EPISODE 1

1948 Words
VENUS POV Ang hirap magtrabaho bilang waitress sa gabi at estudyante sa umaga kasi tatlong oras lang ang tulog ko.  “Venus, ano pang inaantay mo diyan” tawag sa akin ni Lisa ang manager ng bar na pinapasukan ko. “Ma’am, pasensya na po” sabi ko dito. Agad akong nagpalit ng uniform ko at nagsimula ng magtrabaho. Infairness high-end ang bar na pinapasukan ko hindi basta basta ang mga pumupunta dito.   “Alam mo venus, sayang ka, kung ako sayo kausapin mo na si madam lisa, para magkaset card ka sayang ka” sabi ni Tina. “Huh nako, kahit pa, alam mo naman wala ng natitira sa akin kung hindi ito nalang” sabi ko dito. “Gaga! Ano habang buhay kang ganyan, humanap ka ng lalakeng bibigyan ka ng magandang buhay” sabi nito. Punyeta ano magbebenta rin ako ng aliw tulad ng ibang babae dito. “Maganda, ka venus, maputi ka, makinis hindi ka nga mukhang sa eskwater nakatira eh.” sabi nito. “Hay ewan ko sayo magtrabaho kana lang” sabi ko dito. Ilang oras pa ay pinaakyat ako sa taas ni Madam Lisa. “Venus ikaw magdala nito sa VIP room, ngumiti ka naman para kang namatayan! Mawawalan tayo ng customer kung ganyan ang mukha mo.” sabi nito. Mabilis kong kinuha ang alak na dala ko at mabilis na umakyat sa VIP room. Kumatok ako sa pintuan kung saan bumungad sa akin ang dalawang babaeng nakikipaghalikan sa lalakeng nakaupo dito. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madilim hindi na ako nagaksaya pa ng oras at nagpaalam na ako. “Enjoy your, night sir, thank you” sabi ko dito.  “Hindi pa kita pinapaalis, stay here” sabi nito. Maya maya pa ay binuksan nito ang ilaw ng kuwarto kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nito. “Hmm bakit ho may kailangan pa po ba kayo?” tanong ko dito.  “Hmm nothing, I just want to see your face.” sabi nito. Agad akong bumaba at bumalik sa bar stool. “Uy.. Bry okey lang ba ang itchura ko, tangina kasing uniform ito, hindi ako sanay.” sabi ko dito. Isa siyang bartender dito at isa sa mga naging kaibigan ko. “Hmm sexy mo kaya, laki ng dyoga mo eh, hahaha!” sabi nito habang tinatawanan ako. “Tss, Gago ka talaga!” sabi ko dito at tumawa. Ilang gabi ko narin napapansina ang lalakeng customer namin sa VIP room. Bakit kaya gabi gabi nalang yun nandito wala ba yung pamilya o di kaya asawa. Sa pangalawang pagkakataon ako ang naghatid ng alak sa kanya ngunit sa gabing ito ay wala siyang babaeng kasama. “Goodevening po, here your order sir” sabi ko dito. Nagulat ako ng bigla itong lumapit sa akin. “Hi, I’m Aron Montalban, you are?” tanong nito.  “I’m Venus San Diego” sabi ko dito. Pinagmasdan ko ang mukha nito at napatanga ako ng bahagya. Ang guwapo nito matangos ang ilong matangkad at s**t ang pula ng labi at yung kulay ng buhok nito at brown na parang abo nakakamangha ang kapal ng kilay nito na mas lalong nagpaguwapo rito. “You can join me here, i'm sorry about last night kung natakot kita.” sabi nito.  “Po, hmm kasi po, waitress po ako dito, hindi po ako tinatable, chaka yung kagabi okey lang po.” sagot ko rito. “I already talk to your manager hindi ka magiging babae ko lang dito kung yun ang iniisip mo.” sabi nito. Napalunok ako sa mga narinig ko tangina this! kinikilig ako! Hayup malandi naba ako sa part na yun hahah!. “Ah, ganun po ba, kaso sir ano po bang gagawin ko dito?.” tanong ko dito.  “Accompany me, don’t worry hindi ako tulad ng iniisip mo.” sabi nito. Owws! Talaga eh parang nung kelan lang nakita kitang may kahalikan na babae dito. Hahah hindi lang isa kung hindi dalawa. “Ah, kasi diba waitress ako dito hanggang 4 am ang duty ko hindi ako puwedeng magover time” sabi ko dito. Ngumiti lang ito at umupo sa couch. “Umupo ka. Dito, wala akong sakit, kaya huwag kang matakot diyan” sabi nito. “Ahh-eh ok ok” sabi ko dito at napakamot ako sa noo. “Sir, okey lang po ba kung magc.r lang ako?.” tanong ko dito. “Go, ahead,” sabi nito. Mabilis akong nakarating sa c.r at inayos ang sarili ko. Badtrip naman imbis na makakakuha ako ng malaking tip mukhang naging pisong duleng pa!. Mabilis akong nakabalik at duon ay nakita kong umiinom na siya ng alak.  “Ahm- Venus, umorder ka ng gusto mo, mukhang hindi ka pa kumakain.” sabi nito. “Ahh sir, halata bang hindi ako kumakain?.” tanong ko dito at tumawa. “Alam mo napapatawa mo ako, hindi ako nagkamali na ibook ka ngayon gabi.” sabi nito. “Nako, sir mali ka ng iniisip hindi po ako kasama sa mga babaeng tinatable dito waitress lang po talaga ako dito.” sabi ko dito. “I know, I already talk to your manager na, babayaran kita ngayon gabi” sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko tanga ba ito ang guwapo niya naman tanga kung hindi niya naintindihan ang sinasabi ko. “Venus, kanina ko pa naririnig ang tiyan mo, umorder kana,” sabi nito. Damn it! oo nga 2 araw na akong hindi kumakain puro nalang skyflakes punyeta pantawid gutom daw eh sabi sa commercial. “Hmm sir eto nalang po ang sakin chicken and rice” sabi ko dito at ngumiti ito. “Itawag mo na ang order mo, isabay mo na ang 2 bucket ng chicken.” sabi nito. Ano daw 2 bucket ano tingin sakin nito patay gutom hmp!. “Sir, 2 bucket po?” tanong ko pa dito. Naniniguro lang baka kasi gutom lang din siya diba. “You heard, me 2 bucket ng chicken.” sabi nito. Tumango lang ako at kumuha ng baso sinalinan koi to ng alak. “Pahingi po ng konti ha!.” sabi ko dito. “Sure, but make sure, hindi ka malalasing ha!.” sabi nito. “Hmm Sir, Ano po ba talaga ang gusto ninyong mangyare, wala po kayong mapapala sa akin.” sabi ko dito. “Hindi ko rin alam e, nagsasawa na ako sa mga babaeng nakakasama ko gabi gabi.” sabi nito. “Huh eh anong tingin mo sakin Sir, lalake?.” nagulat ako sa pagtawa nito ng malakas. “Hahahah nakakatawa ka talaga!.” sabi nito. Tanginan this! Ginawa pa akong clown!. “Tell, me about you Venus.” sabi nito. “Ah. Sir, ako,, po..Ahh.” sabi ko dito. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot o baka nahihiya akong sabihin sa kanya ang buhay ko. “Oo, ikaw wala naman ibang tao dito diba ikaw at ako lang, o baka may nakikita kang hindi ko nakikita.” sabi nito. Jusme! Natakot ako ng slight dun ah!. “Nako!, sir huwag ka naman manakot!” sabi ko dito at lumapit sa kanya. s**t! Ang bango niya ngayon lang kasi ako nagkaron ng kasama na ganito eh mabango at my god! Ang guwapo niya talaga!. “O sige, na nga sasabihin ko na sayo pero sana, huwag kang mandiri sa akin ha.” sabi ko dito.  “At bakit ako mandidiri may sakit kaba na nakakahawa?” tanong nito. “Wala po sir, kasi ang buhay ko walang kuwenta, nakatira ako sa Tondo, sa may Eskwater, nagaaral ako sa U.P ng  management 2nd year na ako at dalawang taon nalang gagraduate na ako. Gustong kong makatapos kaya eto kailangan ko magtrabaho para may pamasahe ako araw araw sa eskwelahan.” sabi ko dito. “Hmm. What about your parents?.” sabi nito. “Gusto niyo ba talaga malaman?.” tanong ko dito. Nagaalinlangan akong sabihin sa kanya dahil sa hiya. “Oo, tatanungin ba kita kung ayaw kong malaman” sabi nito. “Okey sige, sikreto lang naten ha, tatlo kaming magkakapatid bunso ako at ang kapatid kong panganay lalake din at pangalawa lalake din. Ang trabaho nila p****r at hindi lang yun talamak na user, kung tatanungin mo kung ano yung user eh user ng SHABU in short ADIK sila. Isama mo na rin ang Tatay ko ayun silang tatlo jamming sa gabi, jamming sa umaga session kung baga. Ang nanay ko mahjong sa umaga, tong-its sa gabi o ayan ha. Nakuwento ko na ang buhay ko sayo.” Sabi ko dito nakatingin lang ito sa akin at ngumiti. “Alam mo venus, hindi ko akalain na ganyan pala ang buhay mo, pero kahit ganun masaya ako nakilala kita.” sabi nito. Ang totoo ngayon lang ako nagkuwento sa ibang tao ng buhay ko sikreto ang lahat ng iyon. Kahit sa eskwelahan namin dahil baka mawalan ako ng scholarship dahil sa family background ko. Maya maya pa ay dumating na ang order namin. “Wow, ang dami naman nito, hehe.” ngiting aso ang itchura ko ng makita ang mga inorder na pagkain. Ngayon lang kaya ako makakakain ng ganito karami.  “Kumain kana, magpakabusog ka kailangan mo iyan.” sabi nito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nahiya ako dito. “Hala, Sir, huwag kang O.A diyan sabayan mo ako kumain, ngayon lang kasi ako kakain ng ganito karami sa amin kasi walang ganito no, kung kumakalam ang tiyan mo magtiis ka kung wala kang pambili at kung meron naman e di suwerte mo na.” sabi ko dito. “Okey sige kain na” sabi nito tinignan ko lang ito. Halata naman na mayaman ito sa itchura niya palang at sa pananamit niya. Binigyan ko ito ng pinggan nilgyan ko ng manok at hinati ko ang kanin na inorder ko. “Hmm sir, oh, hati na tyo  sa rice marami kasing ung chicken heheh.” sabi ko dito. “Thank you venus,” sabi nito at ngumiti mabilis na tapos ang gabi at malapit narin magsara ang bar na pinapasukan ko. “Venus, napasaya mo ako ngayon gabi, so paano see you later.” sabi nito at may iniabot sa akin na papel. “50,000 pesos?” nakasulat sa cheque na binigay niya. “Sir, ang laki naman po nitong bayad niyo sakin e, hindi niyo naman ako natake out.” sabi ko dito. Hala ano ung sinabi kong take out boba ka talaga venus!. “Ok lang yan kailangan mo yan, basta magkita tayo ulit mamayang gabi dito.” Sabi nito. Mabilis ko hinalikan ang pisngi nito at niyakap. “Salamat Aron, huwag mo sana isipin na inaabuso ko ang kabaitan mo, hindi ako ganun klaseng babae.” sabi ko dito. “Ihahatid na kita” sabi nito. “Ah,, sigurado kaba?” tanong ko dito. Ang totoo nagaalinlangan akong magpahatid sa kanya dahil maraming gago sa lugar namin. “Let’s GO” mariin na sabi nito. Nagmadali kaming sumakay sa kotse nito at umalis. “Hmm. Aron dito nalang ako, bibili pa kasi akong pandesal, diyan sa may bakery.” sabi ko dito at mabilis na nagpaalam dito. “Hmm are you sure okey ka na dito.” tugon nito. “Oo naman, sa kabilang kanto na ang bahay ko, magingat ka see you mamayang gabi.” pagpapalusot ko dito. Ang totoo malayo pa ang bahay namin dito inalala ko lang ang kalagayan niya. Dahil maraming gago sa lugar namin lalo pa ngayon madaling araw na. Ilang oras nalang din ang itutulog ko pero ok lang babawi nalang ako ng tulog mamaya paguwi ko galing school. Habang naglalakad ako hindi mawala sa isip ko si Aron posible kayang mainlove ang tulad niya sa tulad ko?. Hay leche ka Venus tigilan mo ang mga iniisip mong wala sa ayos minsan. “Oh, kuya Eric saan ka galing at anong oras na nandito ka pa sa labas?.”  tanong ko dito. Dahil jusko naman madaling araw na my god!. Eto ang Kuya Erik ko sabog na sabog na naman. “May pera ka ba diyan kahit 150 lang?” tanong nito. “Bakit anong gagawin mo na naman sa 150 susunugin mo na naman sa bisyo mo.” sabi ko dito. “Eto naman minsan lang ako humingi sayo, kung wala e di wala, dami mong sinasabi gagong toh!.” sabi nito.  “Oh ayan, 200 yan ipambili mo ng pagkain, huwag mong ipangshabu!.” Sagot ko dito. “Sus magbibigay ka naman pala dami mo pang sinasabi eh, sige na umuwi kana!” sabi nito. Inabutan ko ito ng tatlong pirasong pandesal. “O, ayan kumain ka muna mukha ka ng bangkay!.” sigaw ko dito. Wala na talagang hindi na magbabago ang mga ito. Kung adik ka adik ka na talaga. Sana naman kahit papano may pag-asang magbago sila. Kahit man lang para sa sarili nalang nila. “Nay, may binili akong pandesal magalmusal muna kayo, matutulog na muna ako.” sabi ko dito at pumasok na sa kuwarto. Tangina this hindi pala ito kuwarto sa panaginip ko lang pala nasa totoong kuwarto ako kurtina lang pala pagitan namin dito.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD