PROLOGUE

414 Words
"Your the most beautiful girl I've ever seen Alex. You're the apple of my eye, ikaw ang tanging babaeng nakikita at gusto kong kasama ko hanggang sa aking pag tanda." Nakangiting turan nito sa akin dahilan para mapangiti ako nang malawak. "Will you marry me? Can you make me the luckiest guy for saying yes, baby?" sinserong tanong nito. Namula naman ang aking pisngi dahil sa kilig na nararamdaman at bahagyang yumuko para itago ito. "Y-yes baby, yes na yes." Napatalon ito at dahil sa saya at akmang hahalikan na sana niya ako ng biglang... "Pwe! Ano ba ito? Umuulan ba? Ang lamig naman." Sabay punas ko sa aking mukha dahil sa likidong iwinasik sa akin. "Mama naman eh! Nandoon na ako, hahalikan na sana ako ni Dj huhu." Reklamo ko kay mama. "First day of school mo anak, sana naman kahit ngayon lang hindi ka mahuli sa klase tapos panguso-nguso ka pa diyan na parang pato." "Sayang kasi mama eh, hahalikan na sana ako ni Dj." Sayang naman kasi talaga eh kahit sa panaginip lang maging akin muna si papa Dj, kahit sa panaginip lang maagaw ko muna siya kay mommy Kathryn. "Anong oras na anak, maligo kana at kanina pa nakahanda ang almusal sa baba, buti sana kung may award ang palaging late at baka i-cheer pa kita." Utos ni mama at saka na lumabas sa kwarto ko. Pinilit kong matulog ulit para ituloy ang masaya at masarap na panaginip ko pero hindi na sumang-ayon ang utak ko. Nakakainis naman hmpk. Napilitan akong maligo na dahil napagtanto ko ring tama si mama. Dapat dahil new school ko na naman ito ay dapat mag bagong buhay na ako. Dapat hindi na ako maging si Ms. Late. Jusko! Sawang sawa na ako sa tawag na iyon sa akin huhuness. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong bumaba para sumabay kay mama na kumain ng almusal. Hindi na ako sumabay kay mama paalis dahil alam ko naman kung saan ang bago kong school at ayaw ko na siyang maabala dahil may importante pa siyang pupuntahan. Bago ako umalis ay pinakain ko muna ang aso kong si cheesecake at opuff, ang dalawa kong baby hehe. "Sana maging maganda ang araw na ito para sa akin, pleaseee." Turan ko sabay pikit pa. Pumunta na ako sa paradahan ng trycicle at nag hintay ng masasakyan. Feeling ko talaga magiging maganda ang experience ko sa bago kong school at sana dito na talaga kami tumira ni mama. Nakakapagod din kasing lumipat ng lumipat ng matitirhan at ng school, aish.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD