Chapter 6

1462 Words
Note: RATED SPG. Mabilis ang araw na hinihiling kong huwag na munang matapos ang bawat araw na lumilipas, subalit sadyang ayaw umayon sa akin ng tadhana dahil ngayon na ang huling araw na masisilayan ko ang ganda ng kalikasan dito sa kabundukan. Hindi ko alam kung kailan muli ako makakatapak sa lugar na ito pero nasisiguro ko na magkakaroon ako ng maayos na buhay sa Maynila. Gayunpaman ay nais kong makapagtapos ng pag-aaral sa kursong ninanais ko na Psychology. Magkasama kaming namasyal ng pinsan ko kasama si Mikee na aking alaga sa pinagsasakahan ni Amang. Malawak iyon at kapansin-pansin ang tirik ng araw na tumatama sa aming mga balat. Mula sa hindi kalayuan ay natanaw namin si Amang na punung-puno na ng pawis ang kaniyang mukha dahil na rin sa matinding init na dulot ng sikat ng araw. Kaya mas nagkaroon ako ng determinasyon na makapagtrabaho sa Maynila dahil sadyang mahirap talagang maghanap-buhay dito sa probinsya para lang makakain. "Amang!" "Tiyong!" Sabay naming pagtawag ni Fritzy. Napalingon naman sa amin si Amang at unti-unting lumapit. "Anong ginagawa ninyo rito? Sobrang init dito, baka mangitim ang pinsan mo." "Okay lang po iyon, Tiyong. Ah, siya nga po pala dinalhan ka po namin ng maiinom," sabi ng pinsan ko at saka inabot ang isang bote ng tubig na kinuha pa namin sa poso. "Salamat, hija," pagpapasalamat ni Amang at saka nabaling ang tingin niya sa akin. Doon ko lang napuna ang kaniyang balat na medyo kulubot na. "Oh, Fyane, mamasyal na muna kayo ng pinsan mo roon sa karatig-bayan dahil bukas na ang alis ninyo." Napangiti naman si Fritzy sa suhestyon ni Amang. Samantala'y napangiti rin si Amang bago pa namin siya talikuran. Subalit nakakailang hakbang pa lamang kami nang marinig namin ang pagtawag niya sa akin, "Anak!" Pagkalingon ko ay unti-unti nang bumabagsak si Amang sa lupa. "Amang!" Kaya napatakbo ako at maging si Fritzy habang inilapag ko na muna si Mikee upang alalayan ko si Amang sa pagtayo. Tirik man ang araw ay hindi ko na iyon ininda. Tinulungan naman ako ng pinsan ko na tuluyang maitayo si Amang upang mai-akay sa pag-uwi ng bahay. Nanghihina pa rin si Amang nang dalhin namin siya sa bahay. "Diyos ko! Anong nangyari sa Amang mo?" nag-aalang tugon ni Inang. "Bigla na lang po siyang natumba, Inang." "Naku." Hinipo niya ang noo ni Amang at napabulalas si Inang nang malamang mataas ang lagnat nito. "Kay taas pala ng lagnat mo tapos nagbilad ka pa sa araw. Mabuti pa at magpahinga ka na muna riyan," wika pa ni Inang. Napatango naman si Amang at napabuntong-hininga na lang kami ni Fritzy. Umaasa kaming magiging maayos din ang kalagayan niya. Kinahapunan ay naging maayos na rin ang kalagayan ni Amang. Katatapos lang namin magmeryenda kaya agad kong naisip na puntahan si Kyru. Ngayon na lang kasi ang huling araw para makausap ko siya at makapagpaalam. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kaniya. Pero kung magpapaalam man ako ay mapapatawad niya kaya ako? May babalikan pa kaya ako? At para na rin payagan akong makagala nina Amang at Inang ay naisipan kong isama ang aking pinsan. At kahit ayaw pa sana akong samahan ni Fritzy na magtungo dahil sa takot niya sa kagubatan ay nakumbinsi ko rin siya na samahan ako. "Sigurado ka bang nandito siya?" paniniguro niya nang makarating kami sa kagubatan. "Oo, pinsan, ngayon ay nais kong makilala mo siya." "Pero mukhang mapanganib sa lugar na ito, pinsan, baka p'wedeng sa susunod na lang? O baka p'wedeng makipagkita ka sa kaniya kapag nasa Maynila na tayo." Agad akong napangiti sa isiping iyon. Naisip ko na kung doon ay magiging malaya kami na makapagkita ni Kyru. Ilang sandali pa ay naputol ang isiping iyon nang magsalita siyang muli, "Doon na lang muna ako sa may labasan. Hihintayin na lang kita roon, magpapaalam ka lang naman sa kaniya, 'di ba?" Dahan-dahan akong napatango at nagkasundo nga kami na hihintayin niya ako sa may labasan. Nakakatuwa ang suportang ipinaparamdam sa akin ni Fritzy kung kaya't labis ko iyong pinasasalamatan. Pagkarating ko sa aming tagpuan ay hindi nga ako nabigo na makita siya. Naroon siya at nakatalikod, at animo'y pinakiraramdaman niya ang pagdating ko. "Kanina pa kita hinihintay." Natigilan ako sa sinabi niya lalo na nang bigla niya akong hinarap. Dahilan para lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Paano ba ako magsisimula? Napalunok ako ng ilang beses bago niya pa man ako salubungin ng yakap. At sa tuwina ay hindi ko inaasahan ang kaniyang sasabihin, "Ma-mimiss kita." Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon sa gitna ng yakap namin. Nang mapabitiw ako sa yakap na iyon at hinarap siya ay doon lang ako nagsalita, "A-alam mo?" Bahagya siyang napangiti. "Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-usapan ni'yo ng kasama mo kanina," sabi niya saka siya mabilis na umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Narinig niya nga.. Paano ba ako magpapaliwanag? "Patawarin mo ako, Kyru.. Kinakailangan ko lang na magtrabaho sa Maynila upang makapag-ipon at makapag-aral sa kolehiyo.." pagpapaliwanag ko. At doo'y napansin ko ang pagiging seryoso ng mukha niya. "Iiwan mo talaga ako?" Napailing ako at saka mabilis na sumagot, "Hindi naman kita iiwan, e, maaaring magkakalayo lang tayo pero p'wede naman tayong magkita sa Maynila, 'di ba?" May pag-asa sa tonong sabi ko pero natigilan ako nang mapailing siya. "Dito lang ako. Hihintayin kita." "Pero, Kyru-- h-hindi ko alam kung kailan muli akong makakabalik dito," naluluha kong sabi at napalunok ako nang titigan niya ako sa mata. "Panghahawakan ko ang pangako ko, ewan ko lang sa'yo." Pagkasabi niya no'n ay bahagya siyang tumagilid kung saan ay kalahating bahagi lamang ng mukha niya ang nakikita ko. At dahil sa sinabi niyang iyon ay nagkaroon ako ng lakas upang yakapin siya. Nabigla man siya pero hinayaan niya lang ako na gawin ko iyon. "Babalik ako kagaya nang ipinangako ko, basta sabihin mo sa akin na may babalikan ako," sabi ko sa gitna ng yakap na iyon. At nang magsalubong muli ang paningin namin ay hindi na kami nagdalawang-isip na tuluyang maglapat ang aming mga labi. At sa gitna ng kagubatan na iyon ay nasaksihan ng mga insekto at hayop ang aming pagmamahalan. "Paalam, Kyru, hanggang sa muli," sambit kong muli nang ipagdikit niya ang noo namin. "Paalam, Fyane." Doon ko napansin ang pagpatak ng luha sa kaniyang mata. At ilang saglit pa ay nagsalita siyang muli, "Mahal kita, Fyane." Bumilis ang t***k ng puso ko kasabay nang pagluha matapos niyang sabihin iyon. Ipinagdikit ko ang mga palad namin at sinabi sa harap niya ang mga katagang, "Mahal din kita, Kyru." At bago pa man kami tuluyang maghiwalay ng kamay ay agad niya muli akong hinila papalapit sa kaniya dahilan para matumba ako at mapahiga sa lupa. Kaya naman hindi inaasahang madadamay siya ng aking pagkakatumba kung kaya't pumaibabaw siya sa akin. Ang bawat paghinga niya ay malaya kong naririnig maging ang halimuyak na hatid niyon at tila nagdudulot ng kahinaan sa aking kabuuan. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang labi sa akin at napapikit ako sa sensasyong dulot niyon. Nagawa niya muli akong halikan sa gitna ng kagubatan at saksi ang mga ibon at ilang insekto sa mainit na pagmamahalan namin. Habang tumatagal ang halik na iyon ay mas lumalalim at nagiging mapusok. Hanggang sa unti-unting naglakbay ang aming katawan patungo sa bato na paborito naming tambayan. Dahan-dahan niya akong inihiga roon at bago pa man niya ako halikan ay nagsalita siya, "Nais kong magkaroon ng kasiguraduhan na babalikan mo ako, mahal ko." Hindi na ako nakasagot pa dahil muli niyang inangkin ang labi ko at ewan ko ba kung bakit hinayaan kong gawin niya iyon, hanggang sa makarating ang kaniyang kamay sa iba't ibang parte ng katawan ko, maging sa maselang bahagi nito. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking kabuuan at parang nagugustuhan ko iyon. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili namin na wala na kaming kasuotan habang unti-unti na niyang inaangkin ang aking p********e. "Mahal na mahal kita, Fyane," sambit niya nang matapos niya akong angkinin. Nang makapagdamit ako at makaupo ay naramdaman ko ang kirot na idinulot niyon pero bahagya akong napangiti sa katotohanang iyon. Pero napabalikwas ako sa pagtayo nang maalalang naghihintay sa akin ang aking pinsan, kaya kahit ayaw ko pa sana na iwanan si Kyru ay nagpasya na akong umuwi. Inihatid niya ako malapit sa labasan at bago pa man kami tuluyang maghiwalay ay niyakap niya akong muli. Agad din kaming bumitiw at hinarap niya ako habang hawak-hawak ang mukha ko habang sinasabi, "Palagi mong tatandaan na totoo ako sa'yo, mahal na mahal kita." "Mahal na mahal din kita, Kyru. Paalam." "Paalam," ganting sagot niya. Nilingon ko siyang muli bago pa man ako tuluyang umalis at napansin ko ang pagpatak ng luha sa kaniyang mata. Paalam, Kyru.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD