CHAPTER 04

1540 Words
Worst Enemy "Nak, halika na rito sa baba at kakain na tayo." rinig kong tawag sa akin ni mama. Agad naman na akong nag suot ng oversized shirt at maiksing short dahil kakatapos ko lang mag shower. Hayst sobrang nakakapagod ang araw na ito, napakaraming nangyari. First day pa lang ng school ito pero nakaka stress na agad pero at the same time masaya kasi nakilala ko si Chelsea the ching chang at naging kaibigan ko pa. At hanggang ngayon hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi nung tukmol na Ethan na iyon, may halo bang kulam ang mga salita nun kaya minsan lang mag salita? O baka bad breath siya, ay hala haha. Hoy self huwag kang judgemental baka karmahin ka at ikulong nila Tito, Vic at Joey–nang buong Eat bulaga hahaha. Pero wait, ang bango naman ng hininga niya noong bumulong siya sa akin kahapon kaya ekis na yung bad breath hehe. "Alexis, kakain na." Pagtawag muli sa akin ni mama na dahilan para bumalik ako sa reyalidad. "Oh kamusta naman ang araw ng baby girl ko? Okay ba ang bago mong school? Nagustuhan mo ba?" "Grabe mama, first day na first pero ang daming ganap. Saka mama sobrang ganda ng school pangalan palang pang banyaga na, tapos sobrang laki at napakaganda pa ng mga facility feeling ko tuloy artista or dyosa ako dahil doon ako nag-aaral." Masayang kwento ko kay mama. "Hindi naman halatang tuwang tuwa ka anak ah, pero masaya ako dahil nagustuhan mo ang magiging permanent school mo." Sabay pisil ni mama sa ilong ko. Napatili naman ako sa saya ng sabihin ni mama ang salitang permanent. Ibig-sabihin mag i-stay na kami rito, yehey! "Mama naman eh, pinunas mo lang sa ilong ko yung toyo eh mga the moves mo mama ah." Biro ko kay mama. "Pero mama, salamat kasi dito na tayo. Ang lakas talaga natin kay papa God dahil may work kana tapos hindi na natin kailangan lumipat ng lumipat." Masayang dugtong ko. "Okay lang yan nak, maganda ka parin naman mana sa akin, syempre. Pero masaya din ako dahil masaya ang baby ko sa bago niyang school at sa magiging tirahan na namin." Sagot ni mama. Sa bagay nagsasabi naman ng totoo si mama, maganda naman talaga kaming dalawa hahaha. — "Hey why you look so serious, alaga ko? Mukhang malalim na naman ang iniisip mo. May problema ba 'nak?" Tanong ng isang babae kay Ethan habang siya'y nakatingin sa malayo at tila ba napakalalim talaga nang iniisip. "It's nothing manang, iniisip ko lang kung ano pa ba ang kailangan kong gawin just to make dad to be proud on having me as his son." Mapait na napangiti si Ethan. Agad naman siyang hinaplos ng nanay Cora niya at nag-aalalang tumingin sa kaniya. "Ano ba naman itong alaga ko, huwag mo nang isipin iyan. For sure, proud na proud sa iyo ang papa mo dahil napaka bait mo kayang bata. Isa pa, huwag mong sayangin ang oras mo para lang gawin ang hindi mo talaga gustong gawin." Sinserong saad ni Nanay Cora– yaya ni Ethan na tinuturing niya pangalawang nanay noong bata palang siya. Mula pagkabata niya ay ito na ang laging nariyan para sa kaniya at ang asawa nitong driver nila. Dahil sa mga ito ay nararamdaman pa rin ni Ethan na hindi siya nag-iisa. "Salamat nay." Sabay yakap nito at saka siya nito muling hinaplos sa buhok. — "Then, make me smile." "Then, make me smile." "Then, make me smile." Habol hininga akong napagising at ramdam ko ang sobrang pawis sa buong mukha ko. Aaaaaah! Bakit pati sa panaginip naririnig ko yung boses niya? Feeling ko talaga mambabarang iyon o kaya may orasyon yung mga salita niya. Grabe nakakatakot talaga 'yong lalaking iyon aist! Kaya paano naging campus crush iyon? Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong bumaba. Naabutan ko namang kakatapos lang ni mama mag luto nang almusal kaya agad akong lumapit sa kaniya saka siya masayang binati at hinalikan sa pisngi. "Buti naman maaga kang nagising ngayon anak, hindi ka nag feeling sleeping beauty ngayon." Natatawang sabi ni mama. "Syempre mama, ayow kong malate noh. New school New Life, charot." Biro ko kay mama. Naku mama kung alam mo lang na halos mabangungot ako dahil lang doon sa Ethan Carson na 'yon. Kumain na kami ni mama at nauna siya ulit umalis dahil may kakatagpuin pa siya para sa kaniyang online business. "Good morning, beshy!" Masayang bungad ng chinitang nasa harapan ko. "Good morning din Chelsea!" masayang bati ko sa kaniya pabalik. Habang naglalakad kami ni Chelsea ay nakasalubong namin si Harvey at Tristan. Bahagya kaming napatigil dahil sa mga ito. Buti na lang at wala yung nakakatakot na Ethan Carson na iyon. "Hello, pretty girl." Sabay kindat pa ni Tristan na dahilan para mairita ako. "Normal lang bang lagi kang kumindat sa tuwing kausap mo ay babae? Ingat ka baka hindi na yan normal at may sakit kana." Saad ko dito para matawa ang kasama nitong si Harvey. Halaaa napasaya ko si crushy! "Woah, sorry na pretty girl." Natatawang sabi nito. Napatingin naman ako kay Chelsea na nag-iiwas ng tingin kay Tristan. Huh? Bakit para talagang may something? Oh baka naman nababanyo na si Chelsea sa kilig dahil nandito yung dalawang ito. Ganoon ba epekto nila sa mga estudyante dito? Kalerki ha. "Excuse me lang ha, baka kasi mahuli na kami ng bestfriend ko sa klase namin." Sambit ko sa mga ito saka nahihiya kasi ako kay Harvey hihi. Paalis na sana kami ng biglang may boses na pumigil sa amin. "Don't talk to them in that way. You don't know us, right?." Sulpot ng isang lalaki na may madiing tono. Nag-init naman agad ang dugo ko dahil dito. Nanakot ba ito? Saka ang ayos naman ng pag papaalam ko sa kanila ah, special kayo pre? Bakit ba kasi nandito na naman itong Ethan na ito. "Don't talk to them like this? Eh ang ayos ayos ko naman PO kayong kinausap di ba? Saka kilala ko na kayong tatlo at ano naman? Pare-parehas lang naman tayong estudyante, alam mo bagay kayo nung Valerie kasi kulang nalang parehas na kayo ng sasabihin." Inis na sagot ko rito. Ano bang problema nito? Hindi ko naman inaano eh. "I'm sorry Alex, badtrip lang yang si Ethan." Paghingi ng pasensya ni Harvey na dahilan para mapangiti ako. Buti pa ito mabait, nakaka turned on talagaaa. "Okay lang Harvey hehe." Pag papa cute ko rito. Bago kami umalis ni Chelsea ay nag lakas loob akong bumulong kay Ethan. Akala niya siya lang pwedeng bumulong ah. "Kung badtrip ka, huwag mo sa akin ibuhos dahil hindi kita aatrasan, okay?" Saka siya inirapan dahilan para titigan na naman ako nito ng matalim hanggang sa makalayo kami. Woooooh! Pigil hininga ko doon ah! Akala ko talaga hihimatayin na ako huhu, mamaaaa. Naririto na kami sa first sub naming Filipino at hinihintay nalang ang aming guro. "Alex, sige na pleaseee sabihin mo na sa akin kung ano ba yung sinabi mo kay Ethan." pangungulit sa akin ni Chelsea. Hindi rin chismosa itong chinitang ito noh? "Sinabi ko lang namang... Kung badtrip siya huwag ako o tayo o kahit sino pa ang pag buhusan o pag-initan niya." Nakita ko naman ang pagkamangha sa mukha niya. Lah? Ano na naman nangyayari sa kaibigan kong ito? "Wow! Wow na wow talaga beshy! Paano mo iyon nasabi? Sa isang Ethan Carson pa. Iba ka talaga beshy." Saad nito. "Eh totoo naman kasi, kung makatingin kaya siya parang papatayin ako, eh hindi ko naman siya inaano." "Pero beshy, sa ginawa mo dapat kang matakot at kabahan kasi for sure hindi iyon papalampasin ng isang Ethan Carson." Napakunot noo naman ako sa mga inihayag ni Chelsea. "Kasi, hindi lang siya basta Campus Crush. Kinatatakutan din siya dito dahil lahat ng estudyanteng minaliit siya o kakausapin ng hindi maayos ay ilang araw lang ay lumilipat na ito ng school habang umiiyak pa o kaya may mga pasa, play, black eye, at kung any-ano pa. Mapa-babae man o lalaki pa iyan dahil sa mga kagagawan ni Ethan." Seryosong tugon ni Chelsea na dahilan para makaramdam na ako ng takot. "Baka naman kasi nagpapapansin lang siya sa tatlo." Napatingin naman kami ni Chelsea sa nagsalita. "Nandito na naman ang bruha." Mahinang sambit ni Chelsea na sapat na para marinig ko. "Sorry Valerie ah, pero hindi ko gawain iyon at wala akong pakialam sa iyo at sa kanila." Sagot ko dito. Pinapasa pa niya sa akin ang gawain niya ewww. "Really? Okay let's see, pero once na nakita pa kitang nagpa papansin sa kanila lalo na kay Ethan, I'll be your worst enemy." Pananakot nito dahilan para mapangiti ako at mapakunot ang kaniyang noo. Magsasalita pa sana siya pero biglang dumating na ang aming Prof namin kaya bumalik na ito sa kaniyang upuan. Napabuntong hininga naman ako dahil sa inasta nito. Hilig ba ng mga estudyante dito ang mag mataas at manakot? Kung oo, hindi ako natatakot dahil alam kong wala naman akong ginawa sa kanila. Bagay talaga sila ng Ethan Carson na iyon, nakakaasar! Mga kontrabida. Patapon ko kayo sa North Korea eh at doon niyo ilabas tapang niyo. Worst Enemy? Then I'll be your sweetest enemy too. Charot! Hindi ako ganoong tao noh pero kapag ako sinagad ng kahit sino, hindi ko nalang talaga alam hehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD