CHAPTER 05

1226 Words
Assumero Tumunog na ang bell at break time na namin. Ayaw ko sanang pumunta sa canteen dahil wala ako sa mood dahil bad trip pa ako sa dalawang hobby ang pananakot na sina Chelsea at Ethan tsk. Bakit hindi nalang kaya magpasakal yung dalawang iyon eh bagay na bagay sila hahaha. I mean magpakasal, sorry. Pero dahil sobrang mapilit talaga nitong si Chelsea ay wala na akong nagawa kundi sumama na lang din. "Yieeeee, oh diba eh di napapayag din kita bessy," Masiglang sambit niya. "Oo na, matitiis ko ba naman kasi yang pag papawala mo ng mata at pag nguso nguso mo na parang intsik na itik charot, hahaha." Nakita ko naman ang pag nguso nito. Hala pa cute talaga itong ching chang na ito. Pero mas cute si Harvey hehehe. Pumila na kami ni Chelsea para makabili ng pagkain dahil nakaramdam na din ako ng gutom pero hassle kasi medyo mahaba ang pila. Seryoso akong nakapila nang may kumalabit sa akin kaya nilingon ko ito at nakitang si Chelsea lang pala. Akala ko yung fashionista na bigla nalang nang tatapon ng kung ano sa ulo ko hmpk. "Bessy, ikaw nalang muna ang pumila please dahil naiihi na talaga ako saka hahanap na din ako nang mauupuan natin ha." Paalam ni Chelsea sa akin kaya tinanguan ko nalang ito bilang pag payag baka dito pa siya maihi eh. Napangiti naman ako ng makitang limang estudyante nalang bago ako. Dahil kaunti nalang talaga ay maglalaway na ako sa gutom tapos nakita ko pa yung hotdog na jumbo tapos may ketchup pa at drinks. Kalma Alex, malapit kana makakain huwag mo ipahalatang patay gutom ka, okay? Hahaha. Saka kasalanan ko din naman dahil minadali ko ang pag aalmusal ko kanina. Nang ako na dapat ang susunod ay bigla nalang may kung sinong asungot na sumingit sa pila. Naiinis ko itong kinalabit at nang humarap ang mokong ay  napatulala ako. S-si E-ethan pala ang sumingit. Juskooo huwga kang subay sa gutom ko. Hindi ako napatulala dahil sa pagmumukha niya, napatulala ako dahil naalala ko na naman ang senaryo at sinabi niya sa akin kahapon. "Then, make me smile." Arghhhh! Walang hiya naman kasi itong mokong na ito eh, feeling ko talaga may orasyon yung salita niya. Mababaliw na ata ako dahil dito, send help! "Why are you looking at me in that way, girl?" napabalik ako sa reyalidad dahil sa malalim na boses na iyon. Nakita ko naman ang pag kunot nito at seryosong tingin niya sa akin kaya napakunot nalang din ako. Ayan na naman po siya, opo. Ano akala niya? Matatakot niya ako sa tingin niyang 'yan? Tsk. Namumuro na siya sa nakakatakot at parang naninindak niyang titig na iyan ah, kulang nalang magiging suki na niya ako. Kabago-bago ko dito tapos gusto niya na akong patayin sa titig niya huhu kaiyak, sarap tanggalin ng eyeballs niya kung hindi lang maganda. "Bakit kaba ganyan kung makatitig? Kulang nalang patayin mo na ako eh." Reklamo ko dito dahilan para mas kumunot ang noo niya. "Tsk, nakakainis kana. Isa pa, bakit ka bigla biglang sumisingit sa pila?" Mataray kong tanong. Napangisi naman ito kaya mas lalong uminit ang dugo ko sa kaniya. Happy ka sis? "Then? Ano naman kung sumingit ako? I'm hungry." Aba aba! Feeling ko uusok na ilong ko dahil sa dahilan nitong mokong na ito. Nakakainit talaga siya ng dugo. "Oh tapos? Hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam ng gutom Mr. Kung makatitig parang mangkukulam at papatay. Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" Sagot ko sa kaniya saka siya binigyan ng sarkastikong ngiti. Napansin ko naman ang lahat ng mga nasa canteen at ang titig nila sa akin at yung mga babae kulang nalang sugurin at kalbuhin ako sa sobrang sama ng titig nila. Ay ano ito? Nagmana ba kayo dito? Saka kakampihan niyo pa talaga itong mokong na ito kahit siya yung mali? Mali naman ata iyon di ba? Sa sobrang inis ko ay itinulak ko ito nang bahagya para maka-order na ako. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya pati na rin ang mga taong naroon. Eh sa nagugutom naman na talaga ako eh! Saka nakaka stress makipag argument sa taong ang taas ng tingin sa sarili. Pero sabagay, matangkad naman talaga kasi siya kaya siguro ang taas talaga ng tingin niya sa sarili niya. Tama na yan Alex, smile. "3 pong sandwich saka po 3 ding drinks ate, hehe." mahinahon kong sambit at saka niya ako nginitian pero kita ko sa mga mata nito ang takot. Ano bang meron sa Ethan Carson na ito? Hindi naman siya pangulo ng Pilipinas o ano mang bansa at mas lalong hindi rin siya isang mafia boss kaya bakit siya kakatakutan? Dahil lang ba mayaman sila? Ang toxic naman ng mindset nila. Iniabot na sa akin ni ate ang binili ko at akmang aalis na ako sa pila ng bigla nalang may humigit sa braso ko. "Ano bang problema mo? Aalis na nga ako di ba?" inis kong turan kay Ethan habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ano ba kasing gustong palabasin nito? "You don't know me well kaya papalampasin ko ito, isa pa dahil maganda ka." Saka ito ngumiti ng nakaka loko. Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko. Oh no! Huwag mong sabihing kinilig ka na doon Alex? Porke sinabihan ka nang maganda nitong mokong na ito? Eh sa maganda ka naman talaga eh. Erase! Erase! Gusto ka lang utuin nito kaya nagpapakitang tao bigla. "Tapos ka na? Isa pa wala akong panahon para kilalanin ka pa ng maiigi." Madiin kong sagot rito. "So, bakit mo sinobrahan yung binili mong food? Hindi ba para sa akin iyan para makabawi ka sa akin, Ms. Alexis?" Tanong nito na dahilan para literal akong humagalpak sa tawa at dahilan din ng pagsalubong ng makakapal niyang kilay. Eh paano ba naman kasi, eh hindi lang pala ito mayabang kundi mahangin din at assumero pa hahaha. Legit laugh mga sister. "Bakit ka tumatawa? Stop laughing, it's annoying." Mas annoying nga na assumero siya eh hmp. Nagpigil naman ako ng tawa dahil sa sinabi niya at saka siya hinarap. "Bakit ako natatawa? Kasi akalain mo iyon ang tinatawag nilang Campus Crush ay may pagka-assumero din pala noh? Hahaha. For your information Mr. Ethan Carson hindi sa iyo itong s-sobra, kulang na nga pera ko tapos ililibre pa kita? Manok ka ba? Pero infairness marunong ka rin pala magbiro tapos bentang benta pa." Paliwanag ko habang nagpipigil pa rin ng tawa. "At para kanino naman?" Naku naku, wala ba itong pera para makabili ng pagkain niya? Ano ito? Puro porma lang? "Eh di... Para sa akin, kung hindi sana mahaba ang pila at hindi ka biglang sumingit at nakipag argument pa eh di hindi sana ako magugutom ng sobra at hindi ko rin sosobrahan yung binili ko hahaha, ops." Paliwanag kong muli dahilan para mapatigil siya. Kinuha ko naman na ang pagkakataong iyon para umalis na at hanapin si Chelsea dahil nagugutom na talaga ako, super nagugutom na. Halata naman na eh, hehez. Bago ako makalayo sa pila ay nilingon ko muna si Ethan at nakita ang seryoso niyang tingin. Halos patayin niya na rin sa tingin ang ilang estudyante na nahuli niyang nakitawa sa akin. Yes yes yes! One point for you Alex, super good job. Akala niya siguro uurungan ko siya ah. Never ever dUh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD