Georgia
If it wasn't for Rocco then mom would never let me go with Boyd. Rocco falsified an invite at a summer camp for the two of us. Ang usapan namin ay sasama ako kay Boyd for a week. Siya naman ay magro-road trip sa buong Luzon.
I get it. Rocco is the favorite child. Of course he will always get what he wants.
"Chat ka kapag papasundo ka kung sakaling hindi ka makatagal sa buhay-probinsya," bilin ni Rocco.
I jerked my head and went out of his pick-up truck. Tinulungan naman ako ni Rocco na ibaba ang limang suitcase ko. I was initially planning to bring ten but Rocco said I might have a hard time traveling with all of it so I settled with five.
Pinanood ko pang umalis ang Land Cruiser niya bago ako nag-chat kay Boyd para sabihing nasa terminal na ako ng bus.
He showed up at the entrance a few minutes later. Nang makita ang dami ng dala ay kaagad nalukot ang noo niya. "Bakit ang dami?"
I rolled my eyes. "Paanong naging marami 'yan? Kulang na kulang pa nga?"
Nagkamot siya ng ulo. "George, isang linggo lang tayo sa amin."
"So? I need outfits!"
"Pwede kitang ipaglaba ng damit mo kung maubusan ka man."
"Boyd, I don't repeat my outfit twice in a year, okay?" Nagpamaywang ako. "Do you really want me to come with you or nah?"
Napabuntonghininga na lamang siya. Wala ring nagawa kun'di ang bitbitin lahat ng maleta ko.
"Nakabili na ko ng ticket natin." Itinuro niya ang bus. "Tutulungan ko lang ang konduktor na ayusin 'to sa compartment. Mauna ka na sa loob. Ito ang tickets natin."
This is my first time riding a bus actually. Kahit naman kasi may field trips sa school noong elementary at high school ay may sarili kaming sasakyang ginagamit. Mommy will send a nanny with me so I never got the chance to ride the school bus.
I searched for the seat number. Kauupo ko lang noong pumasok ng bus si Boyd. He's a tall guy with enough muscles in his body to squeeze my tiny frame. Kaya medyo hirap kaming pagkasyahin ang mga sarili sa maliit na espasyong mayroon ang dalawang upuan.
"Binili kita ng tubig kanina at snacks," aniya saka inilabas ang supot mula sa backpack niya.
"Wala bang direct flight to Tarlac?" I asked.
He scoffed. "Masyadong malapit para magkaroon pa ng byahe ng eroplano papunta ro'n, George."
I sighed. "This is so uncomfy. The seats are hard. I couldn't even recline it all the way. There's no foot rest or enough leg space," reklamo ko ngunit tila wala lamang sa kanya.
He was just staring at me with a small upward curve on the corners of his rosy lips. Napataas tuloy ako ng kilay.
"What?" asik ko.
Boyd shook his head. "Wala. Cute lang ng ilong mo kapag naiinis ka."
"Is that supposed to be a compliment, hmm?"
"Syempre."
Hinawakan niya ako sa balikat at pinalayo sa sandalan ng upuan. Akala ko kung ano ang gagawin niya. Iyon pala ay aakbayan ako't pasasandalin sa kanyang dibdib.
I pursed my lips when Boyd slightly angled his body towards me just so I could comfortably rest my head on his chest. Kahit halatang hindi naman siya kumportable sa posisyon niya ay inuna niya pa rin ako. Nawala tuloy ang inis ko.
"Kunin mo nga phone at headset ko sa bag," pakiusap niya sa malumanay na boses.
Sinunod ko ang sinabi niya. He used his free hand to put the earbuds on our ears then chose a song we could listen to. Hindi naman ako panatiko ng OPM songs ngunit opening instrumental pa lang noong napili niya ay napigilan na ako sa pagrereklamo.
"What's this song called?" I asked.
"Huling Sandali by December Avenue." He fixed the curtain to make sure the sunrays wouldn't hurt my skin that much during the trip. "Naaalala kita kapag naririnig ko 'to."
"It's good. Kaya lang parang masakit. Parang ang dating eh maraming pumipigil sa nararamdaman ng singer at ng lover niya." Tiningala ko siya. "Do you feel that way, too?"
His eyes softened as he tucked my hair. "Marami naman talaga, 'di ba? Sugal naman talaga 'to."
I swallowed the lump forming in my throat. Sumandal ako ulit sa kanya nang hindi ko na natagalan pa ang kanyang titig.
He doesn't have to say it out loud. I know he doesn't feel enough because we don't sleep on the same kind of bed every night. We don't see the world through the same looking glass.
"Tulog ka muna. Ilang oras din ang byahe," aniya saka hinaplos ang aking buhok.
Hindi na ako nagreklamo. Kahit naman kasi hindi kumportable ang upuan at pwesto ay ang sarap sa pakiramdam na nakahilig ako sa kanya. I don't know. There's really something special about his embrace. Parang tumatahimik ang maingay na mundo. Nagiging payapa ang paligid. Pwede kang kumalma at hayaan ang sariling magpahinga nang walang ibang iniisip.
I fell asleep during the trip. Nagising ako na malapit na kami sa kanilang bayan. Boyd and I prepared to get off the bus. Pinara niya ang bus at naunang tumayo. He wore his backpack and then offered his hand to me.
Sandali kong tinitigan ang kanyang palad bago ko iyon tinanggap. I felt the butterflies in my belly danced in pure joy as we got off the bus with fingers entwined. Para kaming nagtanan at handa nang magsimula ng panibagong buhay sa probinsya.
I pursed my lips with the thought. Ano ba naman 'yong naiisip ko? I just turned eighteen! Naurong lang ang party ko pero ka-eighteen ko lang ay ganoon na ang naiisip ko!
Sumakay kami ng tricycle pauwi sa kanila. Sa rami nga ng bagahe ko ay dalawa iyong kinuha ni Boyd. Pagkabayad niya ng pamasahe ay itinuro niya ang bungalow house na may mga orchid sa paligid. Sa kanang bahagi ng maliit na property ay tila kubong may dingding at sariling pinto.
"Do'n tayo sa kubo matutulog. Pinapagawa ko pa kasi ibang parte ng bahay," aniya.
Tumango ako. I swear I expected myself to freak out as soon as we get here but . . . I didn't. In fact, I felt calm. Parang ang sariwa ng hangin. Hindi malagkit sa balat. Tahimik ang lugar at parang ipinararamdam sa'yo na may karapatan kang maging malaya rito.
Boyd carried our stuff to the nipa hut. Nang mailagay lahat ay binalikan niya ako't idinala sa ilalim ng puno ng mangga. "Sigurado nasa palengke pa si Mama. Nagtitinda siya doon ng frozen goods. Mamaya pa ang uwi."
"Uh, is she aware that I'm coming with you?" tanong ko.
"Oo." Umiwas siya ng tingin. "Basta kung ano mang mapansin mo kay Mama, huwag mo na lang intindihin. Pagod lang 'yon saka alam mo naman ang history nila ng nanay mo."
"I understand." Pinasadahan ko ng tingin iyong bandang likuran ng property. Tanaw na ang tila taniman. May nakita pa akong hayop na kulay itim at may hinihila. "What's that?"
"Kalabaw." He smirked. "Huwag mong sabihing unang beses mo lang makakita ng ganyan?"
Tumango ako. "Well, you can't bring that in the city, can you?" Ibinalik ko ang tingin ko sa kalabaw. "What's the thing it's pulling?"
"Kariton. Bukas, sasakay tayo sa ganyan papunta ng ilog."
Napakurap ako. "Oh my God, no way!"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Masayang sumakay sa ganyan. Ikaw rin. Malay mo . . . makapangasawa ka ng probinsyano. Eh 'di kung hindi mo susubukan, wala kang alam sa buhay probinsya?"
My cheeks burned. "Ayaw nga akong halikan no'ng probinsyano. Paano ko magiging asawa?" kunwaring hamon ko.
Boyd laughed softly. Napailing-iling pa bago umayos ng upo habang nakatitig sa akin. Maya-maya ay ganoon na lang ang naging panlalaki ng mga mata ko nang hawakan niya ako sa aking batok at kinabig. Our lips pressed on each other lightly at first until Boyd finally started moving his lips for a deeper kiss.
Tuluyang sumara ang aking mga mata kasabay ng pagsabay ko sa kanyang halik. It was slow yet deep. Almost hungry. Halos hindi kami titigil kung hindi kami naubusan ng hangin sa dibdib.
Sabay naming ibinukas ang aming mga mata habang humuhugot ng hininga. Boyd caressed the back of my ear with his thumb before he drew in one deep breath. Walang nagsalita sa amin. Pinagmasdan ko lang ang payapang tanawin ng bulubunduking naghihiwalay sa Tarlac at sa karatig lalawigan. I felt at peace. My lips formed a tender smile as I sighed in awe.
"Ang ganda-ganda . . ."
"Sobra . . ." I heard him say.
I tilted my head and realized what he meant.
He was . . . referring to me, and that sparkle in his eyes was enough for me to understand how much he means it.