Kabanata 13

1334 Words
Georgia I kept looking at our hands while inside the small tricycle. Hawak ni Boyd ang kamay ko. Panay ang haplos niya sa gilid ng aking palad gamit ang kanyang hinlalaki habang nakasandal ang aking ulo sa kanyang balikat. The fresh air feels good against my skin. Hindi ganito sa Manila kaya naa-appreciate ko ang hangin ng probinsya. Maybe if I knew wind could feel this way, then I'd be disgusted with the air in the metro. "Malapit na tayo," saad ni Boyd saka siya tumingin sa akin. "Ayos ka lang?" Marahan akong tumango. "Ine-enjoy ko lang ang sariwang hangin. Hindi na ganito pagbalik ng Manila." He smiled. "Palagi kitang idadala rito." Payak na lamang akong ngumiti. As much as I hate feeling so bad because of his mother, I still want to hold on to what I feel for Boyd. Maybe if someday he'd ask me to run away with him, baka kahit sanay ako sa marangyang buhay ay walang pagdadalawang-isip akong sasama. "Boyd?" tawag ko. "Hmm?" "Do you think I'd be good enough to fit in here?" I asked. Boyd's eyebrows slightly met. "Oo naman. Bakit naman hindi?" "Wala lang," I said under my breath before I stared at our hands again. "I just . . . well, if someday we'll be together, maybe I'd . . . like to stay here instead." He tucked my hair behind my ear. "Kahit saan mo gusto, George. Basta tayo, walang magiging problema." My eyes softened. I know what that means. He's willing to adjust for me. Do what would make me feel happy. Tila basta ako ang kasama niya, kahit saan pa kami tumira o anumang adjustment ang gawin niya ay handa niya pa ring hawakan ang mga kamay ko at samahan ako sa buhay. "Salamat, manong," Boyd said after paying the driver. Inalalayan niya akong bumaba ng tricycle saka kami magkahawak-kamay na naglakad patungo sa sabungan. Naroon na raw ang taong hahawak kay Mayweather sa loob ng ring. Kung ring man ang tawag doon. "Dito tayo, George," aniya saka ako inalalayang maupo sa pinakaharap. I saw Mayweather being held by the trainer. Nang makita ang itim na bagay na ikinakabit sa paa ni Mayweather ay bumulong ako kay Boyd. "What's that thing? Parang gloves sa boxing." Boyd explained to me everything. Maya-maya ay sumenyas siya sa isang lalake kaya kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?" I asked. "Tinatanong magkano pusta ko kay Mayweather," sagot niya. "Pusta? Bet? I wanna bet, too." "Magkano?" he asked. Sandali akong ngumuso. "Two hundred? Pwede na ba 'yon?" Kumunot ang noo niya. "Teka lang, George magkaiba tayo ng two hundred. Anong two hundred ba 'yang nasa isip mo? Two hundred pesos o two hundred thousand?" "The latter. Why?" Napakamot siya ng ulo. "Ang laki masyado. Hindi naman tayo nagpunta rito para magsugal." My forehead drew lines. "But you're putting a bet. Technically, nagsusugal ka pa rin." "Oo pero katuwaang pusta lang 'tong akin. 'Yong sayo, parang ibang usapan na. Pwede nang mag-financer." I sighed. "Fine. How much can I bet then?" "Pwede na 'yong isang libo. Okay na 'yon." Nagkibit-balikat na lamang ako. I took a one-thousand peso bill in my wallet and gave it to him. Ngumisi naman siya't itinapat sa mukha ko ang pera. "Kiss mo. Pampaswerte." I rolled my eyes and was about to do what he said when Boyd suddenly put the money away. Lumapat ang mga labi ko sa mga labi niya kaya umalingawngaw ang kantyawan sa loob ng sabungan. "Oy! Sabong ipinunta rito, hindi lampungan!" dinig naming sabi ng isa sa mga lalakeng naroon. My cheeks burned. Nagpigil naman ng ngisi si Boyd bago ako inakbayan. "Mag-enjoy lang tayo. Huwag mong intindihin mga 'yan." I nodded as I rested my arm on his thigh. Somehow my heart swelled with the thought that I can experience stuff like this with Boyd. I was so used to fancy dates and expensive parties. I never thought weird dates like this would be more wholesome. We watched the cockfight carefully. I was silent at first because I was really confused. Boyd explained to me what was happening until I finally understood how it works. Hindi ko na namalayang nakiki-cheer na rin ako kay Mayweather. It was like I am watching a boxing match but nuggets edition. I was screaming Mayweather's name on top of my lungs until the c**k hit its opponent with the blade attached to its ankle. Napatayo kami ni Boyd sa sobrang tuwa. Nagyakapan at hinalik-halikan niya ang aking pisngi dala ng sobrang tuwa. "Dapat pala hinayaan na kitang ipusta 'yong two hundred thousand!" ani Boyd. Pasigaw dahil malakas pa ang ingay sa loob ng sabungan. "Akala ko ba date lang 'to at hindi sugal?" He laughed. "Oo nga pala." We had our money before we left the arena. Dumiretso kami sa may palengke at nagtingin-tingin ng pwedeng makain. I felt so confused while looking at all the carts parked near the wet market. Hindi ko alam kung ano ang mga pagkaing naroroon kaya hinayaan kong si Boyd ang pumili ng kakainin namin. "Salamat, Manang," aniya sa tindera bago bumalik sa akin. We walked towards the area where we can sit. Walang mesa kaya kinailangan naming hawakan ang plastic cups kung saan nakalagay ang mga pagkain. Tumusok si Boyd ng pagkain sa baso saka niya iniangat ang hawak. "Subukan mo 'to, George." I was hesitant at first but still ended up opening wide until I bit enough. Pagkasubo ng pagkain ay dahan-dahan ko iyong nginuya. "It's . . . a bit spicy but I like it. Anong tawag dito?" "Dynamite. Siling haba na may cheese at giniling sa loob." Kumagat din siya saka ngumisi. "Sarap 'no?" I smiled. "Yeah, I like it. What about that one?" Itinuro ko iyong isang baso. "Ito? Chicken skin. Subukan mo." I pursed my lips and drew in a sharp breath. "Ayaw ko niyan. Mamaya kamag-anak pa ni Mayweather pinagkuhanan ng balat niyan." Boyd chuckled softly. Maya-maya ay umusog siya palapit sa akin hanggang sa tuluyang nagkadikit ang aming mga braso. "George . . ." tawag niya. "Oh?" walang-gana kong sagot dahil abalang isawsaw ang dynamite sa sauce na kulay orange. "Kapag dito tayo sa Tarlac titira kung sakaling maging tayo man ang maging mag-asawa, sisiguraduhin kong magiging maayos ang buhay mo sa'kin." Napatigil sa ginagawa at tumingin sa kanya. I wasn't able to speak because my heart banged like a loud drum as I saw the sincerity in his eyes. He flashed a small smile. "Magsisikap ako. Dodoblehin ko ang sipag ko hanggang sa makaipon. Ibibili kita ng bahay na may malawak na bakuran. 'Yong hindi makakapasok ang palaka. Pagagawa ako ng de-tankeng tubig at sisiguraduhin kong malambot ang hihigaan mo sa gabi." He tucked my hair behind my ear. "Hindi mo kailangang i-adjust ang lifestyle mo nang sobra at bumaba sa lebel ko, George dahil gusto kong patunayan sa'yo na gagawin ko lahat para maabot kita nang paunti-unti." Lumamlam ang mga mata ko. This man really knows how to make my heart swell. Ang dami ko nang narinig na mabubulaklak na salita, pero ito? Alam ko at nararamdaman kong hindi lang ito basta pangako. Boyd will do everything to fulfill every word he just said. Bumuntonghininga ako. "I could live a simple life . . . if it means you're the one I get to share the bed with every night." My lips formed a half smile. "You're not the only one who should adjust." Inakbayan niya ako't pinatakan ng halik sa aking sintido. "Mahal kita, George. Sana kahit anong sabihin ng iba, dito ka sa nararamdaman ko kakapit palagi." I swallowed the lump forming in my throat as I let my love for him fill every inch of my heart. Tama si Boyd. Sa nararamdaman niya ako dapat kumapit nang hindi ako matinag ng disgusto sa akin ng sarili niyang nanay. After all, it is us whom will be in this relationship. Hindi kasama ang nanay niya o ang kung sino man. Kami lamang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD