Georgia
I had a hard time sleeping last night. Hindi dahil sa tinutulugan namin ni Boyd kun'di dahil sa sinabi ni Tita sa akin. It was so clear that she doesn't really approve me for her son. Ayaw ko mang magpaapekto ay nasaktan pa rin ako.
Pasikat pa lang ang araw nang bumangon ako para magbanyo. Boyd is still sleeping on the other side of the bed so I didn't wake him up anymore. Maingat na lang akong gumapang palabas ng kulambo at isinuot ang slippers ko.
I hugged myself and walked towards the bathroom. Nang makapasok ay nadinig ko ang tinig ni Tita na tila may kausap. I didn't mean to eavesdrop but my attention was caught after I heard Boyd's name.
"Naku, Leng syempre bagay kayo. Marunong ka sa gawaing bahay, masipag ka, masunurin at madiskarte. Parehong-pareho kayo ng anak ko."
"Eh, kaso wala akong pera, Ante!"
"Ay naku, huwag mong problemahin 'yon. Kaya ka naman buhayin ng anak ko."
Humagikgok ang kausap ni Tita. Parang tuwang-tuwa dahil halatang boto rito ang nanay ni Boyd.
I couldn't help but swallow the lump forming in my throat. Gusto kong sabihin sa sarili ko na mas mahalaga naman ang nararamdaman ni Boyd pero parang ang hirap kumbinsihin ng puso kong naninikip na ngayon.
Masakit pala kapag naririnig mo mismong may ibang mas gusto para sa anak niya ang nanay ng lalakeng gusto mo.
Bumuntonghininga na lang ako saka na naghugas. I flushed the bowl just like what Boyd had taught me. Paglabas ko ay pumasok naman ng kusina si Tita mula sa pinto na malapit sa gilid ng bahay kung saan siya nanggaling.
"Oh, ang aga mong nagising. Hindi ka ba kumportable sa kubo? Walang aircon, masikip at matigas ang kutson," malamig niyang sabi.
I swallowed my own saliva before I tried to speak. "O-Okay lang naman po ang kubo-"
"Makukuba muna ang anak ko bago ka mabibilihan ng makapal na higaan. Kung magkakatuluyan kayo ay siguradong ilang taon muna kayong pipisan sa akin dahil mataas ang pride ni Boyd at hindi ko rin siya papayagang gamitin kung ano mang pera ang makukuha mo sa mga magulang mo," putol niya sa sinasabi ko.
I lowered my head. Alam ko kung bakit niya sinabi iyon. And honestly? Nasasaktan ako na ang bilis niya akong nahuhusgahan. Hindi niya nga alam kung ano ang handa kong i-give up in case magkatuluyan nga kami ni Boyd. Yes, our feelings are still premature but if we'd somehow end up together someday, I know I'd be able to be uncomfortable just to be with him. Kahit gaano pa iyon kahirap.
Humugot si Tita ng hininga nang hindi ako nakasagot. "Maganda ka naman, hija. Maraming mayamang siguradong mahuhumaling sa iyo. Kung sakali man na makapag-isip ka, hayaan mo na si Boyd sa kalebel niya kaysa magsumbatan lamang kayo pagdating ng araw." Kumuha siya ng tasa ng kape saka iyon inilagay sa maliit na mesang nasa kusina. "Magtimpla ka na ng kape mo."
I pursed my lips when I realized that I don't know how to make my own coffee. Umiling naman si Tita bago muling bumuntonghininga.
"Kita mo na? Ultimo pagtitimpla ng kape ay hindi mo alam."
My chest tightened. Hindi ako basta-basta nalalait ng kung sino dahil marunong naman akong lumaban. Pero ibang usapan na pala kapag nanay na ni Boyd ang gumaganito sa akin. Pakiramdam ko ay nanliliit ako dahil wala akong karapatang sumagot at ipagtanggol ang sarili ko.
Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "Mamaya na lang po, Tita. S-Salamat ho."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Tita. Bumalik ako sa kubo at nahigang muli sa tabi ni Boyd. Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko kaya maingat akong hinatak at ikinulong sa yakap kahit na nakapikit pa ang mga mata niya.
"Nagbanyo ka?" paos pa ang boses niyang tanong.
I simply nodded. Walang ganang magsalita dahil masama pa ang loob ko.
Boyd caressed my back. "Tulog pa tayo konti."
Niyakap ko na lamang siya kahit na wala naman akong balak matulog ulit. Dinaramdam ko lahat ng sinabi ng nanay niya kahit na alam kong hindi ako dapat magpaapekto.
The saddest part is, I cannot tell Boyd how I feel. Ayaw kong masaktan siya o sumama ang loob niya sa nanay niya. Hindi ko rin gustong maipit siya sa sitwasyon dahil lang ayaw sa akin ng nanay niya.
We spent over an hour in bed. Nagsibangon lamang noong tinawag si Boyd ng nanay niya para magpaalam dahil may lakad.
Boyd's mother left early. Ang sabi ni Boyd ay may dadalawin daw na kamag-anak pero parang iba ang pakiramdam kong tunay na dahilan. Tita is definitely avoiding me so she wouldn't hurt Boyd's feelings.
"Kain na tayo. Mamaya alis na rin para makapwesto tayo nang maganda-ganda," ani Boyd nang mailapag niya ang platong may garlic rice sa mesa.
Tumango lamang ako saka na kinuha ang kanin. Nilalagyan ko siya ng pagkain sa pinggan niya noong tila napansin niya ang pananamlay ko.
"May problema ba, George?"
I lifted my gaze and met his eyes. Pinilit ko na lang ding ngumiti nang mapawi ang pag-aalala niya.
"Okay lang ako. Iniisip ko lang 'yong palaka kagabi. Maybe I overreacted. Nakakahiya sa Mama mo," dahilan ko.
"Sus, huwag mong isipin 'yon. 'Di gano'n si Mama." He smiled as if he's confident with what he said. "Mabait si Mama saka naiintindihan naman niyang may kaya kayo sa buhay. Matik nang takot ka sa mga gano'n dahil wala namang gano'n sa inyo."
I doubt that. Malinaw ang sinabi ni Tita sa'kin. Hindi man direkta ang pagkakasampal ng katotohanan sa akin, alam kong ayaw niya sa akin para kay Boyd.
Humugot ako ng hininga saka ulit pilit na ngumiti. "Kain na tayo. I'm excited to watch Majik."
"Ako rin. Si Mang Delio ang magbibitaw kaya malakas ang kutob kong mananalo si Majik mamaya." He tucked my hair behind my ear. "Kain ka nang marami. Masarap 'yan."
Hindi na lang ako nagkumento. I ate my breakfast with a heavy heart, knowing so well that Boyd has no clue that his mom doesn't really like me. Sinasabi lang ni Boyd na naiintindihan ako ni Tita dahil 'yon ang ipinakikita ni Tita sa kanya pero ang totoo, mas gusto ni Tita iyong kababata ni Boyd na kausap ni Tita kanina.
"Boyd?"
"Hmm?"
"Pwede mo ba kong turuan bukas kung paano magluto ng ganito? I just . . . wanna learn so I could make you some."
His eyes glistened with both surprise and joy. Maya-maya ay inilapag niya ang kutsara at hinawakan ang kamay ko.
"Salamat pero hindi mo kailangang gawin. Kung tayo man, kaya naman kitang pagsilbihan."
Iyon na nga ang problema. Lalo akong aayawan ni Tita kung si Boyd lang ang kikilos kung magkatuluyan kami.
"But I . . ." Bumuntonghininga ako. "I really wanna learn. Kahit mga simpleng gawain man lang para habang nandito tayo, mapakita ko sa Mom mo na I'm willing to adapt."
Boyd smiled. "Kung 'yan ang gusto mo kahit wala ka namang dapat patunayan. Boto naman sa'yo si Mama kahit wala kang alam na gawain."
I pursed my lips. Hindi 'yon totoo . . .
"Hey . . ." He cupped my cheek. "Hindi kita aayawan dahil lang hindi ka marunong magluto ng sinangag, Georgia."
My heart swelled. Oo, Boyd hindi mo ko aayawan . . . pero 'yong nanay mo, siguradong lalong hindi magiging boto sa'kin.
Pasimple ko na lamang na pinakawalan ang hangin sa dibdib ko.
Kung alam mo lang, Boyd. Kung alam mo lang .