00000xx

519 Words
00000xx   Nananakit na yung braso ko sa pagpupumiglas sa hawak niya, "I'll be alright, Breeze!" Isinigaw ko yun sa mukha niya, "Umalis ka na!" Pilit syang ipinagtulakan ng kabila kong braso kahit na ang gusto ko na lang talagang gawin ay ang matumba at umiyak na lang nang walang katapusan. "Thea..." bigkas nya sa pangalan ko na para bang pagod na rin sya sa mga nangyayari. "...I will not leave you here." Pilit niya akong niyakap pero nagpupumiglas pa din ako. Hinablot ko yung lapel ng shirt nya, "Ano ba sa mga salitang binitawan ko kanina ang hindi mo maintindihan? Ang gusto ko eh umalis ka! Ayaw kitang makita!" hinampas-hampas ko yung dibdib niya para tuluyan na syang umalis. Gusto kong ibaling sa kanya yung sakit na nararamdaman ko ngayon. I want to physically crush him thinking it would suffice the hurt I'm feeling deep inside my chest. Sobrang naninikip yung dibdib ko, hindi ako makahinga. Sobrang ramdam ko yung pagkadurog unti-unti ng puso ko. Sa sobrang tagal kong nandito, naubos na yung pwedeng iluha ng mga mata ko. All I can do is sob and catch my breath. "Thea, let's go..." kusa akong bumagsak sa damuhan. Grass edge and little pebbles scratching my knees and legs. "Bitawan mo ako, Breeze! BITAWAN MO AKO! AYAW KITANG MAKITA! AYAW KITANG MAAMOY! NI AYAW KONG MAKITA YUNG ANINO MO!" Dinaluhan niya ako sa pagkakasaldak ko sa inuupuan ko, my whole body wanting to give up on the emotional stress I'm feeling. "What can I do to take the pain away, Thea?" nanlulumo na rin yung boses nya. I can feel him shaking against me while trying to hug me. Hindi niya ako mayayakap dahil nakakapit yung kaliwang braso ko sa balikat nya, stopping him from going near me. I'm putting him on his place – an arm's length away from me, away from my personal space. "There's nothing you can do." Yung boses ko nanginginig sa galit at hinagpis. "Walang makakapagpabalik ng nawala, Breeze! Kaya mo bang ibalik? Hindi, diba? Hindi!" "There must be a way, Thea... we can't end up like this!" he exasperatedly spat on my face. "There's no other way, Breeze... we just did. We're here. There's no turning back." "Thea, let me help. You can't do this on your own! Tell me how I can help take the pain or even just ease it a bit!" tiningnan ko sya at nangingilid na yung luha sa mga mata nya. Tumawa ako ng mapait at masama syang tiningnan. "Dig my heart out, Breeze..." Seryoso kong sabi sa kanya. "...because that's where the pain is. And no amount of comfort can ease it! Not even your presence!" Yun ang totoo dahil kahit anong gawin ko, kahit anong isipin ko, bumabalik at bumabalik pa rin ako sa mga nangyari nitong linggong to. The way I'm feeling is much worse than a break-up; much worse than being involved in an accident and have your bones crushed. An eye for an eye; a tooth for a tooth. I could always go for a deep sleep, right? Because right now I'm really, really tired.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD