Alexis as detective
"Beshy! A-a-ano n-namang n-naisipan mo ha? G-gusto mo n-na ba t-talaga m-m-mamatay? Ako ata ang hihimatayin dahil sa ginagawa mo." Habol hininga akong sinalubong ni Chelsea at saka kinuha ang mga dala kong pagkain. Akala ko naman kung hihimatayin na ang kaibigan kong ito. Kalerki.
"Kalma beshy! Akala ko naman kung may hika kana at kulang nalang ay mangisay kana diyan." turan ko naman dito.
"Eh paano ba naman kasi, ayan tignan mo iyan. Grabe ang mga tingin sa iyo ng mga fangirls ni Ethan pati na rin siya." Halos lumuwa na ang mata nito habang sinasabi ang mga salitang iyon at nginuso pa niya ang kinaroroonan ni Ethan.
"Naku beshy, hayaan mo sila dahil wala akong paki at saka kapag pinakita mong natatakot ka ay siguradong mas lalo nilang aapihin ka." Pagkatapos kong banggitin ang mga salitang ito ay nakita ko ang mangha at pag sang-ayon ni Chelsea at napapalakpak pa ito ng bahagya.
"Oh dalian na natin bestfriend kong ching chang at baka mahuli pa tayo at makalbo na ng tuluyan si Sir Bulate."
"Pft oo na po beshy kong pader at isa pa.... Sir Bulato hindi Bulate, beshy. Bahala ka diyan baka may makarinig sa iyo at mabugahan tayo ng apoy ng wala sa oras hahaha." Nagtawanan naman kami ni Chelsea dahil dito at inenjoy na ang pagkain namin.
Hays... Buti nalang nandito si Chelsea kundi baka sumabog na ako dito dahil sa naging bangayan namin ng Ethan Carson na 'yon.
Buong klase ni Sir Bulato ay naglalakbay ang isip ko. Aish, napakalaking sagabal sa akin ng Ethan unggoy na iyon. Dahil sa kaniya hindi ako makapag concentrate tapos nasa likod pa namin siya at ramdam kong masama na naman itong nakatitig sa akin pati na rin si Valerie na nasa harapan. Front and back nakaka-stress mga sissy.
Gosh! Mas nakaka-stress pa sila kaysa sa mga itinuturo ni Sir Bulato na hindi ko naman din maintindihan.
"Okay student, class dismissed." Malawak naman akong napangiti nang marinig ang mga salitang iyon na galing kay Sir. Parang musika ang mga ito sa aking tainga eh.
"Good bye, Sir." Pagpapa-alam namin rito at sa isang iglap lang ay... Ang silid na akala mo ay silid aklatan sa sobrang tahimik ay bigla nalang tila naging palengke sa ingay at ang iba ay akala mong mga baliw na nakawala sa Mental Hospital at mga presyo na nakatakas sa kulungan. That's the power of classed dismissal by Sir Bulate. Yes naman!
Hinayaan muna namin ni Chelsea na makalabas ang aming mga kaklase bago kami lumabas.
Nang makitang kaunti nalang ang narito sa aming silid ay agad kong hinila ang kamay ni Chelsea upang makalabas dahil baka maabutan at bwesitin na naman ako ng unggoy na si Ethan.
Buti sana kung wala siya at si Harvey lang ang naroon, kapag ganoon ay baka magpahuli pa ako sa aming silid para lang makasabay siya lumabas at pumunta sa susunod naming klase hekhek.
Opxsz oh Alexis ha, nabubuhay na ang ka keringkingan mo jusko ka.
Sa sobrang pagmamadali ko at paghila ko ay natapilok si Chelsea at nabangga siya kay Tristan.
Halaaaaa! Alexis kasi eh.
Nakita ko namang nagkatitigan ang dalawa habang ang kanilang pwesto ay tila isang prinsesa at prinsipe na sumasayaw sa isang engradeng okasyon.
At nasa pwesto na sila kung saan bahagyang ibinaba ng prinsipe ang prinsesa habang ang mga kamay nito ay nakahawak sa beywang ng prinsesa at ang prinsesa naman ay nakahawak sa balikat ng prinsipe at nagbabadya na silang iparamdam ang taimtim nilang pagmamahal sa isa't isa sa pamamagitan ng romantikong halik.
Omygosh yieee kinikilig ako sa kanila waaaaah.
"S-sorry." Agad na umayos si Chelsea at napayuko saka humingi ng pasensya kay Trista.
Awww sayang naman, akala ko mag k-kiss na sila eh hmpk.
Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Chelsea pati na rin si Tristan at iniwasan ang tingin ng bawat isa.
Ayun oh!
Pero ano bang meron sa dalawang ito ha? Kinikilig ako eh kasi bagay talaga sila, kung hindi lang sana malandi itong si Tristan sobrang boto na ako sa kaniya para kay beshy Chel.
"O-okay, next time kasi tignan mo iyong dinadaanan mo." Bigla namang naging seryoso si Tristan. Ha? Anong nangyari?
Naramdaman kong nagiging awkward na kaya hinila ko na si Chelsea at nag paalam kanila Harvey.
Habang papunta kami ni Chelsea sa next class namin ay nahalata ko ang pananahimik niya at may bakas ng lungkot sa mga mata nito. Uusisahin ko sana siya pero ayaw ko namang makialam sa kaniya dahil mukhang seryoso talaga siya sa kung ano mang iniisip niya.
"C-Chelsea, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko rito dahilan para mapaangat siya ng ulo at tignan ko.
Ngumiti ito na tila ba walang nangyari kaya nginitian ko nalang din siya pabalik.
Ano kayang problema ng beshy ko? Bakit parang may something or past sila ni Tristan? Naging sila kaya tapos nag break dahil nahuli niyang may babae ang Tristan na iyon? Hays gusto ko talaga siyang tanungin kaso magmumukha na akong chismosa nito huhu.
Bago pa ako makapasok sa pintuan ng classroom namin ay may kung sinong bigla nalang hinarang ang paa sa daanan ko dahilan upang mawalan ako ng balanse at masubsob sa sahig na tiles, syempre. Pero kahit pa! Mapasahig na semento man o tiles alam kong sadya ang pamamatid sa akin ng kung sinong bakulaw. Don't tell me si Ethan unggoy na naman? Aba! Naiinis na talaga ako ha.
Tumayo ako agad at inis na lumingon sa kung sino mang bakulaw na iyon.
"Hobby mo ba talagang mang inis, ikaw na unggo–" Naputol ang sasabihin ko nang wala namang Ethan na nasa pintuan para gumawa nun pero may impokritang nakangisi naman.
"Why are you looking me like that?" Pagtataray ni Valerie. Eh ikaw kaya patirin ko at masubsob dito tapos tatanungin mo pa ako? Bobo ka ba? Tsk.
"Alam mo, huwag mo akong ma-spokening dollar diyan dahil baka pag ako nang-Ingles sa iyo ay mapangaga ka." Sagot ko rito at saka ngumisi.
Hmm hindi sa pagmamayabang Best in English kaya ito! Journalist din ako sa dati kong school at laging ako din ang represeantive sa lahat ng Quiz Bee sa subject na English pati na rin sa mga reportings.
"So? I don't care. Saka sa iyo? Mapapangaga ako? In your dreams bitch." At saka itinaas pa nito ang kaniyang kilay.
"Ow, you don't care? So why you're wasting your time just to get my attention? Ganoon ka na ba kakulang sa pansin?" At saka siya nginitian ng napakalawak at hinawi ang buhok ko sa pakanan.
"How dare y–" Hindi ko na ito pinatapos at umupo na sa upuan namin ni Chelsea, habang ang impaktang fashionista ay naiwang hindi maintindihan ang pagmumukha dahil sa inis.
Sige lang, mainis lang kayo ng mainis dahil iyon din naman ang ipinaparamdam niyo sa akin kaya fair na tayo *wink.
"Ilang beses kaya nila ako gustong inisin sa bawat araw?" Tanong ko sa sarili ko at saka inilagay na ang bag ko sa upuan at saka na din umupo.
Napangalumbaba nalang ako at nilaro laro ang gomang nasa kamay. Yes, lagi akong may goma sa kamay dahil pinipitik ko ang sarili ko sa tuwing nawawalan ako ng kontrol dahil sa inis, saya o kung ano pa lalo na kapag inaantok ako sa subject na Math hehez.
"Chel–" Napatigil ako nang makitang wala pa pala rito si Chelsea. Omo! Nasaan na kaya ang beshy ko? Maya-maya nandito na ang Prof namin baka ma-late siya at mapagalitan. Istrikto pa naman sa eskwelahan ito lalo na ang mga guro at super lalong lalo na si Sir Bulato hahaha.
Hmmm, medyo magaling ako mangilatis at maki ramdam sa isang tao kaya sigurado ako na malungkot siya base pa lang sa mata niya. Pero bakit siya malungkot? Eh ang saya saya pa namin kaninang umaga sa cafeteria? Ano kayang mayroon? Gagawin ko talaga ang lahat para malaman kung ano bang meron sa kanila nung Tristan na iyon. Alexis as detective is now active! Hahaha.