Kabanata 6

1160 Words
Georgia Surprisingly, almost everything that Boyd had taught me came out in the exams. Nadalian ako sa karamihan sa items kaya mabilis ko ring natapos ang tests ko. My girl friends were surprised that I didn't ask them for answers. Siguro kaya nang natapos ang last exam namin ay nilapitan ako kaagad nang may kunot sa kanilang mga noo. "Did you cheat?" Jaela asked. Tinaasan ko siya ng kilay. "No, I didn't?" I smirked. "I studied for the exam with someone." "Is it Ron?" tanong naman ni Lyka. Jaela scoffed. "Imposibleng si Ron. Nagwawala nga iyon dahil hindi sinipot ni Georgia sa party." "Right. Totally. He's so mad last night. I'm sure he'll talk to you later," si Lyka. Wala naman akong pakialam. Fling lang naman kami. It's not like he has the right to be possessive towards me anyway. Besides, my heart is happy with the hints Boyd is giving me. Speaking of Boyd, mukhang alam niyang tapos na ang exams ko kaya nag-chat na at sinabing nasa loob siya ng campus. He said he's going to wait for me near the gate. Nag-reply ako na pupuntahan na siya. Nang maipadala ang chat ay ngumiti ako sa mga kaibigan ko. "I have to go. Nandiyan na ang sundo ko." Jaela lifted a brow. "I thought may usapan tayo na after ng exam, magka-clubbing tayo?" "Sorry, but maybe next time. May gagawin pa ako." "Girl, may sapi ka ba?" si Lyka. Natatawa. I scoffed. "I'm fine. Sige na. Bye!" Dala ang gamit ko ay iniwanan ko na sila sa classroom. I walked fast towards Boyd. Natanaw ko siyang nakasandal sa poste ng rainshed at tila may ka-chat. Bitbit din niya ang dalawang helmet na para sa aming dalawa. Binagalan ko ang hakbang ko nang mapansing bagong gupit siya. I think that's what they call two blocks hairstyle. Parang naka-undercut at medyo may kahabaan ang itaas. It suits him pretty well, considering the shape of his defined jaw. I pursed my lips. Ang gwapo talaga . . . My heart pounced when Boyd lifted his gaze and met my eyes. Umaliwalas kaagad ang mukha niya at gumuhit ang ngisi sa mga labi nang matitigan ako. I stopped from taking another step so I could watch him walk towards me. Parang bibigay tuloy ang mga tuhod ko. Siguro kung hindi ako naka-heels ay hanggang dibdib lamang niya ako. He's tall. Probably a five eleven. Halos kasintangkad ni kuya Russia. Pareho rin silang malakas ang dating kaya naaalala ko noong senior high sila at sumali sila ng basketball, halos magwala ang mga fan girls nila kahit hindi naman sila nakaka-shoot. Para ngang kinuha lang sila nang umingay ang crowd. That was their first and last basketball game. Buti na lang kun'di baka na-turn off ako kay Boyd. Malapit na sana niya akong marating nang biglang may humila sa braso ko. Sa rahas ay muntik na akong matapilok. "You stood me up!" asik ni Ron. Nanlilisik ang mga mata sa akin habang mahigpit na hawak ang braso ko. "Nasasaktan ako, ano ba!" "Tangina ka, Georgia paasa ka rin, eh! Pinagtawanan ako nang dahil sa'yo--" "Bibitiwan mo ba o babaliin ko 'yang kamay mo?" Pareho kaming napatingin kay Boyd nang marinig namin ang seryoso niyang tanong kay Ron. Nagwala ang dibdib ko nang makita kung gaano kadilim ang titig niya sa palad ni Ron na mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso. Parang ako pa ang natakot sa pwede niyang gawin oras na hindi pakawalan ni Ron ang braso ko. Boyd's jaw clenched as his cold eyes met Ron's. "Hindi mo talaga bibitiwan, hmm?" "Boyd, it's okay--" "Hindi 'to okay, Georgia." Hinawakan niya ang helmet nang mahigpit. "Hindi okay na nasasaktan ka ng lalake kaya ikaw," bumaling siya kay Ron. "Bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi mo binitiwan 'yang braso ni Georgia, ipapakain ko sa'yo 'yang putanginang palad mo." Ron scoffed. "Sino ba 'to, Georgia? Angas nito mukha namang basura?" Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Next thing I knew, may bakat na ng palad ko sa pisngi ng nagulat na si Ron. His teeth gritted. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso dahilan upang ngumiwi ako. He even threatened to slap me back but Boyd had already punched him hard on the same cheek where I slapped him. Umawat na ang mga gwardya nang hindi mabugbog ni Boyd si Ron. Hinatak ko naman si Boyd saka ko dinampot ang helmet na itinapon niya sa sahig sa sobrang gigil niya. "Putangina mo, babalikan kita gago!" mura ni Boyd. "Tangina ka, wala kang bayag at babae sasaktan mo?! Gago, huwag na huwag si Georgia mapapatay kitang lintik ka!" Ako ang kinabahan para sa kanya kaya nang hindi niya talaga mapigilang murahin si Ron ay hinawakan ko na siya sa magkabila niyang pisngi. "Boyd!" I called. Nang tingnan niya ako gamit ang galit pa ring mga mata ay marahan kong hinaplos ng aking mga hinlalaki ang kanyang pisngi. "Let's just go, please?" Bumuntonghininga siya bago matalim na sinulyapan si Ron. Akala ko ay hindi pa rin ako pakikinggan kaya halos mapabuga ako ng hangin nang akbayan na niya ako at inakay palabas ng campus. Boyd was silent while putting my helmet on. Kahit noong nasa byahe kami patungo sa tattoo studio kung saan siya nagpa-part time pagkatapos ng klase niya ay tahimik pa rin siya. He parked his bike outside the shop. Halatang galit pa rin kaya nang makababa kaming pareho ay lakas-loob ko siyang niyakap. His body froze as if he didn't expect me to hug him. Hindi ko na lamang pinansin. Hinigpitan ko lang ang yakap sa kanya saka ako nagsalita. "Thank you . . . for protecting me." Boyd heaved a sigh before he finally hugged me back. "Nakakatikim noon ng bugbog ang nanay ko, George. Kaya no'ng minsang naospital si mama dahil sa pangmamaltrato sa kanya, ipinangako ko sa sarili kong hindi ko hahayaang may mga babaeng makakatikim ng gano'n. Lalo ka na. Hindi ka pwedeng basta lang saktan sa harap ko. Baka makapatay ako at pumasok ng kulungan ng nakangiti oras na may kumanti sa'yo." My heart pounded louder than usual as his words made me feel so valued. Hindi ako nagsalita at pinakinggan lamang ang t***k ng kanyang puso habang hinahagod niya ng palad ang likod ko. Nang kahit paano ay nakapag-isip-isip ako ay tiningala ko siya saka ako nagsalita. "Pero hayaan mo na. Ayokong malagay ka sa alanganin. My bad decisions caused me what happened earlier. I'm grateful for what you did back there, pero ayokong ikaw naman ang mapahamak. Please promise me na hindi mo na uulitin." Boyd shook his head before he tucked my hair behind my ear. "Hindi pwede. Wala akong pakialam kahit ako pa ang maging pinakamasamang tao sa mundo, George. Basta ikaw at si mama ang kailangan kong protektahan, hindi ko pagsisisihan ang bawat suntok ko." He pinched my chin then smirked. "Walang pwedeng manakit sa'yo hangga't nandito ako. Tandaan mo 'yan . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD