Kabanata 14

1524 Words
Georgia "Saan nga kasi tayo pupunta?" tanong ko kay Boyd habang sakay kami ng motorsiklong hiniram niya sa isang kakilala niya sa lugar nila. He slightly tilted his head to give me a slight smirk. "Basta." I rolled my eyes. Naaasar na ako, ha? Kanina ko pa itinatanong ngunit ayaw niya talagang sabihin! The road was a bit bumpy. Pagkarating sa masyadong mabatong parte ay kinailangan nang iparada ni Boyd ang motorsiklo. "Hindi ba 'yan mananakaw diyan?" tanong ko nang itago niya sa talahiban ang motor. "Hindi 'yan. Naka-lock naman at kinabitan ko rin ng kadena ang gulong." He wore the backpack he brought with us then pulled out the small umbrella. "Lalakad tayo ng ilang minuto mula rito." "Saan mo ba kasi talaga ako dadalhin?" naiirita ko nang tanong ngunit ibinuka niya lang ang payong at inakbayan ako. "Basta nga. May surpresa bang sinasabi?" Inirapan ko siya. "Kapag ako hindi natuwa, Boyd ha." He smirked. "Sigurado akong magugustuhan mo ang lugar." Bumuntonghininga na lamang ako saka na sumama sa kanya. Mabato ang daan kaya kinailangan na naming magdahan-dahan ng lakad. I hate that I didn't wear my rubber shoes instead. Medyo hirap ako sa flip flops dahil dumudulas sa bato. Halfway through the trail when I started feeling my calves getting sore already. Siguro dahil hindi naman ako sanay sa ganitong lakaran. I wasn't intending to let him know about it. Kaya lang isang tingin lang sa akin ni Boyd ay parang nababasa kaagad niya ang nasa isip ko. Tumigil siya at ibinigay ang payong sa akin. Maya-maya ay lumuhod siya sa harap ko at tinapik ang likod niya. "Sakay ka na. Papasanin na kita hanggang do'n." Napalunok ako nang biglang tinamaan ng hiya. "I gained weight. I'm heavy now." Umismid siya. "Saan naman banda? Saka pakialam ko kung tumaba ka pa? Kahit ilang kilo ka pa, Georgia bubuhatin pa rin kita." Umirap ako nang maitago ang naramdamang kilig. "Eh 'di sana simula pa lang binuhat mo na ko?" asik ko kunwari. He smirked. "Sakay na, George. Mamaya mo na ko awayin." I pouted yet still ended up getting on his back. Naawa naman ako bigla dahil pasan niya ang bag sa harap habang buhat ako sa likod niya. I held the umbrella properly, making sure that he'll get enough shade as well. Unti-unti ko na ring naa-appreciate ang tanawin sa paligid. Siguro kasi hindi na ako naka-focus sa paglalakad sa mabatong daan. Ipinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat. "Boyd?" "Hmm?" may lambing niyang sagot. "Are you tired?" He angled his head to look at me. Isang munting ngiti ang lumandas sa mga labi niya matapos magtama ang aming mga tingin. "Hindi ko naman alam ang salitang pagod pagdating sa'yo, George," may lambing niyang tugon. My cheeks burned. I swear this man could really pull off a pick up line anytime and it would never be such a bad timing! Nakakainis! "Tinatanong kita nang maayos, Boyd." "At sinagot kita nang maayos." He c****d a brow. "Mukha ba kong nagsisinungaling?" Inirapan ko siya. "Whatever." Boyd grinned. Maya-maya ay pinagmasdan niya ang nadaraanang tanawin. "Kapag nagkatuluyan tayo at dito tayo sa Tarlac tumira, palagi kitang dadalhin sa kung saan tayo pupunta. Kahit na pasanin pa kita palagi, ayos lang." My heart warmed. "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" "Malapit na," sagot niya kaya muli na namang umikot ang mga mata ko. I sighed and just watched the view in front of us. There's a long trench of mountains from a distance. Nagkalat ang puno sa gilid ng mabatong daan. Kahit nga yata hindi na magpayong ay ayos lang. Ilang minuto pang naglakad si Boyd habang pasan ako. Maya-maya ay natanaw ko na ang tila lumang gate na nabalutan na ng baging. Ibinaba niya ako saka niya kinalas ang hindi nakakandadong kadena kaya nanlaki ang mga mata ko. "Huy! Ano ba 'yang ginagawa mo?! Tresspassing 'to!" asik ko bago tumingin-tingin sa paligid. "Ayos lang 'to. Matagal na kaming nagpupunta rito ng mga kababata ko. Matagal nang wala ang mga may-ari magmula no'ng pumutok ang Pinatubo." He opened the rusty gate. "Tara." Ayaw ko sanang sumama kaya lang ay hinatak na niya ako papasok. Isinara niya ulit ang gate saka niya ako inakbayan. Umikot naman ang tingin ko sa paligid. It seems like a large property with a huge farmhouse. Sira na ang bahay at maraming patay na bato sa paligid. May mga tumubo na ring talahib kaya medyo nakaramdam ako ng lungkot. "Sayang ang lugar. Parang ang lawak pa naman ng property," hindi ko napigilang sabi habang nakatanaw sa sirang tahanan. Nilingon niya ang tinititigan ko. "Ang sabi-sabi ng mga taga-rito, namatay ang asawa ng may-ari. Hindi kinaya ng isip kaya idinala ng mga anak sa ibang bansa at doon ipinagamot. Hindi na sila nakabalik. Nasira ang bahay no'ng pumutok ang Pinatubo. Lalong hindi na binalikan ang lugar." He smiled at me. "Kapag yumaman ako, bibilihin ko 'to. Kahit pa hagilapin ko ang buhay na may-ari ng lupa." "Ang dami namang property diyan. Bakit ito pa?" I asked. "Gusto ko 'yon, eh." May itinuro siya sa hindi kalayuan. My gaze drifted towards the direction he was pointing at. Nang mapagtanto ko kung ano iyon ay kusang umawang ang mga labi ko. "I-Ilog?" My eyes blinked. "May ilog!" Tumango siya. "Nagkaroon ng ilog diyan dahil sa lahar." "May maganda rin naman palang naidulot ang pagputok ng Pinatubo." I entwined our fingers. "Let's go check it out!" aya ko. Tuluyan nang nakalimutan ang pagsakit ng mga binti kanina. Boyd let me drag him towards the crystal clear river. Nang bitiwan ko ang kamay niya ay binuksan niya ang bag niya para ilabas ang mga idinala niyang gamit. I realized that he brought a picnic blanket along with some clothes and snacks that we can share. Inilatag niya ang picnic blanket sa malilim na parte saka ako pinaupo roon. I sat on my heels while Boyd took off his shirt. Akmang pupunasan niya ang sarili niya ng bimpo nang kinuha ko iyon. His gaze drifted towards me. Lumunok ako't sinimulang punasan ang pawis sa noo niya habang titig na titig naman siya sa akin. I felt conscious but I continued wiping his sweat. Ngunit nang mapadpad na sa dibdib niya ang palad ko ay hinawakan niya ako sa aking braso. Nagtama ang aming mga tingin. Namungay ang mga mata niya hanggang sa tuluyan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. My eyes shut as I slowly felt his lips against mine, branding it as his and declaring how much he really wants me. Iniyakap ko sa kanyang leeg ang aking braso. I kissed him back while I moved to straddle him. He supported my back while kissing me in a way that could shut down my senses. Ngunit sa kabila ng mapusok naming paghahalikan, hindi ko maramdamang init lamang ng katawan ang dahilan kung bakit magkalapat ang aming mga labi. There was something else that fuels us right now. Something bigger than lust and desire. Bagay na kahit hindi isatinig ay ramdam ng aming mga puso. Halos habulin namin ang aming mga hininga nang maputol ang halik. Boyd smiled while his eyelids were still heavy. Tila lasing pa sa halik na aming pinagsaluhan. He clutched my hair and kissed me on my shoulder blade before he sighed. Ang isang braso niya ay tuluyang lumingkis sa aking braso na tila wala na siyang balak pang pakawalan ako. "Mahal kita, Georgia . . ." His face buried on my shoulder. "Magsusumikap ako sa buhay para sa'yo . . ." My heart swelled. Nayakap ko siya't hinalikan sa gilid ng kanyang ulo bago ako bumuntonghininga. This man will, without a doubt, do everything just to reach me. But even if he'd fall on his way, I know I'll break my own barriers just to meet him halfway. Because that's . . . what love is, right? You meet each other in the middle and then take the journey together. Gusto kong maging parte ng mismong paglalakbay niya. Hindi lamang maging pinakadestinasyon niya. I want to be there in every high and every low. I want to hold his hand in every step that we will take. I want to smile at him when we're getting tired, look into his eyes when we wanted to rest, and let him feel my love as we continue walking down our path to something only the two of us will understand. Isinara ko sandali ang aking mga mata. "Boyd?" "Hmm?" Niyakap ko siya nang mas mahigpit. "Ayaw ko nang . . . mahiwalay sa'yo." He sighed. "Babalik na tayo ng Maynila bukas, George." "Then let's get an apartment. I'll stay with you-" "Georgia, magagalit ang mommy mo-" "Wala akong pakialam. Wala rin naman siya. I'll go home if they're home. Pero kung wala ay roon ako sa apartment." Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya nang matitigan ko siya sa mga mata. "I can't breathe at home. I just . . . wanna feel this way as much as possible." Boyd tucked my hair behind my ear. "Ano ba ang nararamdaman mo ngayon?" A small smile made its way to my lips. "Free. . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD