relasyon, susuko kaagad?"
Umiwas ako ng tingin. "Malay ko. Wala pa naman akong sineryoso sa mga naging karelasyon ko kaya kahit walang problema, nakikipag-break ako basta mawalan ng gana."
He sighed. "Hirap naman ng ganyan. Paano tayo tatagal niyan?" he murmured.
Napakunot ako ng noo nang hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. "Ano 'yon?"
"Wala." Isinara niya ang reviewer. "Anong oras ang pasok mo bukas?"
"Nine AM ang earliest class ko. Why?"
"Nine? Sige, bibili lang ako ng helmet mo at didiretso na sa inyo."
My forehead creased. "Bakit?"
"Ihahatid kita. Alas onse pa klase ko," deretsahan niyang sabi.
My heart pounced. Si Boyd? Ihahatid ako sa university? Bakit?
Kunwari akong nagtaray. I even crossed my legs and folded my arms in front of my chest to make it believable. "Bakit mo naman ako ihahatid? Huwag mong sabihing binabayaran ka ni kuya Russia para bantayan ako?"
"Nope. Pero gusto kong masigurong mag-e-exam ka bukas."
Inirapan ko siya. "I will. Hindi mo ko kailangang ihatid kung 'yan lang ang dahilan."
He smirked in a sexy way. Oh baka ako lang ang nakakaisip na ang sexy niya ngumisi habang nakatitig sa akin. "Bakit? Anong dahilan ba ang pwede para allowed na kitang ihatid-sundo?"
Muling nagwala ang aking dibdib ngunit sa pagkakataong ito ay tinatagan ko ang loob ko. "Manliligaw ko lang ang papayagan kong maghatid-sundo sa akin."
He made a click sound using his tongue. Hindi na rin nagsalita pa kaya parang napahiya ako. Goodness! Paano kung nakahalata na siya? Hindi pwede. It's so embarrassing!
Tahimik ko na lang kinain ang inirekumenda niyang pagkain. Nang natapos kami ay ipinasuot niya ulit sa akin ang helmet niya saka niya ako ihinatid sa bahay. Sinusubukan naman niya akong kausapin pero wala na talaga ako sa mood sumagot dahil pakiramdam ko naipahiya ko ang sarili ko kanina.
"Sunduin kita rito bago mag-eight thirty," aniya nang makababa ako ng motorsiklo.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Didn't you hear me earlier? Manliligaw ko lang ang papayagan kong maghatid-sundo sa akin."
Boyd smirked before he removed the helmet I was wearing. Nang maalis iyon sa aking ulo ay marahan niyang itinulak ang ilang hibla ng aking buhok patungo sa likod ng aking tainga.
"Narinig kita kanina. Malinaw na malinaw," anya habang inaayos ang buhok ko.
Lumunok ako. "A-And?"
Our eyes met. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya yumuko at pinatakan ng halik ang aking pisngi. Nagwala tuloy ang dibdib ko at halos manlambot ang aking mga tuhod. What was that?!
"Pasok na, Georgia. Manunundo pa ako bukas ng umaga," he said before he went to his motorbike, looking so hot when his biceps effortlessly flexed because of his simple movements.
Pilit kong nilunok ang sarili kong laway nang makapagsalita kahit na nabibingi ako sa lakas ng t***k ng aking puso. Bakit ba kasi ang effortless ng lakas ng dating ng lalakeng ito? Tapos humalik pa sa pisngi ko? Balak yata akong bigyan ng sakit sa puso!
"B-Bakit mo ko susunduin?" Halos pumiyok ang boses ko.
Boyd smiled as he put on his helmet. "Goodnight, George." His motorbike roared to life. "Bukas ulit . . ."
Napaawang na lamang ang aking mga labi habang pinanonood siyang umalis. Nang makalayo ang motorsiklo ay nahaplos ko ang pisngi kong pinatakan niya ng halik.
I sighed. "Naku, Boyd Kennedy. Panindigan mo 'tong kilig ko kun'di buburahin kita sa mundo . . ."