00001xx

2019 Words
00001xx Akala   Bakit sa dinami-dami pa ng pagkakataong magkakaganito ako eh ngayon pa? Bakit hindi isinabay noong sobrang nayanig yung mundo ko – naming lahat sa pagkakawala ni Lois? It’s been five months since that tragic day and I still can feel how crushed we all were at that time. Loislane was like a sister to me – to all of us. Sa lahat ng kabaliwan namin, sa lahat ng kalokohan? Magkakasama kami. And I know since that day, marami ang nagbago. We never really acknowledged it pero alam ko may nagbago. We were all shaken up and what happened made us realize some things. At dahil sa mga realizations na yun, I am here. Inside my room listening to Ed Sheeran. Every beat and every word makes me want to wreck something. It’s three in the morning at nakakalat sa paligid ng kama ko and iba’t ibang unan, yung cover ng kama wala na sa ayos and I’m bawling my eyes out. I look like s**t if you want a direct description. My eyes are puffy and my long hair’s wet from tears and sweat. I tried zoning out pero muli na namang nagsimula yung kantang Photograph ni Ed Sheeran. Napatingin ako ng masama sa laptop ko na nakapatong sa study table ko kung saan nanggagaling yung tugtog. Pinilit kong pigilan yung iyak ko at saka ikinuyom yung mga kamay ko. Hindi ko namalayan na may hawak pala ako sa kanang kamay ko kaya napatingin ako bigla sa mga palad ko. What I saw there was a polaroid picture – ang picture na dahilan ng pag-iyak ko. Ang picture na naging dahilan para kumawala yung iyak kong pilit kong pinipigil dahil napapagod na yung dibdib ko sa sakit. Napahawak ako sa dibdib ko gamit yung kanang kamay kong may picture pa ng walangyang lalaking may dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kumalma ako sandali dahil malapit na namang matapos yung kanta. Pinilit kong isaayos yung paghinga ko para muling pigilan yung pag-iyak. It’s pathetic, really. Listening to the same s**t then crying again and again – pero wala akong lakas na i-pause man lamang yung kanta. Since Loislane died, yan na yung laging pampatulog ko. I don’t know if my sisters notice it, but it really was. Yan yung huling kantang pinapakinggan ko nang maaksidente kami. It reminds me of the last happy moments with Loislane. Nakatatak yun sa utak ko na parang picture – minsan slowmo video pa nga. Pero ngayon, hindi ko na alam kung para saan baa ng kantang yan. “Thea…?” hindi ko man lang namalayang pumasok na pala si kambal sa kwarto ko. I can’t look at her dahil may kasalanan ako. Naramdaman kong dahan-dahan syang naglakad papalapit sa akin. I know she can see my face. It’s glistening with tears at malamang ko narinig nya yung pag-iyak ko mula sa kwarto niya. Magkatapat pa naman yung beds namin. Umulit na naman yung kanta at muli na naman akong umiyak. This time, hindi ko na pinigilan. There’s no need to do so, “Anong problema, Thea?” tanong sa akin ni Teyah habang papaupo sa tabi ko. “Anong meron dito?” narinig ko si Ate Pao mula sa pinto. Hindi ako natinag sa pagkakaupo ko at hindi ko sila tinitingnan. I’m keeping my eyes on the picture – hikbi lang ako nang hikbi hanggang sa magtanong ulit si Teyah, “Sino yan?” Ipinikit ko yung mata ko at umiling-iling ng marahas sa kanila. I can’t even tell them my problem dahil natatakot ako na magalit sila sa akin. Another problem na naman yun pag nagkataon. Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglapit ni Ate Pao sa akin; pumaikot sa akin yung mga braso nya at inihilig yung katawan ko pasandal sa katawan nya. I relaxed against Ate’s body and held onto Teyah’s hand. Para akong namatayan all over again – but this time – my heart died. Teyah felt my squeeze so she tried to lighten the mood by joking. Pero walang effect yun sa current state ng pag-iisip ko. Humugot ako ng lakas sa suporta na ibinibigay ng mga kapatid ko. Mga maloloko kami pero once we are faced with some serious situations, I know we all have our backs – kahit na yung ibang Spg Girls. Huminga ako ng malalim and tried talking, “Kasi…” napapikit ako ulit at alam ko sa loob ko, hindi ko kaya. Kaya inilahad ko yung kamay ko kung nasan nakalagay yung picture. Natahimik silang dalawa at parehong nakatutok dun sa picture. I waited for a few seconds trying to even out my breathing bago ako magpatuloy. “…yan si Keegan.” Napatingin silang pareho sa akin at kitang-kita mo lalo yung pagtataka, “Who the f**k’s Keegan?” mahinahon pero matigas na bigkas ni Ate Pao. Alam kong kung anu-ano nang tumatakbo sa isip ng mga ito kaya dapat ko nang sabihin lahat. “Ex-boyfriend ko.” Nagulat ang mga kapatid ko kaya nailihis ako ni Ate Pao mula sa pagkakasandal sa kanya at iniharap ako sa pagmumukha niya, “ANONG EX?! NBSB TAYONG LAHAT!” nanlalaki yung mga mata ni Ate Pao at ganun din si kambal. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Napatakip ako ng mukha at lalong napaiyak dahil ayaw ko din naman talagang maging ganito ang kalalabasan pero…”Ex nga. Ano...uhm…one month lang nagtagal.” “Naniwala ka na naman sa forever?” sabay na tanong nila sa akin. Asus itong mga kapatid ko, mukhang forever. Pag hindi sinabi naniwala sa forever? Ang baliktad ng utak ng mga ito. Pinunasan ko yung mukha ko gamit yung kumot na hawak-hawak ko para makapagsalita ng maayos. “Kaya nga hindi ko sinabi kasi…tingnan niyo naman yung nangyari…” Ang sabi kasi namin sa isa’t isa kasama ang Spg girls eh walang secrets – lalo na pagdating sa lovelife. Dahil pare-pareho kaming Nbsb, sabik sa details at kwento pare-pareho. I started from the beginning. Keegan Benjamin Araujo. Sya yung lalaking kasama ko sa picture. He was taller than me and his body was the same built as Gray’s but he exudes the badboy type. Na pag unang tingin mo pa lang eh alam mong wala nang magandang maidudulot sayo. Nakita ko na rin syang nag-smoke beside his car everytime we would part our ways. That was first impression dahil nag-iba yun ng makilala or should I say makasama lang ng ilang buwan. Simula nang bumalik ako sa school after the accident, lagi ko na syang nakikita around our building or even anywhere na pupunta ako. Once ko kasi syang nakabunggo noon nung mayron pang cast yung binti ko at naka-crutches ako. Yun yung mga oras na disoriented ako dahil sa dami ng pinagawa. Hindi ko rin naman masisisi ang mga professors at hindi ko rin masisisi sa sarili ko na na-ospital. Siguro nga, traumatized pa din ako sa lahat ng nangyayari noon. Dun nagsimula lahat yun. I was depressed and missing Lois badly. I was also thinking of the what ifs. What if ako yung nasa pwesto ni Lois? What if walang nabuhay sa amin? What if…what if…what if… Iginugol ko yung atensyon ko sa pag-aaral, sa pag-aayos ng final requirements at exams para makagraduate. Nakacrutches man o hindi, ginawa ko yun. Ang isa sa mga nagpagaan ng loob ko ay si Keegan. He became my friend, a shoulder to cry on whenever I feel like it. Lagi syang nandyan nakaalalay, minsan ko na syang natanong kung wala na ba syang klase kor whatsoever at lagi syang nandyan pag free time ko or pag gumagawa ako ng requirements sa library or pag kumakain ako. It went on for a month. Pagdating ng August, nagstart syang magparamdam na liligawan nya ako. He would always joke around asking me if he had the chance. Hindi ko sya pinapansin dahil kaibigan lang naman yung tingin ko sa kanya. Until one day, he started leveling up. I’m a girl for heaven’s sake! Sa lahat ng ginawa nya una pa lang, kinikilig na ako. Kahit sinong babae kikiligin sa pinaggagagawa ni Keegan noon. His ways are so smooth giving off the fact that he was experienced with girls like me. Sa tuwing magkikita kami, may dala syang flowers. Minsan he would text me not to buy any food dahil yung pala may dala na sya for me. He would carry my books or even my bag. Nandyan siya before and after class. Hinahatid nya ako papunta sa kotse na nagsusundo sa akin. Effort, right? Pero lahat ng effort na yun… may kapalit. Entering the third week of his pursuing shenanigans, he cornered me right under the stairs. Dahil sa pag-iyak ko at sa barado kong ilong, medyo mahina na yung boses ko, “Tinanong nya ako if I was ready to be his girlfriend…” naghihintay ng karugtong yung mga kapatid ko nang biglang may sunud-sunod na nag-doorbell. Tumayo si kambal para pagbuksan kung sino man yun. Tahimik lang kami ni ate Pao at nagkatinginan ng marinig namin na may kausap si Teyah sa labas. “It’s Dreigo, Thea. You can continue now, I’ll listen.” Ate Pao patted her straightened legs and motioned me to lie on her lap. Once I was settled, bumalik si TeyaH. "Matutulog na ako ah? I love you, okay? Bukas na bukas hunting-in ko yung Keegan nay un kung sino man yun.” Napangiti ako nang kaunti dahil sa itsura ng kambal ko. She’s sleepy and pinipilit na lang nyang ibuka yung mata niya. Isa pang dahilan eh yung pagbabanta nyang hahanapin si Keegan na alam naman naming lahat na hindi nya gagawin. Hindi nya hahanapin yun, hihintayin nyang magpakita sa kanya kung sino man yung target nya. HInayaan na namin syang bumalik sa kwarto nya. Hindi naman na kami nagtaka kung sino yung pinagbuksan nya ng pinto. Kasi habang papasok si kambal, dumaan si Dreigo at tumango sa amin. Padiretso sya sa kwarto ng kambal ko. Hinayaan lang naming i-handle nila yung problema nila. We have nothing against Dreigo pursuing our sister, though. We find it amusing, to say the least. “So? What happened after the corner thing?” pagbubukas ulit ni Ate Pao sa topic na niwang nakabitin matapos ng eksena nila kambal. “Ate…” pagsisimula ko, “Have you ever looked into somebody’s eye…” tiningnan ko sya habang nakafocus sya sap ag-straighten ng magkakabuhol na strands ng hair ko. “…then just be sucked within its depth? Within its clear vibrant colors of brown and caramel?” Napatigil sya at tumingin sa mga mata ko. “Nope. Hindi pa. I’ve never seen someone with thoseeye color. Caramel? You mean, light yung brown?” nagtatakang tanong ni Ate Pao samantalang ako nakatango lang sa kanya. “Oo, Ate. It was as if may kung anong gnig ung mga mata niya nung mga panahong tinanong niya ako nun.” “Anong sinagot mo?” “That was the day Keegan became my one-month long boyfriend, ate.” “Nagpadala ka sa mga mata niya?” “Nagpadala ako sa nakita ko sa mga mata nya – na akala ko ay totoo.” Ang sabi kasi nila, the eyes are the windows to the soul. The time when Keegan trapped me in between the wall and his body, I actually thought I had a peek. I was so elated and was so overwhelmed with how he was holding me, how he was looking at me. And within the days I was with him? I felt like as if I found my own perfect love story. Just like how Lois din with Ck. But I was wrong – boy, I was wrong!   Maraming namamatay sa maling akala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD