Kabanata 11

1213 Words
Georgia "Thank you po sa dinner, Tita." Boyd's mother flashed a small smile. "Sige na, ako na ang magliligpit ng mga 'yan. Magpahinga na kayo." Tumayo si Boyd. "Ma, ako na maghugas. Hatid ko lang si George sa kubo." A part of me could feel his mom's uneasiness towards me. Hindi ko masabi kung bakit pero para bang ayaw akong tingnan ni Tita sa mga mata. Kanina ko pa 'yon napapansin. Ayaw ko lang magtanong kay Boyd dahil baka mamaya ay maging issue pa sa kanila ng nanay niya. "Doon ka na muna sa kubo. Hintayin mo ko at maghuhugas lang ako ng plato," ani Boyd saka niya inialok ang kamay para alalayan akong tumayo. I saw how his mom stared at his hand after Boyd had placed it on my lower back. Napalunok na lang ako. Why do I have a feeling that Boyd's mom doesn't really like me for him? Is it because of mommy? I know they didn't have a good history. Hindi ko naman maitatanggi na may ugali ang mommy ko. "I wanna take a shower before going to bed," paalam ko kay Boyd. "Kuha ka na pala ng damit mo at maligo ka habang naghuhugas ako ng plato para madali kitang mapag-igib kung kulang ang panligo mo." Kumunot ang aking noo. "Igib?" Tumango siya. "Hindi ba abot ang linya ng tubig dito sa purok namin kaya poso palang ang meron. Baka sa susunod na taon pa ako makapagpagawa ng de-tangke kaya ipag-iigib na muna kita." "Okay but what's poso and igib?" litong-lito kong tanong. He pointed something with a green paint and . . . is that a lever or something? Hindi ko alam. Nasa gilid iyon ng bahay nila at malapit sa mga tanim na halaman. Hindi ko gaanong nakita kanina dahil may mga sampay na nakasabit sa sampayan. "Poso, tubig poso. May mahabang tubo 'yan sa ilalim na humihigop ng tubig. Aakyat ang tubig kapag tinaas-baba mo ang hawakan." "Is it hard to use?" I asked. Curious na talaga. "Hindi naman. Gusto mo bang subukan?" he asked. Siguro ay nahalatang naku-curious talaga ako sa poso. "May I?" Boyd smirked. "Oo naman. Tara." Bumuntot ako sa kanya palapit sa poso. He then started explaining me how it works before he let me try it. Nag-alangan lang akong hawakan ang handle kaagad. I searched for something to use to cover my hands. Kinuha naman ni Boyd ang panyo na nakasampay saka iyon ibinigay sa akin. "Thanks. So I will just pull it downwards, right?" I asked. "Oo, pababa lang. Maganda kapag nandiyan ka sa gilid para 'yong pwersa mo malakas." "Okay, okay got it." I inhaled a sharp breath before I finally started. Kaya lang mahirap palang ibaba ang handle. I even gritted my teeth just so I could push it downwards but it's really harder than I thought! As if Boyd noticed that I was already struggling, he stood up behind me and held the handle as well. "Ganito lang, George. Dito sa dulo ang pwersa." My heart pounced loudly inside my chest as he trapped me between his arms. Napapababa rin ang ulo niya sa tuwing itinutulak pababa ang handle ng poso kaya tumatapat ang mukha niya sa gilid ng ulo ko. I tilted my head to look at him as he pulled the handle down. Ngumisi naman siya at ang mga mata ay tumutok sa aking mga labi. "May date tayo bukas. Baka sumakit mga braso mo kung pipilitin mo pang magbomba," aniya saka muling ibinalik ang tingin sa aking mga mata. I swallowed. "Y-You're right." Tumikhim ako nang pamulahan ng pisngi matapos kong masilip si Tita na nakatingin sa amin ni Boyd. "I'll go get some clothes." Bumalik ako sa kubo para kumuha ng pantulog. Nag-ipon naman si Boyd ng tubig para sa akin saka niya iyon idinala sa kanilang banyo. I went in there to pee earlier. Hindi ko mahanap ang flush kaya si Boyd ang nagbuhos. "Where's the toilet flush pala?" tanong ko sa kanya nang mailagay niya ang timbang may tubig sa loob. "Walang flush, Georgia. Ibubuhos mo ang tubig sa toilet bowl." Kumunot ang aking noo. "Really?" Kinuha niya ang tabo at sumalok ng tubig. Maya-maya ay ibinuhos niya iyon sa bowl na tila idini-demo niya sa akin ang gagawin. "Oh, cool. Pwede pala 'yon?" I looked around. "What about the shower? Is it improvised, too? Will you connect it to the pale or something?" Boyd smirked. "Tabo, tubig, salok, buhos, kuskos." My eyes blinked twice. "Wait, what?" Boyd did his best to explain how I will take a bath. Nang maipaliwanag niya ay iniwanan na niya ako sa loob ng banyo para masubukan ko kung paano. I sighed. Wala naman akong choice kun'di ang pagtyagaan kung ano ang mayroon at kung ano ang pwede. I removed my shirt and was about to take off my bra when I felt something jumped on my foot. Tumingin ako sa ibaba nang makita kung ano ang malagkit at malamig-lamig na bagay na iyon ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang palakang nakapatong sa aking paa. I screamed on top of my lungs, making Boyd run back inside. Sa sobrang takot ko ay para akong matsing na umakyat sa kanya't nagsisisigaw dahil sa takot. "Oh my God, oh my God, oh my God! Mommy ko!" Mahigpit ang yakap akong sumubsob sa balikat ni Boyd. Naluha na rin ako dahil sa sobrang takot. My body is trembling while Boyd carried me out of the bathroom. Pati si Tita ay napasugod sa banyo dahil sa lakas ng sigaw ko. "Ano ang nangyari diyan, Boyd?" nag-aalalang tanong ni tita. "May nakapasok lang na palaka sa banyo, Ma. Natakot si Georgia." Lumunok ako bago hiyang-hiya na bumaba mula sa pagkapit ko kay Boyd. "S-Sorry po sa s-sigaw ko." I sniffed. Feeling so embarrassed. "S-Sorry po, Tita. I just . . . I got really scared." Pasimpleng bumuntonghininga si Tita matapos bumalik ni Boyd ng banyo para kunin ang palaka. Nang madampot ang palaka ay lumabas siya para itapon iyon kaya naiwan kami ni Tita sa harap ng banyo. She looked at my exposed chest. Maya-maya ay bumuntonghininga siya saka ako tinitigan sa mga mata. "Georgia, mahirap lang kami. Sana bago mo sabihing gusto mo ang anak ko ay alam mo rin muna sa sarili mong handa kang maranasan ang buhay na ganito. Hindi ka kayang patayuan ng anak ko ng mansyon at siguraduhing wala nang palaka na makakalapit pa sa'yo kaya parang awa mo na, mag-isip ka muna dahil hindi kita mapapatawad oras na masaktan ang anak ko dahil lang napagtanto mong hindi mo kayang maging mahirap." She scanned me from head to toe. "Marami pa r'yan para sa anak ko. Iyong hindi basta titili dahil lang sa palaka." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I wasn't able to move as Boyd' mom turned her back on me. Uminit na rin ang sulok ng mga mata ko kaya nang marinig kong pabalik na sa loob si Boyd ay nagmamadali akong pumasok ng banyo. I locked the door and covered my lips as I trapped my sobs. Great. Unang araw ko pa lang dito ay nasampal na ako ng katotohanang hindi talaga boto sa akin ang nanay ng lalakeng gusto ko . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD