Boyd
"Anak, nagpadala ka na naman. Hindi ba sinabi ko sa'yo unahin mo ang mga pangangailangan mo diyan?" si Mama nang masagot ko ang tawag niya.
Siguro nakita na niya 'yong notif ng bangko sa cellphone niya dahil nagdeposito ako ng sampung libo kani-kanina. Alam niyang tapos na ang duty ko sa restobar kung saan ako puma-part time tuwing tapos na ang klase sa university.
Inilapag ko ang cellphone ko sa tabi ng baso saka ako nagbuklat ng notes. "Sobra ko naman 'yan, Ma. Malaki kinita ko sa session kahapon dahil full sleeve ang tattoo ng kliyente. May nag-tip din nang malaki sa gig ko kagabi."
Bumuntonghininga siya. "Baka naman hindi mo na inaalagaan ang sarili mo? Puro ka na lang aral at trabaho. Iyong motor mo ba pinaayos mo na ang sira?"
Tumango ako. "Oho. Ayos na 'yon, Ma. Nakatipid ako dahil sa talyer ng tropa ko dinala. Hindi ko naman pinababayaan 'yon, Ma at 'yon ang pinanunundo ko kay Georgia." Ngumisi ako. "Ma, taas ng scores ni Georgia sa huling exam niya."
Lumamlam ang mga mata ni Mama. Bumuntonghininga rin pagkatapos maibaba ang hawak na bimpo na pinantutuyo niya kanina ng hinugasang plato.
"Anak, maghinay-hinay ka sa batang 'yon. Alam mo naman si Ma'am Austria. Ang haba ng sungay no'n. Napakamatapobre."
"Ayos lang 'yon, Ma. Ang importante naman, si Georgia. Okay ho kami." Ngumisi ako ulit. "Niligawan ko na. Hindi ko na nahintay makatapos ako pero h'wag kang mag-alala, Ma. Hindi ko naman pakakasalan kaagad."
Napakamot siya ng ulo. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Eh, paano kung sagutin ka at maging kayo? Naku, Boyd hindi ko gustong maging balae 'yang dati kong amo na saksakan ng sama ng ugali. Nakalimutan mo na bang pinagbibintangan ako no'n na inaakit ko si Sir Americus?"
Napawi ang kurba sa mga labi ko. Makakalimutan ko ba 'yon? Eh, halos patayin ni Papa si Mama dahil doon?
Umiwas ako ng tingin. Mukha namang nakahalata si Mama kaya tumikhim at iniba ang usapan.
"Anak, sabi nga pala ng tiyo Jhong mo, magsasara na raw 'yong babuyan sa kabilang bayan. Malay mo, anak ibenta nang mas mura ang lupa dahil lulong sa sugal ang may-ari. Kung sakaling pumayag na hulugan, kunin na natin tutal naitatabi ko naman ang ibang ibinibigay mo. Dito ka nalang sa probinsya pagkatapos mo ng kolehiyo para lagi na ulit tayong magkasama."
Pinilit ko na lang ngumiti. "Sige, Ma. Balitaan mo ko kung magkano para kung kulang pa ho ang hawak n'yo, makahanap pa ko ng raket dito."
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa ilang bagay bago ako nagpaalam dahil susunduin ko na si Georgia. Nagbilin siyang huwag kong gaanong seryosohin dahil malayo ang antas ng buhay namin ni Georgia kaso anong magagawa ko? Crush ko na 'yon magmula dose anyos ako. Paanong hindi ko seseryosohin?
"Brad, una na ko," bilin ko sa kasamahan sa café.
Tumango siya. "Sige, pre. Ingat."
Kinuha ko na ang susi ang dalawang helmet. Malapit lang ang café sa campus nina Georgia kaya halos limang minuto lang ay nakaparada na ako sa harap. Madilim na dahil alas sais na rin. Hindi ako makapag-park sa mismong hara ng campus dahil nakahilera ang magagarang sasakyan kaya medyo madilim ang lugar kung saan ko ipinarada ang motor ko.
Pagkatapos bumaba ng motor ay icha-chat ko na sana si Georgia para sabihing nandoon na ako kaya lang bago ko pa nai-send, may humataw na ng paddle sa bandang hita ko.
I groaned. Muntik nang matumba sa lakas ng hampas. Hindi pa ako nakakabawi ay may sumuntok na sa akin. Mayroon pang tumadyak sa akin mula sa likod.
"Angas ka, ah? Tingnan natin tapang mo ngayon. Wala ka na ngang sinasabi sa buhay nagagawa mo pang manulot ng chics ng iba," rinig kong sabi ng pamilyar na boses.
I pulled myself up and tried to throw some punches. Kaya lang lima sila habang nag-iisa ako. Nakakasuntok at tadyak man ako, hindi sapat para pumantay ang laban dahil may panghataw sila.
Kung hindi pa siguro kami nakita ng mga gwardya ay hindi sila magtatakbuhan palayo. Naiwan ako roon na pilit tumitindig habang hawak ang tagiliran kong medyo napuruhan dahil sa tinamong palo ng paddle.
"Mga tarantado talaga 'yong grupo ng anak ni Prof. Loygaza!" dinig kong sabi ng isa sa mga gwardyang sumaklolo sa'kin. Ang isa ay tinanong kung ayos lang ba ko o kung kailangan kong magpadala sa clinic.
Umiling ako't idinura na lang ang dugo sa bibig ko. "Ayos lang ho." Ngumisi ako. "Malayo sa bituka. Bawal maospital. May date pa."
Napakamot ng batok ang isa. "Ibang klase ka rin."
Peke na lang akong ngumisi saka ko na tinawagan si Georgia. Sinabi kong nasa labas ako at naghihintay sa kanya. Hindi naman nagtagal ay lumabas na. Akala ko hindi mapapansin na may iniinda akong sakit kaya lang umalsa na pala ang kanang cheekbone ko dahil sa tinamong suntok kanina.
"What the hell happened to you?" salubong ang matataray na kilay niyang tanong.
I smirked. "Wala. Napagtripan lang."
She lifted her brow. "Sinong gumawa nito?"
Wala sana akong balak sabihin kaya lang mukhang may ideya na siya kung sino.
"Si Ron ba?" tanong niya.
I sighed. "Lima sila. Kung siguro tatlo lang, kinaya ko."
Guilt suddenly glistened in her foxy eyes. Ayaw ko na gano'n ang nakikita kay Georgia kaya pinilit ko kaagad ngumisi saka ko pinisil ang pisngi niya.
"Hindi naman malalakas sumapak. Mas masakit ka pa nga manampal. Pabayaan mo na. Selos lang 'yon."
She glared at me. Ang mga mata ay medyo namula na parang iiyak ano mang oras dahil sinisisi ang sarili. Inilabas din niya ang phone niya para tawagan si Ron kaya hinablot ko kaagad ang cellphone niyang mamahalin saka ko itinaas.
"Give it back! I'm gonna sue them!" she hissed.
Ngumisi na lang ako saka ko siya inakbayan. Maya-maya ay pinindot ko 'yong camera ng cellphone niya saka ako kumuha ng litrato naming dalawa.
I checked our photo then showed it to her with a smirk on my face. "Hindi naman pala gaanong maga. Sabi ko naman hindi malakas manapak."
Georgia pursed her lips. "You're making me hate you. Hindi mo naman deserve 'to!"
I smirked and pinched her cheek. "Pero ikaw deserve ko naman kahit pa'no kahit wala pa kong pera. Sapat na 'yon."
Lalo yata siyang nanggigil sa akin dahil nahampas niya ang dibdib ko. "This isn't the right time for your pick up lines, Boyd!"
I pursed my lips and held the same hand she used to smack my chest. Iniangat ko iyon at pinatakan ng halik saka ko siya tinitigan sa mga mata.
"Sino bang nagsabing banat 'yon?" I asked.
Her eyes narrowed at me. "At ano ang gusto mong itawag ko ro'n, ha?!"
I smiled and tucked her hair behind her ear while I'm still holding her now clenching hand.
"Katotohanan, Georgia. Dahil basta pinararamdam mong may pag-asa naman ako sa'yo, wala akong pakialam kahit araw-araw pa nila kong tambangan dito. Hindi rin naman sila uubra."
"Hindi uubra eh lima nga kamo ang bumugbog sa'yo?!" galit niyang balik.
Ngumisi ako. "Ibig sabihin gano'n ako kalakas para magtawag pa siya ng kasamang bubugbog sa'kin."
Lalong nanggigil si Georgia. "Nakakainis ka naman, Boyd! Paano kung napatay ka ng mga 'yon, ha?! Anong—"
Natigil ang pagbubunganga niya nang yumuko ako't ninakawan ng halik ang pisngi niya. Her cheeks burned and she wasn't able to say another word so I took the chance to put on her helmet before I spoke.
"Hindi ako basta mapapatay, George. Hindi ka naman pwedeng makipag-date sa multo," I joked.
She pursed her lips and glared at me. "Subukan mo lang mamatay nang maaga. Mag-aasawa ako kaagad nang hindi ka matahimik."
I laughed softly. "Hay, Georgia. Baka sapian ko lang kung sinong poncio pilato ang piliin mong pakasalan kung magkataon."
Sinamaan niya lalo ako ng tingin. "Baliw."
"Sayo?" I smirked. "Definitely . . ."