Kabanata 10

1196 Words
Georgia "George, bumili ako ng soft drinks sa kanto. Tara dito," tawag ni Boyd habang pinagmamasdan ko ang loob ng bahay-kubong tutuluyan namin habang nandirito sa kanila. "Yeah, sure," I replied while studying the parts of the bamboo walls. Look at these? I've only seen one in a photo back in grade school. I thought it was ugly. Ngunit heto ako ngayon, manghang-mangha sa kung papaanong nakatitindig ang bahay-kubo. Nadama ko ang paglapit niya. Nang lingunin ko ay may munting ngiti na sa mga labi. "Manghang-mangha ka, ah?" I smirked. "This is fascinating." I touched the varnished wall. "Ang galing ng pagkakagawa." Kinatok niya ang poste. "Matibay 'to kahit gawa sa kawayan. Presko pa lalo at tumatagos ang hangin mula sa sahig. Malamok nga lang kapag gabi kaya gagamit ka ng kulambo." Kumunot ang aking noo. "Ako lang? Why? Where will you sleep?" "Dito rin pero 'yong kulambo kasi, pang-single bed lang." "Well then let's try to fit in one bed." Tinaasan ko siya ng kilay. "Unless you won't be able to keep your hands to yourself, hmm?" He smirked then pinched my nose. "Galing mo maghamon." I scoffed. "I'm not making hamon here. Tinatanong lang naman kita, right?" Ngumisi siya. "Tara na lang. Maglakad-lakad tayo at tingnan ang mga alaga naming hayop." "Oh, you have pets?" I asked. "You never mentioned." Napakamot siya ng ulo. Parang hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ko. Boyd went out first. Inialok niya ang kamay niya sa akin nang hindi ako mahirapan sa paghakbang palabas. I thought he was going to let go of my hand once I'm out of the house but he didn't. Inakbayan niya ako gamit ang braso na konektado sa kamay niyang nakahawak pa rin ngayon sa kamay ko. I sipped on my straw to hide my smile. Pasimple rin talaga magpakilig ang isang ito, eh. Tapos kapag aasarin naman ay napakapakipot! "Where are we going?" tanong ko nang makontrol ko na ang kilig ko. "Diyan lang," aniya. Hindi na lamang ako kumibo. I focused on my soda while taking slow steps with him like we're on a walk in the park. Nalampasan namin ang bahay nila at dumaan sa kahoy na gate. Nagsimula nang malukot ang aking noo nang napansin kong patungo na kami sa tila bukiring parte. Nonetheless, I didn't say anything. Sumabay lamang ako sa lakad niya kahit medyo nagsisimula na akong mag-alangan sa bawat tapak ko sa lupa. Idinala niya ako sa malawak na bukirin. Maya-maya ay may puting kambing na nilapitan si Boyd. "Majik!" Hinaplos niya ang kambing. "Grabe, ang laki mo na!" My forehead creased. Ano nga ulit 'yon? Lamb? No, no. Lambs don't look like that. "Why does its tummy look like that thing just swallowed a balloon?" hindi ko napigilang itanong. Nilingon ako ni Boyd. "Kasi buntis." I blinked. "It's a girl?" Lalong nalukot ang aking noo. "It has a beard." Natawa siya nang mahina. "Hay, Georgia. Malamang, kambing. Mukha talagang may balbas." Sumimangot ako. "Well, pasensya naman. I'm not a zoologist or something." Inirapan ko siya't tinalikuran ngunit kaagad din siyang lumapit at iniyapos sa aking baywang ang isa niyang braso. Gusto ko pa sanang magsungit kaya lang ay humalik na sa gilid ng aking ulo kaya kahit premature pa ang inis ko ay natanggal kaagad. Nakakaasar naman! Tumikhim ako. "You said you have pets. Where are they?" "Si Majik, pet ko naman 'yan. Saka 'yon." Itinuro niya ang tandang sa hindi kalayuan. "Si Mayweather." "Mayweather?" I scoffed. "You named a chicken after a boxer?" "Marami nang pinatumba sa sabong 'yan," pagyayabang niya. "What's sabong?" "Sports ng mga tandang." Nalukot nang husto ang noo ko. "There's a sports for chickens?" "Meron. Bukas manood tayo. Pupusta tayo kay Mayweather," tila nagpipigil ng tawa niyang sagot. I just rolled my eyes and pretended I didn't notice how hard he's trying to prevent his laughter. "The grass here are kind'a ugly," hindi ko napigilang kumento. Umismid siya. "Malamang kasi ligaw na damo lang naman mga 'yan. Mga nang-aagaw ng nutrisyon ng lupa." "Then why are you letting Majik eat it? Kapag pet dapat inaalagaan na parang baby." Pinisil niya ang pisngi ko. "Ikaw talaga. Cute-cute mo. Lahat na lang pinapansin--" "Boyd! Huy, Boyd!" I swear my brow shot up as soon as I heard someone squeaked. Hinagilap ko ang pinanggalingan ng boses hanggang sa natanaw ko ang babaeng nakadilaw at panay ang kaway kay Boyd habang nakangising aso. "Who's that?" mataray kong tanong. Sandali akong sinulyapan ni Boyd. "Uh, kababata." Tila nag-aalangan niyang nilingon ang babae't kinawayan. "Uy, Cyrilla! Kumusta? Haba na ng buhok mo, ah?" I nearly scoffed. Seriously? Kinukumusta niya habang nakalingkis sa akin? Binati pa nga ang buhok! "Ay, oo! Hindi na ginugupit ni Tyang!" sagot ng kababata niya habang nilalaro pa ang dulo ng buhok. My eyes rolled. Oh, please. Alam na alam ko ang mga ganoong tingin at kilos. "Sino 'yan, Boyd? Tisay, ah?" tanong no'ng babae. "Si Georgia." Bumitiw siya mula sa pagkakayakap ng braso sa akin. "Taga-ro'n sa dating pinasukan ni ermat!" Muntik na yatang magpanting ang tainga ko. Dating pinasukan ni who? What's Ermat? Is that a local word here? Saka bakit ganoon ang pakilala sa akin? Is it hard to introduce me as someone he's courting? "Ah!" Ngumisi ang babae kay Boyd. "Huy, sa Sabado, ha? Huwag mo kalimutan 'yong pasayaw sa plaza. Antayin kita!" "Leng!" Matinis ang boses na tawag ng kung sino. Nataranta ang babae at nagmamadaling dinampot ang basket ng damit. "Nandyan na Tyang!" Nilingon ulit niya si Boyd saka kinawayan na parang hindi ako nakikita. "Boyd, ha! Kita tayo sa Sabado sa plaza!" Naningkit na nang husto ang mga mata ko. Nang magkatinginan kami ni Boyd matapos makalayo ang babae ay halos mawalan ng kulay ang gwapo niyang mukha. "Wala 'yon. Kababata ko lang 'yon--" "At taga-ro'n lang ako sa dating pinasukan ni Ermat. Whoever Ermat is!" asik ko. He pursed his lips. Parang gustong matawa ngunit hindi niya magawa dahil alam niyang hahambalusin ko siya ng kahit anong madadampot ko. Tumaas ang kilay ko. "And what's funny?" Kaagad siyang umiling. "Wala," he said then ended up laughing a bit. "Hindi mo pala alam 'yong Ermat. Eh si Ermeyt, kilala mo na?" tanong niya. Halatang nang-aasar na lang kasi inartehan lang ang pagkakasabi. Sa inis ko'y dumampot ako ng bato at ihinagis sa kanya kaya lang ay lalo lang akong nabuwisit nang hindi ko siya tinamaan. "George, kalma!" awat niya sa akin ngunit halatang natatawa naman. Siguro ay nahahalata ang selos ko! I gritted my teeth and then looked for another rock to throw at him. May nadampot akong maliit ngunit nang akmang ihahagis ko na sa kanya ay napansin kong nakaawang na ang mga labi niya. Tila nagulat o kaya ay hindi alam ang gagawin habang nakatitig sa hawak ko. "Georgia . . ." tawag niya. Tumaas muli ang kilay ko. "What?" Itinuro niya ang hawak ko. "Hindi na bato 'yan." "Huh?" Nilingon niya si Majik na kasalukuyang dumudumi. Pati ako ay napasunod ng tingin, at nang makita ko ang hugis ng poop na lumalabas ngayon mula sa puwetan ng alaga niya, pakiramdam ko ay nagsiakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. "Eeeeewwww!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD