Georgia
I didn't wake up due to the sound of my alarm nor on the knocking on my door. Ang malakas na ingay ng phone ko dahil sa pagtawag ni Boyd sa akin ang gumising sa natutulog kong diwa kinabukasan.
I groaned as I answered the phone after checking the time. "Ang aga-aga, Boyd!"
Ikinurap ko ang mga mata ko nang mapakatitigan ko siya nang maayos sa screen. Naka-itim na sando lamang siya habang may tuwalyang asul na nakasampay sa kanyang balikat. Sa isa niyang kamay ay ang brown na tasa ng mainit na kape.
"Makupad ka kumilos, Madam. Bangon na nang hindi ka ma-late. By the way . . ." He flashed a smile after sipping on his cup. "Good morning."
All of a sudden, my senses seemed to have woken up because if that sweet, prince charming kind of smile. Naitaas ko ang comforter hanggang sa aking ilong nang maitago ko ang pamumula ng aking pisngi.
Look at this man in my screen? Kahit magulo pa ang buhok at halatang bagong gising ay parang siya pa rin ang pinakagwapong nilalang sa mundo? May oras bang naging pangit ang isang 'to?
"Sabi ko good morning, Georgia," ulit niya. Inilapit pa ang mukha sa cellphone. "Hello? May problema yata phone ko. Hello? Naririnig mo ba ko?"
Humugot ako ng hininga. "Yeah, I heard you. Good morning, too."
Napawi ang kunot sa kanyang noo. "Wala man lang gana?" asar niya.
Pabiro ko siyang inirapan. "You woke me up from my beauty rest and you expect me to greet you in a lively way, hmm?"
Umismid siya. "Sungit mo naman. Buti na lang . . ."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Buti na lang what?"
"Wala." He sipped on his coffee. "Ligo na. Magre-review pa tayo mga thirty minutes bago ka sumabak sa gyera."
I groaned in annoyance. "Review na naman?!"
"Syempre para siguradong papasa ka--"
Naputol ang sinasabi niya nang mayroong babaeng nagsalita sa background. "Boyd, ikaw na. May tira pala akong shampoo. Pwede mong gamitin."
Parang nagpanting yata ang tainga ko sa narinig lalo na nang makita ko pa kung paano ngumisi si Boyd saka nagpasalamat sa nagsalitang babae.
"Sige, thank you." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Ligo na ko. Ikaw rin. Sunduin kita diyan."
Inirapan ko siya. "Maligo ka na. Magalit pa 'yang ka-live in mo, hindi ka na bigyan ng shampoo."
Umismid siya. "Ka-live in ka diyan? Kasama ko sa dorm 'yon."
"Tinatanong ko ba at nagpapaliwanag ka?"
"Hindi ka nagtatanong pero nanghuhusga ka kaagad. Ikaw talaga, Georgia dumi-dumi ng isip mo."
My eyes twitched. "Excuse me. It's not decent to share a dorm with the opposite s*x. Tapos ako ang sasabihan mo na marumi ang isip?"
Bumuntonghininga siya. Maya-maya ay may nagsalita namang lalake sa background, tila inaasar siya.
"Agang LQ niyang, pre ah?"
Boyd grinned. "Oo. Selos na si Misis kay Pako."
Tumawa ang kausap niya. "Puta, sabihin mo mas matulis pa nga sa'yo si Pako sa rami ng shota kahit wala namang etits!"
Humalakhak din si Boyd. Maya-maya ay ibinalik niya ang tingin sa screen. "Narinig mo? Tibo si Pako. Nagagalit ka kaagad diyan. Ikaw ibahay ko diyan, eh," he murmured. Hindi ko tuloy narinig.
Sumimangot ako. "Malay ko ba? Eh, babae ang boses?"
"Syempre babae pa rin 'yon kahit mahilig siya sa babae." Napakamot siya ng ulo. "Maliligo na ko. May tatlo pang susunod sa akin. Sige na, maligo ka na rin."
Inirapan ko na lamang siya saka ko pinatay ang tawag. Nang maibaba ko ang phone sa aking tabi ay napatitig ako sa kisame. I suddenly remembered what he said to his dormmate. Totoo ba ang narinig ko? Tinawag niya akong misis niya?
My cheeks burned as the butterflies in my belly danced to the beat of my wild heart. Dinampot ko ang extra'ng unan at itinakip sa aking mukha nang doon makatili. I hate him! I hate him for making me lose myself each time he triggers the happy hormones in my body!
Napabuntonghininga na lamang ako nang mailabas ko ang kilig ko. I stood up and went to the bathroom to take a cold bath. I usually spend an hour under the shower. Pero dahil manunundo si Boyd ay binilisan ko ang kilos ko. Mainit sa may pwesto kung saan niya ako hihintayin. Hindi ako ganoon kasama para hayaan siyang matusta ng araw kahihintay sa akin.
Saktong katatapos kong mag-ayos nang mag-chat siya para sabihing naroroon na siya sa likod na gate. I grabbed my stuff and left my room. Sa hagdan ay naabutan ko si mommy na may dalang tray. Siguro ay para sa breakfast ni daddy.
"Ma," tawag ko.
Para bang naalarma siya. Nang mapagtanto ko kung bakit ay kaagad nalukot ang aking noo.
"What happened to your wrist, mommy?" I asked.
She forced a smile. "Nothing, sweetheart. Nadulas ako sa bathroom last night. I accidentally hit the floor pretty badly. Naikalso ko ang kamay ko."
My brows furrowed even more. Palaging ganito. Bakit pakiramdam ko tuwing sinasabi niya ang dahilan ay ayaw kong maniwala?
Ilang beses ko na siyang nakitang may benda o kaya ay naaabutang nagtatakip ng make up sa pasa niya. I tried to ask her so many times if daddy is physically hurting her but she would always insist that daddy loves her so much. Na hindi raw iyon magagawa ni daddy.
Minsan gusto ko nang sabihin kay kuya Russia ang mga napapansin ko kasi alam kong siya ang dapat magtanong kay daddy kaya lang masyadong busy si kuya. Ni hindi na nga magawang umuwi rito para siya mismo ang makakita ng mga nakikita ko kay mommy.
Inayos ko ang bag sa balikat ko. "I'll take that to daddy, mommy so you wouldn't--"
"No," mabilis niyang agap. Tila takot na patapakin ako sa kwarto nila ni daddy. Muli lamang tuloy akong napakunot ng noo. Is she . . . scared to let me have some time with my own dad?
"Mommy, I'm just trying to help."
Humugot siya ng hininga bago ako pilit na nginitian. "I understand, Georgia but you're gonna be late. Isa pa, kaya ko naman ito, anak. My wrist doesn't really hurt. Your dad just insisted that we put some bondage on it." She faked a laugh. "Ang daddy mo kasi, nerbyoso."
I sighed. "Okay, mommy." Humalik na ako sa kanyang pisngi. "I'll go ahead. See you after school."
She smiled. "Take good care of yourself, my sweet Georgia."
Pilit ko na lamang siyang nginitian. When was the last time mommy called me that way? Parang hindi ko maalala. Yes, she's naturally sweet but sometimes I feel like we've lost her since our childhood ended. Magmula rin noong wala na si kuya Russia rito sa bahay dahil kailangan na niyang mag-stay sa penthouse malapit sa airport, madalas na ring malalim ang iniisip ni mommy.
We do not bond anymore nor chitchat about little things. Si daddy naman, tuwing susubukan akong lambingin ay pinipigilan ni mommy. I don't understand. Parang ayaw ni mommy na maging close ako sa daddy ko.
Lumabas ako sa back gate na malalim ang iniisip. Nagbalik lamang ako sa sarili noong lapitan ako ni Boyd saka niya ipinakita sa akin ang helmet na binili niya.
"Puti sa'yo. Itim sa'kin. Pareho tayo ng design," proud niyang sabi.
Kahit paano ay napawi ang iniisip ko nang makita ang sigla sa mga mata niya. This man and the little things he does for me. Kung sana alam niyang sa mga ganito niya ako lalong nakukuha . . .
"Thanks," I said before I let him put the helmet on me. Seryosong-seryoso pa siya sa pag-a-adjust. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon para pakatitigan ang gwapo niyang mukha.
"Ayan. Ayos, bagay." He smirked before he turned his back on me. "Tayo . . ." bulong niya nang maglakad patungo sa motor.
Napakunot ako ng noo. "Ano 'yon? 'Yong last mong sinabi?" tanong ko.
Boyd opened the compartment of his motorbike then took out a red rose. Inayos pa niya iyon kasi medyo natupi dahil sa pagkakalagay sa compartment. Nang ma-satisfy sa itsura ay ngumisi siya't ibinigay iyon sa akin.
My heart pounded loudly as I stared at the red rose. "P-Para saan 'to?"
Boyd moistened his lower lip. "Sabi mo kagabi, sa manliligaw mo ka lang magpapahatid-sundo."
Napalunok ako. Oh, God. Is it what I think it is?
"A-Are you . . . courting me?"
Boyd flashed a sexy smirk that nearly made my knees go weak. "Tara na. Magre-review pa tayo."
Sumakay na siya sa kanyang motor kaya lakas-loob akong lumapit habang hawak ang rosas. "Answer my question, Boyd."
He sighed. "Oo, George. Sisingit na ko sa pila." He patted the space on the seat that's meant for me. "Pagpasensyahan mo muna 'tong panghatid-sundo ko. Hindi bale, bago ka pa man mahulog sa'kin, napalitan ko na 'to nang mas maayos."
I pursed my lips and rode his bike with the butterflies in my belly cheering out of pure joy.
If only he knew I had already fallen for him even before he knew how to drive this thing . . .