PROLOGUE

735 Words
Ako nga pala si Venus San Diego kung anong ginanda ng pangalan ko, siya naman pinangit ng buhay ko. Nakatira sa isang maruming lugar dito sa Tondo in short sa Eskwater. Nagpupursige akong makatapos ng kolehiyo matalino naman ako kaya’t naging scholar ako at take note ha!.Sa University of the Philippines pa nga!. Taray diba! sa kursong Management. Dahil ito nalang ang paraan para makahanap ako ng magandang trabaho. Mapapa tangina nalang talaga ako. Nakakasawa ang amoy basura sa lugar namin. Marumi mapanghi nakakadiri, wala naman akong magagawa dahil heto yung buhay na kinagisnan ko. Kung puwede lang mamili ginawa ko na diba?. Masuwerte na ang may pagkain kami sa isang araw. Isipin mo nakatatlo pa ang Nanay at Tatay ko sa hirap ng buhay namin. Ako ang bunso at nagiisang babae. At yung dalawa kong kapatid ayun! adik! shabu is life para sa kanila. Gusto kong mabago ang buhay ko ayaw ko na ng ganito. Ang Nanay ko ayun sugal is life para sa kanya. Ang tatay ko ayun ka-jamming ang mga Kuya ko instant jamming sila. Mapapaputang ina nalang ako sa buhay meron ako. Sa gabi naman ay waitress ako sa bar yan ang trabaho ko. Para lang may ibaon ako para lang sa ikabubuhay ko. Hindi ko na iniintindi ang pamilya meron ako masasayang lang ang luha ko. Kung iiyakan ko naman sila ay mas lalong masasayang panahon ko. Kung mageffort man ako o hindi. Ang totoo nga niyan birthday ko bukas tangina debut ko! 18TH birthday ko. Pero ni ha ni ho wala!. Alam ko naman ang buhay namin. Mabuti pa ang manok may natutuka e kami wala jusko life. Bakit ganito ka naman sa akin. Nakilala ko sa bar na pinagtatrabahuan ko si Aron Montalban. Ang lalakeng nagbigay pagasa sa buhay ko. Guwapo matangkad mayaman lahat na ata nasa kanya. Ang buhay meron siya ay iba sa buhay na meron ako. Limang taon ang tanda nito sa akin kung kaya’t mature na rin magisip. Hindi nagtagal napalagay na rin ang loob ko sa kanya. Dalawang taon nalang at gagraduate na ako. Ayokong mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan at sinakripisyo ko. Marami sa kasamahan ko ang kumapit sa patalim dahil sa kahirapan ng buhay. Ako na nga lang talaga siguro ang matatag at hindi ko magawang bumigay kay Aron. Damn it! Minsan nga napapakagat nalang ako ng labi dahil sa mga mapangakit nitong tingin. “Venus, I like you” tugon nito. “Aron, hindi ba’t magkaibigan naman tayo, alam mo ang isasagot ko sa tanong mo” sagot ko rito. Pangilang beses na niya sinabi sa akin ang ganyang bagay.Kung kaya’t hindi na bago sa akin kung minsan nga nagpapadala pa siya ng bulaklak. “Venus, here tanggapin mo ito, kaysa duon ka umuwi sa inyo” sabi nito at iniabot sa akin ang isang susi. “Huh, susi saan ito?” tanong ko dito. “Susi yan ng condo, duon kana tumira, habang nagaaral ka” sabi nito. Nanlaki ang mata ko at halos maiyak ako sa pagkagulat. May isang taong nagbigay pagasa sa buhay ko. Hindi ko maalis sa isip ko. Ano kaya ang kabayaran nitong pagtulong sa akin ni Aron. May takot na bumalot sa dibdib ko. Pero hindi eto na yun Venus dalawang taon nalang. Mabilis na dumaan ang dalawang taon at gumaraduate na ako. Naghanap ako ng trabaho. Ayaw ko nasa pang umasa kay Aron. Kaya sinubukan kong tumayo sa sarili kong paa. Laking gulat ko at si Aron Montalban pala ang may ari ng pinapasukan kong company. Nagtatrabaho ako bilang isang sekretarya. Parang wala lang din sa condo magkasma kami sa trabaho magkasama parin kami. Oh diba saan ka pa. At take note ha! Si Aron Montalban ang boss ko. Laking gulat ko dahil hindi ko akalain na isa pala siyang billionaryo at nagmamay ari ng  kumpanya na pinapasukan ko.Actually two months na kaming hindi nagkikita ni Aron. Dahil sabi niya may aasikasuhin siya sa amerika. Ano bang relasyon meron kami?. Ang totoo wala alam kong gusto niya ako. Pero siguro this time puwede ko narin sabihin sa kanya na gusto ko siya. Sa laki ng utang na loob ko sa kanya hindi ko na mabilang at mas lalong hindi ko na makuwenta ang tulong na binibigay niya sa akin. “Tangina naman!, Aron ginawa mo akong Kabet” sabi ko dito. “Mahal kita Venus, yun ang totoo sa lahat ng kasinungaling ko sayo.” sabi nito. Ang sakit ginawa niya akong kabit. damn it. dalawang taon akong nagpakatanga sa isang lalakeng may asawa. at ang masaklap pa dun minahal ko ng sobra.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD