CHAPTER 03

1170 Words
Make me smile Sinamahan ako ni Chelsea sa comfort room para makapagpalit ng damit, buti na lang at may extra siya sa locker niya. Nakalimutan ko kasing magdala. At saka ano bang malay kong may impokritang mambubuhos sa akin ng juice? Kontrabida sa k-drama lang ang peg? Nang makarating kami sa aming room ay agad kaming humanap ng bakanteng upuan ni Chelsea at sakto namang may dalawang bakante sa bandang likuran. "For sure, introduce yourself na naman gagawin natin," bagot na sambit ni Chelsea at saka siya nagpangalumbaba. "Truelala ka diyan Chel aish," bagot ko ring sagot sa kaniya. Kahit naman hindi introduce yourself ang ganap ngayon mababagot pa rin ako kasi, Math ang subject, feel niyo ba? Yung favorite mo naman ang science at magaling ka doon pero bakit sa math hindi? Eh parehas din namang may mga computations. Kagigil talaga. Ilang sandali pa ay mayroong dumating na kung hindi ako nagkakamali ay nasa 40 pataas na ang edad na lalaki. Siguro siya ang Math Teacher namin. "Good morning teacher," pagbati namin rito. "Good morning students. My name is Eduardo Bulato, your Math teacher." pagbati nito pabalik sa amin at isinulat ang kaniyang pangalan sa board. Ano daw, Bulato? Bakit hindi pa nila ginawang Bulate para mas okay nahiya pa sila eh noh. "Late na naman kayong magkakaibigan, hobby niyo na ba talagang ma-late sa klase ko Mr. Carson, Flores at Valerio?" napatingin naman kaming lahat sa tinutukoy ni Sir Bulate– I mean sir Bulato. "Ano ba naman yan sir, first day na first day of school na i-stress kayo, hobby niyo na din po ba ang panenermon sa kagwapuhan namin?" sagot naman ni Tristan. Halata talagang may pagkaloko-loko itong lalaking ito, siguro dahil sa kanila itong school tch. "Kaya nga eh, first day na first day pero late agad kayo." sarkastikong sagot naman ni Sir Boom bars! Pigil ang tawa ko nang nahagilap na naman ng mata ko ang matalim na tingin sa akin ni Ethan. Hobby din ba nito na tumingin sa kahit na sino na akala mo may atrasong nagawa sa kaniya? Ang creepy ha. "Sorry na sir, hindi na mauulit. Don't stress yourself kaya po unti-unting nauubos iyang buhok niyo dahil sa kaka-sermon niyo," natatawang sambit ni Tristan dahilan upang mapakamot ng ulo si Sir Bulato. Unti-unti namang lumapit ang grupo ni Ethan malapit sa amin kaya ako napalunok, hindi ako natatakot sa kanila pero yung titig kasi ng mga babae sa amin ni Chelsea. Kala mo naman kukunin namin yang mga kinababaliwan nila. Hindi ko napigilang pagmasdan si Harvey. Ang cuteee niya talaga argh! Halos magpigil ng hininga si Chelsea ng umupo sila Ethan sa likuran namin. Hmmm I smell something... Baka naman sariling amoy ko lang iyon, charot! Inutusan naman kami ni Sir na isa-isang magpakilala, para makilala niya daw kaming lahat. Natapos nang magpakilala ang grupo ni Valerie, ngunit bago siya umupo ay tinignan muna ako nito ng matalim. Tumayo na si Chelsea upang magpakilala, pang tatlong introduce yourself na namin ito pero kinakabahan at nahihiya pa rin ako lalo na ngayon na feeling ko may nakatitig sa akin. Ahm baka assumera lang talaga ako. "Hello, my name is Chelsea Chung your soon-to-be Fashion Designer. Sana maging close tayong lahat." At saka siya nag peace sign. Hala ang cute niya talaga. Nakakaakit yung kasingkitan ng mata niya at mahahalata mo talagang makulit at masayahin siyang tao. Dahan-dahan naman akong tumayo papunta sa harap upang magpakilala. Tinignan ko muna ang lahat ng nasa classroom at lahat sila ay nakatingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Ngumiti muna ako para mawala ang kaba ko at saka na nagpakilala. "Hello, good morning! Ako nga pala si Alexis Buevera but you can call me Alex para mas maikli at hindi kayo mahirapan. I'm pure Filipina pero ang kutis ay mala-porselana pero, hindi ako nag g-gluta. Your soon-to-be– ahm ewan, kung anong mararating ko eh di iyon, I'll treasure it." masayang pagpapakilala ko at saka na bumalik sa upuan. Sumunod naman na ang grupo ni Ethan. "Hey, my name is Tristan Flores. Your biggest dream," maikling pagpapakilala niya. Ang hangin ah. Napansin ko naman ang pamumula ni Chelsea habang nakatingin kay Tristan. Sabi ko na nga ba eh! I smell something. Pa simple ko naman siyang kinalabit sa tagiliran dahilan para mapatingin siya sa akin at bigyan ako ng tingin na nagtatanong kung bakit. "Ikaw ha, pahalata ka!" bulong ko rito. "Huh?" "Wala wala, never mind na lang." sagot ko rito at saka na tumingin sa harapan at nakita si Harvey. "Good morning sweethearts, my name is Harvey Valerio. You can call me baby if you want tho. Your soon-to-be Attorney Harvey," pagpapakilala niya dahilan para kiligin ako ng palihim. Nakita ko din ang kilig ng ilang babae rito. Lalo na ng isa sa kaibigan ni Valerie, kung hindi ako nagkakamali siya si Rheavien Fuella. Attorney daw mga sister! Mas na turned on ako lalo sa kaniya, ipaglalaban kaya ako nito? Ops erase muna Alex, huwag masyadong maharot baka makurot ka sa singit, ikaw din masakit pa naman 'yon. Naputol ang imahinasyon ko tungkol kay Harvey nang may maskuladong boses ang nagmula sa harapan. Agad nitong nakuha ang atensyon ko at ng makita kung sino iyon ay si Ethan lang pala. Akala ko naman kung sinong Hollywood Star na ang nasa harapan. "I'm Ethan Carson, your soon-to-be husband." Mabilis nitong pagpapakilala sa kaniyang sarili. Halatang cold nga siya, saka iniipon ba nito laway niya? Ang tipid mag-salita eh pero infairness malupet ang soon-to-be niya, pang tatlong beses na niya din kayang sinabi 'yan sa kaniyang intro? Hindi naman nakakakilig, malupit lang. Kung kanina'y kinikilig ang ilang mga babae dito sa loob ay mas lalo kong nakita sa kanila na halos tumili na sila sa pagpapakilala ni Ethan. Ano nakakakilig doon? Yung your soon-to-be husband? Bakit lahat ba sila papakasalan niya? Pero aaminin ko ang gwapo naman talaga niya, ang malaabo nitong mata na tila ba tinatawag ka, ang mapula nitong labi na talo pa ang labi ng isang babae at tila kulay ng mansanas, ang makapal nitong kilay, ang tangos pa ng ilong niya tapos– Ano ba alex! Tigilan mo nga iyan, team Harvey pa rin hehe. Saka wala pa nga siya sa kalingkingan ni Daniel Padilla eh... Ahm oo na sige na nga, nasa kalingkingan na siya pero basta! Hindi ko pa rin siya type. Nakita ko din ang bahagyang pagpapa-cute ni Valerie, sabagay bagay naman sila. Napatingin naman ako kay Ethan na pabalik na sa upuan niya. "Hindi ba ito marunong ngumiti? Kahit konti?” mahinang bulong ko ngunit laking gulat ko nang bigla siyang huminto sa gilid ko. "Then, make me smile." bulong nito sa akin na dahilan ng pagtayo ng balahibo ko at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko. Napaangat ako ng ulo para makita siya at halos mahimatay ako sa gulat ng makita siyang matalim na nakatingin sa akin at ngumisi bago umupo sa likuran namin. Napalunok naman ako dahil dito, p-papatayin ba ako nito? Saka ano daw sabi? Make me smile?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD