CHAPTER 01

1144 Words
Palacio De Campus “Para na po kuya dito na po ako,” malakas kong sambit kay manong trycicle driver. “Ay pasensya na miss, nasobrahan ng konti,” sambit nito na dahilan upang ngitian ko na lang ito. Eh paano ba naman kasing hindi so sobra? Eh ilang beses ko nang kinalabit hindi pa rin huminto, manhid lang kuya? At paano niya din ako maririnig eh ang lakas ng tugtugan ng radyo niyang barag. Inhale. Exhale. Ayieee mukhang hindi ako ma l-late ngayon ah! Omfg isa itong himala, Pft. “Palacio De Campus,“ sambit ko nang makatapat ako sa napakalaking gate ng bago kong eskwelahan. Uwaaa pak na pak pangalan pa lang ng new school ko ganern na ganern na! “Good morning po, ma’am.” Nakangiti akong binati ng School Guard dahilan para mapangiti ako nang napakalawak. Omooo! Gusto ko na agad dito sa bago kong school, hindi feeling principal yung guard e’ at infairness kahit nasa mga 40+ na ata si kuya mahahalata mo pa ring magandang lalaki! Abot-tenga ang ngiti ko habang inililibot ko ang paningin ko dito sa napakalawak na paaralan na ‘to. Eskwelahan ba ito ng mga artista? Eskwelahan ba ito ng mga banyaga? Eskwelahan ba ito ng diwata? Waaaah. Saka, ngayon ko lang nalaman na may ganito kagandang school pala. Pagkatapos kong pagmasdan ang bago kong paaralan ay agad na akong pumunta sa kung saan nakapaskil ang pangalan ko at kung saan ang room pati na rin ang mga schedule ng klase ko. Nakita ko kaagad ang nagkukumpulang mga estudyante sa isang parte ng hallway dahil baka naroon nakapaskil ang mga hinahanap ko. Nakipagsiksikan ako, syempre! Ayaw kong ma-late noh. “Aray,” pagiinda ko. Paano ba naman kasi, inapak-apakan ng kung sinong siraulong abnormal ang paa ko at mukhang nadali pa ang ingrown ko hmpk. Nang makapunta ako sa harapan ay wala naman akong nakitang board na maaaring mapagpaskilan ng mga schedule. "Huh? So ano ang pinagkakaguluhan nila dito? May naaksidente kaya?” tanong ko sa aking isipan. May nakita naman akong tatlong lalaki na nakasuot ng school uniform dito, syempre school ito eh edi naka school uniform sila Alexis jusko naman haha, pero infairness maski uniform ng boys ang cool pang international. Nakakunot-noo ako nang biglang mag tama ang mata ko at mata ng isa sa tatlong lalaki na nasa harapan. Matalim niya akong tinignan na dahilan para mapalunok ako. Papatayin ba ako nito sa titig? Hindi naman ako kriminal o pulubi eh. Agad na akong umalis doon at hinanap na ang classroom ko. “Hayst sa wakas!” Saad ko sa sarili nang makita ang room number ko, mukhang wala pa ang aming professor. Buti naman kung ganoon. Marami na rin ang estudyanteng narito, agad naman akong humagilap ng bakanteng upuan at ng makakita ako ay mabilis akong umupo roon. Tahimik akong nakaupo nang may biglang lumapit sa akin na chinitang babae, koreana ba ito? Parang Chinese pero pwede ding Japanese o baka singkit lang talaga. “Hi, Good morning!” masayang bati nito sa akin. “H-hello, Good morning too?” nahihiya kong bati rito at saka ngumiti. “My name is Chelsea Chung, ikaw? Ano pangalan mo?” tanong nito sa’kin. “Ahm ako nga pala si Alexis Buevera pero you can call me Alex para mas maikli at hindi ka mahirapan hehe,” sagot ko naman dito. “Nice to meet you Alex, transfer ka dito no’?” “Oo eh, ikaw?” “Matagal na akong estudyante dito. Friends?” sabay abot nito sa kaniyang kamay. “Oo naman friends!” masaya kong sagot dito at saka iniabot ang kaniyang kamay at nakipag dalum-palad. Maya-maya pa ay dumating na ang aming guro. Buong klase nito ay nakangiti ako. Feeling ko talaga this is my lucky day! Napakagandang school tapos may kaibigan na agad ako. Tumunog na ang bell at hudyat na ito na kailangan na naming lumipat ng room para sa susunod na subject. Napangiti naman ako ng makita ko si Chelsea na kumakaway-kaway at tinatawag ako papunta sa kaniyang upuan. “Magkaklase pala ulit tayo yieee,” tuwang-tuwa nitong sambit. Akmang sasagot na sana ako sa kaniya ng biglang may mga dumating na talaga namang ang ingay akala mo nasa palengke. “Omg girl, for sure pag nakita ka ni Ethan with your new look now baka magmakaawa pa sa’yo yun to be his girlfriend!” Saad ng isa sa tatlong babaeng dumating na may maikling buhok. “Oo nga beh, sure na sure na kami diyan. Wait nagkita na ba kayo?” tanong naman ng isa pa sa kanila. Kulot naman ang buhok nito. “Syempre hindi pa kami nagkita, baka mamaya sa cafeteria.” Maarteng sagot naman ng tila ba leader sa kanila. May katangkaran at aakalahin mo talagang isang model. Edi wow! Sana all. Siguro dahil first day nga kaya dalawang magkasunod na subject ang wala kaming masyadong ginawa. As usual nag introduce yourself lang. Siguro kung hindi ko kasama dito si Chelsea baka kanina pa ako nabagot, may kaniya-kaniya na kasing grupo ang mga nakikita ko rito at ang iba’y akala mo naman nasa isang auction dahil nagpapayabangan at nagpapataasan ng mga presyo sa kanilang mga gamit. Bumili lang ata sila ng mga walang kwenta at mamahalin na gamit para lang may maipagyabang, seriously? Ganon ba talaga mga estudyante dito? Pero hindi naman ganoon si Chelsea. Bahala na nga, it’s none of my business anyway. Ilang sandali pa ay tumunog ng muli ang bell at ito’y hudyat na break time na namin. What? Break time? Sinong mag b-break eh wala naman akong boyfie huhu, charot! “Alex, sabay na tayong pumunta sa cafeteria at kumain.” Turan naman ni Chelsea habang isinusuot ko ang aking bag na may kalakihan. Wala lang trip ko lang, mas komportable kasi ako kapag malaki ang bag ko mas maraming makakarga. “Oh sige sige Chel, tutal hindi ko pa naman ganoong kabisado itong campus, saka wala naman akong ibang kasabay.” Sagot ko rito. “Dalian natin Alex para maabutan natin sila baby Ethan, Tristan at Harvey.” Sabay hila nito sa kamay ko. Ano daw? Sino daw? Artista ba 'yon? Saka ano bang pake ko sa mga iyon eh hindi naman sila si dj duh? Sa sobrang bilis maglakad ni Chelsea ay halos makaladkad na niya ako. Maya-maya pa ay biglang... “s**t! Are you f*****g blind b***h!!!?” galit na turan ng babae sa harapan ko sa kadahilanang nasagi ko siya. Ang oa naman nito eh nasagi lang naman siya at hindi ko naman sinasadya isa pa siya yung nakaharang sa daan eh. Sa iyo ba itong school beh? Sa iyo ba? Tinawag pa akong b***h. Excuse me kung b***h ako eh di sana hindi ako No Boyfriend Since Birth hanggang ngayon duh. “S-sorry,” paghingi ko nang pasensya. “Sorry? May magagawa ba 'yang sorry mo eh naidikit mo na yang napakapangit mong kutis?” taas kilay nitong sagot. Wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. Isa pang lait nito sa akin, tumba itong maarteng ‘to. “Sorry miss ah, pero nagmamadali kasi yung kaibigan ko. Sorry ulit. Bye.” Saka na siya iniwan dahil totoo namang nagmamadali na si Chelsea halos maputol na nga kamay ko sa kakahila niya eh, kaloka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD