KAMUKAT-MUKAT ay napapatingin ako sa kisame ng k'wartong ito kung saan ay narito si Sir Rio upang tingnan ang kalagayan ko. Mabilis niya kasing nabalitaan ang nangyari sa akin kaninang umaga dahil na rin kay Aleng Gina. At laking pasasalamat ko na lang dahil doktor ang aking amo.
"Mabilis ang heart beat mo, Fyane, it's not normal," aniya dahilan para sandaling mapakunot ang noo ko.
"Sandali po, ano pong ibig mong sabihin, Sir Rio?"
"Ang sabi ko ay mabilis ang t***k ng puso mo--" Natigilan siya nang sandaling madako ang tingin niya sa mga mata ko pero agad din naman siyang nakaiwas.
"Naiintindihan ko po pero bakit po kaya mabilis ang t***k ng puso ko?"
"That's why I am asking you. So, bukod sa pagkahilo at pagsusuka, may iba ka pa bang nararamdaman?" tanong niya habang patuloy na pinag-aaralan ang pagpintig ng pulso ko.
"Parang nababahuan ako sa pabangong gamit mo, s-sir, p-pasensya na po."
"H-ha? Paanong mabaho?"
"Basta, hindi po gusto ng pang-amoy ko." Matapos kong sabihin iyon ay nanlaki ang mata niya pero pinili niya pa rin maging kalmado.
"Okay, alam ko na kung bakit ka nagkakaganiyan," wika niya na sandaling nagpataas ng isang kilay ko.
At hindi ako naging handa sa sumunod na sinabi niya, "Buntis ka. Hindi mo ba natatandaan kung kailan ka huling nakipagtalik?" tanong niya na nakapagpatigil sa akin, bagama't napapansin kong may pagbabago sa tono ng boses niya. Muli kong inalala ang nangyari noong isang buwan. At parang kailan lang dahil ang mga yakap at halik na aming pinagsaluhan ay sariwa pa rin sa aking isipan. Subalit natigil ang isiping iyon nang muli ko na namang marinig ang tinig niya, "Fyane?"
"Ah, ang natatandaan ko po ay isang buwan na nga po ang nakalilipas," medyo naiilang kong sagot. Hindi dahil sa ikinahihiya ko kundi dahil sa kakaibang tingin sa akin ni Sir Rio.
"Kung ganoon, nasa'n ang nobyo mo?"
Halos mapalunok ako sa sumunod na sinabi niya. At tila manginig ang aking kalamnan sa pagsasalita.
"Ahm, a-ang t-totoo k-kasi niyan, s-sir.. a-ahh.. a-ano k-kasi--"
"Hays. Okay lang kung ayaw mong sabihin." Mahahalata sa itsura niya ang pagkadismayado.
"H-hindi.. Dapat mong malaman, sir, na ang nobyo ko ay.. w-wala n-na.." Halos pumiyok ako sa huling dalawang salita na sinabi ko dahil masakit pa rin tanggapin ang katotohanan. "Patay na siya," pagkaklaro ko pa.
Matapos kong sabihin iyon ay agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya dahil para siyang nahabag sa sinabi ko. "I'm sorry to hear that. Pero maaari ko bang malaman kung anong nangyari sa kaniya?" Napailing ako at sa pagkakataong iyon ay pumatak na ang luhang hindi ko inaasahang lalabas sa harap pa mismo ng kapatid ng taong mahal ko.
"Namatay siya sa isang krimen," tipid at klarong sabi ko dahilan para sandaling mapakunot ang noo niya. At bago pa man siya magtanong ay nagsalita akong muli, "Ngunit huli ko nang nalaman 'yon dahil pinaniwala niya ako sa isang kamalian na inakala kong katotohanan." Lalong nagsalubong ang kilay niya. Alam kong hindi niya ako naiintindihan pero sa tingin ko ay ito na ang tamang pagkakataon para malaman niya ang totoo.
"Hindi kita maintindi--"
"Nagmahalan kami ng isang taong kailanma'y hindi na maaari pang kami'y magsama habang buhay.. Dahil isa lamang siyang kaluluwa na nagkatawang-tao upang iparanas sa akin ang tunay na pagmamahal."
"Fyane, ano bang sinasabi mo? Hindi talaga kita maintindihan."
"Hindi mo talaga maiintindihan, Sir Rio, lalo pa't ang buong pagkakaalam mo lang ay matagal siyang nakahiga at walang malay.."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Sir Rio, bago pa man ako mangamuhan dito ay nakilala ko na ang kapatid mong si Kyru at siya ay kasintahan ko.." Pumatak na naman ang luha sa aking mata.
Samantalang si Sir Rio ay hindi na nakapagsalita. Alam kong hindi kapani-paniwala ang sinabi ko at iyon ang nakikita ko sa mukha niya. Maya-maya pa'y napalingon siya sa kawalan habang napapailing. "Imposible, tanging si Jerica lamang ang minahal niya--"
"Alam ko, pero sa kabilang buhay ay ako naman ang minahal niya."
"Hindi ko maintindihan, paano kayo nagkakilala sa kabilang buhay?"
"Mahabang kuwento, sir. At hindi mo iyon maiintindihan kahit ipaliwanag ko." Napatango siya at napalingon siya ulit sa akin nang magsalita akong muli, "Kailanma'y siya lang ang tanging minahal ko. At.. ngayong nagbunga ang pagmamahalan namin kahit sa maikling panahon ay masaya na rin ako para sa kinahantungan ng kapalaran namin.."
"That's so unbelievable. Nililinlang mo lang ako. Paano m************k ang isang taong matagal na-comatose?"
Napailing ako. "Hindi kita nililinlang, sir at mas lalong hindi ako gumagawa ng kuwento. Kung makikita mo lang ang puso ko kung sinong nilalaman nito, at kung k-kaya ko lang i-ibalik ang k-kahapon.." wika ko na mas lalong nagpaiyak sa akin. Pero hinayaan niya pa rin akong makapagsalita, "Itong anak na lang namin ang natira sa kaniyang alaala, at ang nais niya lang ay mahalin niyo rin ito gaya ng pagmamahal niya para sa inyo, dahil mahal na mahal niya kayo, sir." Sa mga sandaling iyon ay tanging hikbi at boses ko lang ang nangingibabaw sa silid.
At doo'y hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Sir Rio. Niyakap niya ako dahilan para matigilan ako. Pero agad naman siyang bumitiw at nang magtama ang aming mga mata ay basa na rin ang kaniyang mata ng luha.
"Ayaw ko sanang maniwala pero nararamdaman ng puso ko ang lahat nang sinabi mo lalo na nang sabihin mong mahal na mahal niya kami pero bakit siya bumitiw? Bakit niya kami iniwan?"
"Sir Rio, hindi ka maniniwala pero ang sinabi niya sa akin noong huli kaming nagkausap ay kapalaran na niya talagang mawala sa mundo dahil nakalista na ang pangalan niya sa langit. At kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya lalo pa't magkakaanak na kami." Hindi na nag-alinlangang ipakita ni Sir Rio ang kaniyang pag-iyak sa harapan ko. At muli siyang napalingon sa akin sa sumunod na sinabi ko, "At may pinapasabi nga pala siya sa inyo ni Madam Kylein.."
"Okay, ano 'yon?"
"Na mahal na mahal niya kayo." Pagkasabi ko no'n ay agad na umihip ang isang malakas na hangin at tila bumalot sa aming katawan. Alam kong sa pagkakataong ito ay narito siya. Hindi ko man siya nakikita pero nararamdaman iyon ng aking puso.
Natigilan ako sa isiping iyon nang marinig ko ang tinig ni Sir Rio, "Ikaw, Fyane, gaano mo kamahal ang kapatid ko?"
"Higit pa sa inaakala mo, sir," sinserong sabi ko. At nakita ko naman ang kaniyang marahang paglunok.
At ilang sandali pa ay hindi ko inaasahan ang sasabihin niya, "Mapapatawad kaya ako ng kapatid ko kung ako na ang tatayong ama ng magiging anak ni'yo?" Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Maraming katanungan ang sumagi sa isip ko.
"Ano pong ibig mong sabihin, Sir--" Natigilan ako nang hawakan niya ang palad ko at inilagay iyon sa baba niya dahilan para magpantay ang tingin namin.
"Dahil gusto kita, Fyane, gustong-gusto kita." Bakit nang sabihin niya iyon ay may isang tao akong naalala? At aminin ko man o hindi ay walang iba kundi si Kyru..
Dahil iyan ang mga salitang snabi niya sa akin nang magtapat siya sa akin sa kabundukan ng Floresca.
Pero hindi kaya ang unfair naman para sa kaniya kung hindi ako magpapakatotoo?
Napailing ako at napaiwas ng tingin.
"Fyane, bakit?"
"Mali ang kagustuhan mo, Sir Rio at kahit bali-baliktarin man natin ang mundo.. ang puso ko'y nakalaan lang para kay Kyru.." Doon ay agad na lumungkot ang mukha niya. Sa isip ay hindi ko naman sinasadyang masaktan siya at hindi ko lubos akalain na magugustuhan niya ako.
"Patawad, Sir--"
"No. Hindi mo kasalanan, alam ko, masakit ang katotohanang hindi mo ako magugustuhan kahit kailan pero mas masakit pala 'yung malaman mo ang katotohanan na kahit kailan ay hindi ako magkakaroon ng puwang sa puso mo. At ang pinakamasakit pa ay ang malaman ko na ang tanging karibal ko ay ang kapatid ko. Kapatid na inakala kong walang kamalay-malay.." Nang sabihin niya ang mga salitang iyon ay sapat ng dahilan para malaman kong malinaw na sa kaniya ang lahat.
Doo'y umihip ang isang malakas na hangin at kapagkuwa'y dinama namin ang sandaling iyon nang may ngiti sa mga labi.