Kabanata 8

1408 Words
Georgia "I'm busy, Georgia," bungad kaagad ni kuya Israel sa akin nang pumasok ako sa silid niya. I crossed my arms. "Did Mom tell you where they're going?" "No," sagot niya. Ang mga mata ay nananatili lamang sa makapal na librong binabasa. "And I don't recommend calling them if it's about your allowance," dagdag niya saka kinagat ang takip ng highlighter. He's always been the book nerd in our family. Walang gaanong social life at masyadong seryoso sa buhay. Sometimes it's already annoying because girls who like her try to make their way to him through me. I rolled my eyes. "Binawasan ni Daddy ang allowance ko!" "That's because you only have class for two weeks." "Kahit na!" Muntik na akong pumadyak sa inis. "I need the money! I'm planning to buy something!" "And what is it, hmm?" kaswal niyang tanong nang hindi pa rin ako nililingon. What is he even reading anyway? Parang hindi naman related sa business? "Well, it's none of your business," asik ko. "Then I cannot help you." Nilingon niya ako. "Don't even try asking Rocco for his allowance." Inis ko siyang nilayasan saka ako bumalik sa aking kwarto. I locked the door and laid on my bed. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumapa ako sa kama. I drew my macbook closer and looked up the price of the big bike I was planning to buy for Boyd. Of course I can't tell anyone about it. Baka sabihin ay babaeng bakla ako! My lips pressed together on a thin line. Kulang pa ang pera ko. I can't even touch my trust fund. Kung pwede lang ay tapos na sana ang problema ko. I sighed. I really want to buy this one for his birthday. Surprise gift lang. My phone vibrated. Kaagad ko iyong dinampot nang makita ang chat head ni Boyd. Boyd: Tapos na work ko. Saan tayo? Nilingon ko ang labas. Looks like it's going to rain any minute now. Kung susunduin niya ako ay baka abutan kami ng ulan. Pwede naman sanang hindi na kami magkita ngayon kaya lang ay hinahanap ko rin ang presensya niya. Hindi ko na talaga masabi kung ano bang nangyayari sa akin. All I know is Boyd offers me the comfort this home couldn't give. Sandali akong nag-isip bago ko siya sinagot. Georgia: Send me the address of your apartment. Doon na lang tayo mag-study. It didn't take long before he replied. Boyd: Okay, Ma'am. Bumangon na ako't nagsuot ng sexy na damit. I curled the ends of my hair and then put on some make up before I left. Busy si kuya Israel kaya nilakihan ko na lang ng mga mata ang nakasalubong kong katulong. I took a cab from the subdivision to the address Boyd had sent me. Okay pa noong una ngunit nang lumiko na sa kanto nila ay medyo nakaramdam na ako ng takot. Madilim ang street at maraming basura sa tabing daan. There were even people hanging out looking so drunk. Natanaw ko si Boyd na nakasandal sa kanyang motor. Pagkatigil ng taxi sa harap niya ay siya pa ang nagbukas ng pinto at nag-abot ng bayad sa driver. "Tara," aniya habang inaalalayan ang lower back ko. I pursed my lips when the stinky smell of the street started to linger in my nose. How could he manage to stay at a place like this? "Saan ang apartment mo?" I asked. Nagkamot siya ng kilay. "Hindi apartment. Ano lang, bed space." My brows furrowed. "What's the difference?" "Kapag apartment, iyo lang ang lugar. Pangmayaman 'yon." "Oh, so you have roomies or something?" Tumango siya. "Anim kami sa isang maliit na kwarto. Tatlong bunk bed tapos shared ang banyo at kusina." "Ha? Baka hindi naman tayo makapag-focus?" I asked. "Si Allen lang nasa taas ngayon. May trabaho 'yong ibang kasama ko sa kwarto." Itinuro niya ang makipot na hagdan. "Dito tayo." Muntik pa akong matapilok sa sobrang liit ng hagdan. He's a big guy. Nalaglag na kaya siya rito? Parang ang hirap akyatin! "Why don't you just get a condo? Don't you have enough money to rent one? Marami namang mura, right? Like twenty thousand a month? Maliit nga lang but still, it's better than this," sugestyon ko. "George, malaking halaga na ang bente mil. Pwede ko na 'yon ipambili ng ilang sako ng bigas." Ngumuso ako. "But how about our privacy?" Napatigil siya sa paghakbang at tinaasan ako ng kilay. Maya-maya ay bigla na lang akong pinitik sa aking noo. "Privacy ka diyan? Hindi 'yon ang habol ko sa'yo." My eyes blinked twice and my cheeks burned. "That's not what I meant!" Ngumisi siya. "Sige na, akyat na. Magrarason ka pa." Lalo lamang akong namula. Akala ba niya ay gusto ko ng privacy para makipag-s*x? Well, yes I wonder how it would feel to do it with him but that wasn't my point when I asked about privacy! Idinala niya ako sa kwarto nila. He sleeps on the lower bunk bed. Masikip ang kwarto. Halos kasing laki lang ng banyo sa room ko. I don't think they could all move freely here. Iyong bed niya, manipis lang din ang kutson pero mukha namang malinis ang sapin, kumot at mga punda ng dalawang unan. May nilagay lang din siyang kurtina para siguro may takip siya tuwing natutulog. Naawa tuloy ako. How could he live here? "Upo ka muna. Bili lang akong chichirya at coke sa baba," aniya. I sat on his bed. Lumabas siya para bumili kaya naiwan ako roon kaya nakapagmasid pa ako. I looked for his closet but looks like he doesn't have any. Sa maliliit na karton lang na nasa ilalim ng bed nakalagay ang mga damit niya't dalawang sapatos. I sighed. Inilabas ko ang phone ko at nag-check ng ready to occupy na condo units. Some have pretty decent prices. Like seven million for a bachelor's pad type. Mura na iyon. If I'd get my hands on my trust funds in three months time, maybe I can buy him one. Iyong may bedroom na. I made some mental note about it. Noong bumalik siya ay nagsimula kaming mag-review. I felt sleepy in the middle of our discussion. Next thing I knew, I was already leaning my head on his shoulder as I had a hard time staying awake. Inakbayan niya ako't itinulak ang ilang hibla ng aking buhok patungo sa likod ng aking tainga. "Gusto mo bang umidlip?" tanong niya. "Pwede ba?" I asked after yawning. "Kung ayos lang sa'yo rito sa higaan ko." "Pwede na 'to," I said. Talagang inaantok na. Inayos niya ang unan saka siya umalis ng kama. Nagulat na lang ako nang tumalungko siya para alisin ang flat shoes ko. This man is truly a gentleman. Paanong hindi mahuhulog sa kanya kung ganito siya mag-asikaso kahit kapos siya sa buhay? Tiningala niya ako. "Higa ka na. Bagong laba 'yang punda." Tumango ako't nahiga na. Naupo naman siya sa gilid ng kama saka muling nag-aral. I just stared at him for a few moments. Nang mapansin ko ang paghikab niya ay tuluyan akong naglakas-loob na hawakan siya sa braso. "Kasya naman siguro tayo kung patagilid lang. Let's both take a nap," alok ko. Halatang nagdalawang-isip pa siya noong una ngunit maya-maya ay bumuntonghininga. He shut his book and put it down before he laid next to me. Nagwala ang dibdib ko nang pinaunan niya ako sa kanyang braso nang magkasya kami. I could feel his breath on top of my head as he drew our bodies closer. His other hand even caressed my hair to help me fall asleep. I felt the tingling feeling throughout my body. Nang tuluyang nakonsumo ng pakiramdam na siya lang ang kayang gumising ay tiningala ko siya. Our sleepy eyes stared at each other for a few moments until I finally made the move. My lips pressed against his but Boyd didn't answer my kiss. Instead, he pulled me closer and made his chin rest on top of my head as he locked me in his arms. "Sama ka sa'min sa sembreak," mahina niyang sabi. "Okay lang ba sa mom mo?" I asked. "Ako bahala. Gusto ko rin munang makita mo kung ano pa lang ang kaya kong ibigay sa'yo ngayon. Kung . . . hanggang saan palang ako ngayon," seryoso niyang sagot. Humugot ako ng hininga't niyakap siya pabalik. Looks like my stupid heart will take whatever he can offer anyway as long as it's from him . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD