00002xx

1788 Words
00002xx Never Ever   Hindi naman kasi ako talaga nakatulog nang iwanan ako ni Ate Pao kanina. I ended up staring at the ceiling while Keegan kept on blasting my phone calling and sending text messages. I was too tired to reah for my phone and turn it off kaya hinayaan ko lang sya hanggang sa mapagod si gago. I looked at the clock at sabi niya eh kailangan ko nang bumangon dahil ilang oras na akong tulala sa higaan ko. Gising na kaya ang magagaling kong kapatid? Lalo na si Teyah? Tumayo ako mula sa kama ko at napatingin sa full length mirror na nakatabi sa pintuan ng bathroom. Teyah and I look so much alike most of the days. Same long black hair, same fair complexion, same height... all the physical attributes you can think of, pareho – except for our bodies though. No, we're not the total opposites but Teyah's more on the curvy side. Pero hindi naman talaga kami nagkakalayo. You'll know our real differences once na nakasama mo kami at naging kaibigan mo kami. Si Teyah – palaban, bully, outspoken. Total opposite ko dahil hindi ko kayang maging katulad nya. I'm more on the demure side, si kambal yung sumalo lahat ng kalumutan sa katawan. I stared at my shitty reflection. I was wearing a pajama with a tank top on. Yung mahaba kong buhok eh maihahalintulad mo sa ahas na buhok ni Medusa – yung akin nga lang eh mga patay na ahas. My eyes were puffy and my nose is as red as a tomato. Kung ipagtatabi mo kami ng kambal ko ngayon, malalaman kung sino ang sino dahil sa itsura ko ngayon. Yung dating mamula-mulang kaputian ko eh ngayon ay kasimputi ng papel –as if my blood were drained away. Naisipan kong mag-ayos sa kwarto ko dahil naalibadbaran ako sa itsura nya. Nagsimula ako sa kama ko, tinanggal ko yung pillow covers pati yung kumot, kailangan kong palitan to. Pinag-shuffle ko din yung laman ng study table ko – inayos ko by color yung mga damit ko, itinapon ko lahat ng pwedeng itapon na nakapaligid. Lahat na ng pwedeng baguhin sa loob ng kwarto ko eh ginawa ko na just to distract myself from thinking about Keegan. Pero ang siraulo eh ayaw akong patahimikin. Narinig ko na namang nagring yung phone ko mula sa loob ng drawer ko. Lumapit ako doon at dahan-dahang binuksan yung drawer. At hindi nga ako nagkamali – Keegan's calling again. I tapped the decline button at nakita ko kung gaano kadami na naman yung texts nya. 321 texts at almost 100 missed calls. Kung tutuusin, kulang pa yan sa ilang linggong hindi sya nagparamdam after kong malamang pinagpustahan lang pala nila ako ng mga kaibigan niya. Hinihintay ko syang magpaliwanag na ipagtanggol yung sarili niya kasi hindi ganun yung pagkakakilala ko sa kanya. He's too nice to be involved in such bets. Pero nakalimutan ko yatang kilala pala sya bilang matinik sa mga babae. He's a famous drifter, goodness! Pero hindi ko alam yun until the day I overheard him talking to some caked-up girl while being surrounded by his friends. Pft. Pwedeng best actor yung walangyang lalaking yun. Matapos kong gawin ang lahat ng gawin at matapos kong maligo, kinuha ko lahat ng sheets at covers na pinaghuhuhugot ko mula sa kama ko at dumiretso sa laundry room. Sinalampak ko lahat yung sa tabi ng washing machine at ako nang bahalang mag-ayos nun mamaya. Pagkaraan ng ilang oras kong paglalagi sa kwarto eh naisipan kong wag nang pansinin o alalahanin man kahit kailan si Keegan. What good would he do, anyway? Sinisira lang nya yung tahimik kong buhay. Bakit ba kasi masyado akong nagpadala sa mga nangyari? Sa ipinakita niya? Be happy sabi ni Jollibee kaya bahala si Keegan sa buhay niya. Naabutan ko si kambal na kumakain. Lumapit ako sa kanya at rinig na rinig na rinig ko yung palatak ng kutsara sa pinggan, "Maawa ka sa pinggan, kambal." Paano yung itsura mukhang papatay ng tao. She's throwing daggers against Dreigo's back na nasa balcony ngayon. Tuwang tuwang may kausap sa phone. "Tigilan mo ko, kambal. Nagagawa mo pang magjoke...naiinis na akoooo." Pinanggigilan nya yung kinakain nyang itlog. Badtrip na badtrip sya at hindi nya napansin na nagjo-joke na ako after ng nangyari kaninang madlaing araw. "Bakit ba nagkakaganyan ka? We should always smile in the mornings!" Yun kasi yung sinabi ko sa sarili ko pagkalabas ko ng kwarto. Iniwan ko na lahat ng nangyari sa akin kani-kanina lang kaya mukha akong tanga dito na mukhang nabuhay na smiley mula sa emojis. "Tigilan mo yung pagiging hyper mo, nac-creepyhan ako. It's okay to be sad. Mas mahirap yang ganyan na pilit mong pinagtatakpan yung nararamdaman mo." Okay....mali ako. Napansin nya pala. "Eh, walang basagan ng trip." Nagkibit balikat ako at nagksip palabas papunta sa laundry room at nilabhan na lang yung mga kobre kama. Ganito ba talaga pag broken hearted? Nagiging masisipag? "KAMBAL!" Tawag sa akin ni Teyah mula sa living room, "ANO?!" sagot ko mula sa laundry room hinihintay na matapos yung dryer. Last batch na ito nung pillow covers. "Dadating dito si Dreigo –" "Hindi mo na kailangang sabihin! Hindi na kami magugulat kung dito na tumira yang dragon na yan." "Dragon?" Nagulat ako nang makita ko na lang sya nasa bungad ng pintuan, muntik ko pang maihagis yung cellphone ko dahil sa mala-flash nyang pagsulpot. "Anak ka ng! Problema mo? Dragon! Dragon si Dreigo. Hello? The name, hindi ba?" "Wala lang. Pareho talaga tayo ng iniisip. Dragon din tawag ko sa kanya eh." Napatingin ako sa kanya nang nagtataka dahil Dreigo ang alam kong tawag nya dun. "Wala, sa isip ko lang ginagawa." "Oo, sa isip. Alam ko na kung bakit ganun tawag mo sa kanya." Nanlaki yung mga mata nya at namula. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa dahil sa itsura niya. "At sa itsura mo pa lang, na-confirm ko na kung bakit." Patuloy pa din ako sa pagtawa dahil mukhang ewan si Teyah. I needed that laugh – s**t! Binato lang nya ako ng tuwalya at saka lumabas pabalik sa living room. "KASAMA PALA NI DREIGO YUNG KAIBIGAN NYA. SI BREEZE!" Sigaw na naman nya na akala mo eh nasa magkabilang bundok kami. Hindi na nya naituloy yung sasabihin "Oo na! Hindi ko rin naman makikita yun, magkukulong ako sa kwarto. I'm busy!" ** Narinig kong may dumating at sa kaguluhan pa lang na nagaganap, alam kong si Dreigo na yun kasama yung kaibigan nyang nakalimutan ko na yung pangalan. Basta alam ko pangalan ng powder na panlaba yun. Pft. Muling nag-ring yung phone kong nasa tabi ko, ito na naman tong lalaking to. Magsisimula na naman. Dahil good vibes ako ngayon at talaga namang high ako sa paglalaba, I answered his call. Hindi ko pa man naitatapat sa tenga ko narinig ko na agad yung boses ni Keegan, "Thea, baby...kausapin mo na ako. I need to explain myself." Lul. Explain yourself? Isa kang malaking kalokohan, Keegan. Nanahimik lang ako, hinahayaan ko syang magsalita. Mas maganda na ito kesa minu-minutong tumutunog yung phone ko sa kakatawag nya at text. Biglang bumaba yung tono ng boses nyaat mukhang napagod na sya sa kakasalita, "Thea..." Kung dati kinikilig ako sa bawat bigkas nya ng pangalan ko sa tuwing magkausap kami sa phone, ngayon isinusumpa ko nang marinig yung boses nya. "It's not what you think..." Oh men, the classic 'it's not what you think' s**t. Alam ko na yan. Lagi kong nababasa sa novels yan at napapanood sa movies. "Baby, please." "Thea Valeria." "Can we please talk?" "Let me make up to you. Come back to me." Gusto niya akong makipagbalikan sa kanya? Ni wala naman talaga kaming naging relasyon. Naging pustahan lang naman ako. And it messed with my mind like the freaking plague. Mukha ba akong ganun kadali makuha para mapagpustahan kung gaano ako katagal mapapasagot ni Keegan? O mukha talaga akong mahina idagdag pa yung mga panahong naka-crutches ako. Hindi man lang nila naisip na... ay s**t! Nakakaasar. Kung kagabi at nung mga nakaraang linggo eh puro iyak ang ginawa ko, ngayon eh galit na yung nararamdaman ko. "I like you and it's the truth. Please let me explain. Mali yung narinig mo." Sa dinami-dami ng sinabi niya, biglang nag-play sa utak ko yung We Are Never Ever Getting Back Together ni Tayor Swift. Isang malaking kalokohan si Keegan at hindi dapat sya pinaniniwalaan. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at pinuntahan yung laptop ko. I searched through my playlist and clicked on T. Swift's song. Sumabay ako sa pagkanta at nakaharap sa salamin. Nakatalikod ako sa may pintuan ko at nagsasa-sayaw doon. Kinabog ko si T. Swift sa all-out performance ko para rinig at damang-dama ni Keegan yung gusto kong sabihin. Ginamit ko pang microphone yung phone ko para sure na talagang gets nya yung sinasabi ko. "We are never, ever, ever getting back together. We are never, ever, ever getting back together You go talk to your friends, talk to my friends, talk to me! But we are never ever ever ever getting back together..." "Ooh, yeah, ooh yeah, ooh yeah. Oh oh oh!!" Kinakanta ko pa yun with all the kulot and adlibs. "Wow, babe. Tinalo mo si Taylor Swift sa performance mo. Pwede ka nang maging back-up dancer sa next concert nya." Napatigil ako at napatingin sa reflection ng isang lalaking nakatayo sa bungad ng pintuan ko. Nakasandig sya sa frame nun at nakahalukipkip habang nakangiti. Nakasuot sya ng jersey shorts at T-shirt na hapit sa katawan, "TEKA! Sino ka?! Saka bakit ka nakasilip sa kwarto ng may kwarto?!" Umayos sya ng tayo hinawakan nya yung door knob. "Ako ang magpapaligaya sa araw mo." Nanlaki yung mga mata ko at napa-straighten ako ng tayo. "Akala ko kasi may pinapatay na pusa sa ingay mo, may problema ka ba?" Nakakasakit yung pinapatay na pusa. Ganun ba talaga kapangit yung boses ko? Walangyang yan! "Wala kang pakialam sa problema ko at wala kang karapatang insultuhin yung boses ko!" Napakahangin ng lalaking to, sya siguro yung kaibigan ni Dreigo. "Kung gusto mong mapaganda yung boses mo may alam ako kung paano. You can scream all you want and it would be the greatest sound you'll ever make." Pahabol nya bago tumawa ng malakas at hindi ko napigilan ang maibato sa kanya yung phone ko. "WALANGYA KA!" Pero bago pa man makaabot sa kanya yung binato ko, naikabig na nya yung pinto pasara at madaling nagtungo ulit sa living room. Ibinagsak ko yung pintuan ko nang pagkalakas-lakas dahil isang lalaki na naman ang dahilan ng pagkabadtrip ko. Pero ngayon, kahihiyan naman ang inabot ko. Wag ka nang kakanta ulit ng T. Swift songs, Thea. Never ever again!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD