Chapter 5

1606 Words
Ilang araw pa ang lumipas at mas lalo kaming napalapit ni Kyru sa isa't isa. Mas nakilala namin ang bawat isa habang palihim pa rin akong nakikipagkita sa kaniya. Malapit nang matapos ang bakasyon at malapit na rin bumalik ng Maynila ang aking pinsan na si Fritzy. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil kung hindi lang sa hirap ng buhay, katulad niya ay nakakapag-aral din sana ako ng kolehiyo. Gaya nang nakasanayan ay tahimik kong pinagmamasdan ang pagbuhos ng tubig na nagmumula sa ilog, hindi ko alam pero parang gusto ko na ring sumubok na makipagsapalaran sa Maynila. Ayokong maging ganito na lang ako habang buhay. Pero bigla kong naisip si Kyru. At ilang saglit pa ay naagaw ang atensyon ko nang maramdamang parang may nagmamasid sa akin. Sinundan ko ng tingin ang nakita ko sa may likod ng puno ng saging. At muntikan na akong mapatalon sa tuwa nang malamang si Kyru pala iyon. Mabuti na lang at wala sina Amang at Inang, si Fritzy naman ay namasyal sa karatig-bayan. Hindi na ako sumama dahil ayaw kong malayo sa lugar na ito. Sa katunayan ay araw-araw akong umaasa na magkikita ulit kami ni Kyru kahit palihim lang. Hindi ko man maintindihan ang kaniyang dahilan kung bakit ayaw niyang magpakilala sa aking magulang ay inunawa ko na lang, ang mahalaga sa akin ay ang paniwalaan ang sinabi niyang, "Totoo siya sa akin." Magkahawak kamay kaming tinahak ang daan patungo sa kagubatan, subalit nakakailang hakbang pa lamang kami nang makarinig kami ng kaluskos ng dahon na siyang nakapagpalingon sa amin. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang baboy ramo na handa kaming sugurin. Pero nabigla ako nang ilabas ni Kyru ang sandata niya na pana at agad akong hinarangan dahilan para mapayakap ako sa likuran niya. "Huwag kang matakot, nandito lang ako." Animo'y nagdulot naman iyon ng kapayapaan sa aking damdamin. Napahanga ako sa sumunod na ginawa niya dahil bago pa man makaatake sa amin ang baboy ramo ay pinagtatadtad na niya ito ng pana na naging sanhi nang pagkamatay nito. Doo'y napaharap siya sa akin at ikinulong ako sa kaniyang mga bisig. "Ligtas na tayo," nakangiti niyang tugon at ginantihan ko naman iyon ng matamis na ngiti. Gaya ng dati ay tumambay kami sa paborito naming tambayan. Nagk'wentuhan at tinuruan niya akong kumanta. Hanggang sa abutin na kami ng hapon at takipsilim. "Kailangan ko nang umuwi, tiyak na hinahanap na ako nina Amang at Inang," pagpapaalam ko kaya agad namang nawala ang ngiti sa kaniyang labi. "Nakakalungkot man isipin pero hindi kita hahadlangan, Fyane." Napatango ako at tipid na ngumiti. Tatalikod na sana ako pero parang may nakalimutan akong sabihin para mapawi ang lungkot sa kaniyang mata. "Bukas na lang ulit," dagdag ko pa at nagtagumpay ako dahil napangiti siya. "Aasahan kita, mag-iingat ka, mahal ko." Natigilan ako sa huling dalawang salitang sinabi niya. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. "Mahal kita Fyane," wika pa niya dahilan para mas lalong bumilis ang t***k ng puso. Para bang ayaw ko nang matapos ang mga oras na 'to. Napapikit siya dulot ng kahihiyan dahil wala siyang narinig na sagot mula sa akin. Pero nang maaninag kong muli ang unti-unting pagdilim ng kalangitan ay nagpasya na talaga akong umalis. "Kailangan ko nang umalis--" "Hindi kita hahayaang umalis hangga't hindi mo pa sinasagot ang sinabi ko." Napalunok ako ng ilang ulit at natigilan nang hawakan niya ang mukha ko at sinabi, "Alam kong mahal mo rin ako Fyane, iyon lang ang nais kong marinig mula sa'yo." "Kyru.." Napataas naman ang kilay niya at tila naghihintay ng susunod kong sasabihin. "Mahal kita pero--" Natigilan ako nang unahan na niya ako sa pagsasalita. "'Yan lang ang nais kong marinig mula sa'yo, Fyane. Ayokong makarinig ng 'pero' dahil sa tingin ko ay masasaktan lang ako. Tama na sa akin 'yung marinig ang salitang mahal mo ako na walang 'pero'," sambit niya na nakapagpabuntong hininga sa akin. Walang kahit na anong salita ang lumabas sa aking bibig kaya napapikit siya at hinawakan ang isa kong braso. "Lumalalim na ang gabi, mabuti pang ihatid na kita sa inyo." Napangiti naman ako sa ideya niya. "Teka, ibig sabihin-- magpapakilala ka na kila Amang?" umaasang tanong ko pero agad naman siyang napailing at kasabay niyon ang malalim na pagbuntong hininga. Nakarating nga kami ng bahay at kagaya nga nang naging reaksyon niya kanina sa tanong ko ay mabilis siyang nawala nang maihatid niya ako sa aming tahanan. Samantala'y hindi ako nakaligtas sa malakas na sermon ni Inang. Kaya naman pilit siyang pinipigilan ni Amang, habang si Fritzy ay kakaiba lang ang tingin sa akin. Napaiyak ako sa masasakit na salita na sinabi sa akin ni Inang. Inaasahan ko naman na iyon dahil noon pa man ay grabe na ang galit niya kapag hindi niya ako nadadatnan sa bahay lalo na kapag dumidilim na. Hindi ko na nagawang maghapunan dahil nawalan ako ng ganang kumain dulot nang panenermon ni Inang. Kaya naman maaga akong pumasok ng kuwarto at inisip ang mga nangyari kanina. Sandali akong napangiti dahil kahit papaano pala ay nakagagaan ng loob ang pakiramdam ng isang taong nagmamahal. Animo'y dahan-dahang nawawala ang sakit sa kalooban mo at nagagawa nitong makapagpangiti ng isang tao. Hindi ko pa rin lubos maisip na inamin ko kay Kyru na mahal ko rin siya! Napalingon ako sa biglaang boses na nakapagpabalik sa akin sa realidad. "Kakaiba ang ngiti mo, pinsan, mukhang may nagpapangiti na sa'yo?" tugon niya at doo'y nakangiti siyang tumabi sa akin. "Hindi ko alam, pinsan pero-- ngayon lang ako nakadama ng ganito. Tipong buo na ang araw ko kapag nakikita ko siya at nakakasama. Ah-- basta kakaiba, e." Sa sinabi kong iyon ay napakunot ang noo niya. "Sandali, ang daya mo, pinsan," wika niya kaya napakunot ang noo ko. "Uuwi na lang ako ay hindi mo pa ipinapakilala sa akin ang lalaking tinutukoy mo.. e, sino ba iyon?" Bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung dapat ba niyang makilala si Kyru.. O kung dapat lang na manatiling sikreto ang kaniyang katauhan sa akin.. "Ah! Ganito kasi 'yon. Nasa m-malayo kasi 'yung t-tirahan nila kaya.. bihira lang kami kung magkita.. a-at kung magkita man kami ay hinihiling niyang kaming dalawa lang," nauutal kong sabi. Hindi ko alam kung papasa ba ang palusot ko pero-- bahala na! "Ganoon ba? Bakit kaya? Pangit ba siya kaya ayaw niyang magpakita sa iba?" Nangibabaw ang mahinang pagtawa ko sa itinanong niya at bahagyang sumeryoso ang mukha ko bago pa man sagutin ang tanong niya. "Pinsan, hindi naman ako magkakagusto sa kaniya kung ganoon ang itsura niya, isa pa, hindi ko siya nagustuhan dahil lang sa itsura niya kundi dahil siya ay siya." Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "O, siya, tama na nga ang usapang ito. Inaantok na ako, e. Basta, makikilala mo rin siya balang araw," nakangiti ko pang sabi at saka humiga na ako sa papag namin. Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang humiga na rin. Kinabukasan, limang araw bago ang pagbalik ni Fritzy sa Maynila ay magkasama kaming namasyal ni Mikee sa likod ng bakuran namin. Masayang namumukadkad ang mga bulaklak dahil summer na habang ang mga paru-paro ay masaya rin na nagliliparan na animo'y nasa paraiso. Habang pinagmamasdan ko iyon ay hindi maiwasang sumagi sa isipan ko ang unang beses na nagkakilala kami ni Kyru. Sa maikling panahon ay napamahal na ako sa kaniya, na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ko alam na umiibig na pala ako sa kaniya. Naisipan kong pumitas ng gumamela at inilagay iyon sa likod ng tainga ko pero hindi ko inaasahan ang boses na bubungad sa akin, "Maganda ka na, pero mas lalo ka pang gumanda sa paningin ko nang dahil sa bulaklak." Kinurap-kurap ko pa ang mata ko dahil akala ko ay namamalikmata lang ako na nasa harapan ko siya ngayon pero tila nasampal ako ng katotohanan nang marahan niyang pinisil ang pisngi ko. Madalas niya talaga akong gulatin, e! Sumilay pa ang ngiti sa aking labi nang ayusin niya ang pagkakalagay ng gumamela sa likod ng tainga ko. "A-anong ginagawa mo rito? Baka makita ka nila Inang." Lumapad ang ngiti niya kaya mas lalo akong kinabahan. "Anong silbi ng paboritong lugar natin?" sabi niya at napangiti naman ako sa kaniyang suhestyon. Pero agad naman na kumalam ang tiyan ko. At siguro'y narinig niya iyon kung kaya pasimple siyang natawa. "O, bakit natatawa ka?" "Hindi ah!" pagsisinungaling niya. Pero sandali siyang natigilan nang siya'y batukan ko at mas lumakas ang tawa niya dahilan para habulin ko siya. Subalit nasa ganoong posisyon kami nang marinig ko ang boses ni Inang. "Fyane, anak? Sinong kausap mo riyan?" Bahagya kaming nataranta at natigilang dalawa ni Kyru at nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Dahil pinasan niya ako at mabilis na tumakbo habang hawak-hawak ko si Mikee. Mabilis ang pangyayari at hindi ko namalayan na nakarating na kami ng kagubatan. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magk'wentuhan, maghabulan at mag-asaran. Bawat segundong kasama namin ang isa't isa ay tila hindi nasasayang dahil sa sayang nadarama. Lumipas pa ang dalawang araw at naging magkasintahan na kami ni Kyru. Bawat segundo, minuto at oras na kasama ko siya ay parati niyang pinapadama sa akin na mahal niya ako. Subalit ang bawat kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan. Dahil nagpasya si Inang na sumama raw ako sa pinsan kong si Fritzy upang maghanap ng trabaho sa Maynila nang matuto raw akong magbanat ng buto. Isang desisyon ni Inang na sadyang nagpaguho ng mundo ko. Paano ko sasabihin kay Kyru na kailangan kong umalis? Mapapatawad niya kaya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD