00003xx
Less than one month
Hindi na ako ulit magsasayaw at kakanta ng T. Swift songs dahil sa nangyari.Walangya yung sabon na yun. Hanggang ngayon hindi pa din ako nakakagetover sa nangyaring yun last week.
At hindi pa din tumitigil si Keegan sa pagtawag sa akin kaya kinuha ko yung isa kong phone at saka inext yung mga importanteng
Lumabas ako ng kwarto nang makita kong masayang papalabas ng kwarto si Dreigo, “Una na ako, Thea. Thank you.” Tinanguan ko sya at tipid na kumaway dahil nagtataka ako sa itsura nya. May kung anong nignig yung mga mata na wala kanina nang pumasok sya. Maaga kasing nandito yan at sya ang nanggising kay Teyah. May dala-dala din syang isang supot na hindi ko alam kung anong alam.
Napailing na lang ako at nagsimulang magligpit para makapag-ready’ng mag-grocery. I checked our cabinets and other stock at wala na pala kaming makakain. Masyado kaming usy sa kanya-kanya naming mundo. Well, hindi excuse yung akin dahil katangahan lang sa pag-ibig yung kung bakit ako tuliro.
Pareho naman kaming tanga ng kambal ko. Kung sya eh na-devirginize nang hindi niya alam, ako naman nagkaroon ng boyfriend ng biglaan.
Pero biglaan ding nawala. At least si kambal, si Dreigo pa mismo yung naghahabol. San ka makakakita ng lalaking gustong panindigan yung nagawa nya sa babae? Once in a blue moon na lang yung ganun kaya bilib talaga ako kay Dreigo.
Dumating sila Ate Pao kasama sila Kiel, Amelle, at Anne. Pare-pareho silang parang kinikilig sa pinag-uusapan at panay ang tili at tango ng lahat.
“Anong meron?” salubong ko sa kanila habang nagpupunas ng kamay dahil tapos na ako sa pagtingin ng mga kulang sa kitchen namin. Saktong lumabas si Teyah mula sa kwarto niya.
Taliwas sa itsura ni Dreigo kanina ang nakikita kong Teyah ngayon. Tahimik lang sya at nakabagsak yung mga balikat nyang lumapit sa amin ng tawagin sya nila Ate Pao para may ibalita.
“Papanindigan na naming maging tagapag-alaga ng bata.” Nagulat ako sa sinabi ni Ate Pao. Anong paninindigan? Kaya ba sila kinikilig kasi meron na namang isinuko ang bataan?
“BAKIT MAY BUNTIS BA SAINYO?” sumigaw ako sa gulat. “Ano? Sinong buntis? Sinong ama? Bakit kayo ganyan, pwede niyo namang sabihing may boyfriend kayo diba? Grabe ah.” Natawa si Kiel at Ate Pao sa naging reaction ko.
Sumegunda si Anne. “Wow. Big word, ikaw kaya? Edi sana di ka umiiyak-iyak dyan nung isang linggo.” Nakatawa syang nakatingin sa akin, yan! Ipinamumukha nila sa akin yung naging breakdown ko nung isang linggo. Sabi ko sa inyo walang sikre-sikreto sa mga ito eh.
“Teka kasi!” sigaw ni Amelle, “Magtatayo daw kasi si ng daycare center.” Daycare eh mga nurse sila. Mga teachers ang nasa daycare – nagtuturo sa mga batang makukulit.
Bago pa man ako makapagtanong, naunahan na ako ni Teyah,“Daycare yung may nagtuturo diba? Parang pre-school.”
“Iba yun. Daycare yung may play area? Yung nakikita sa mall.” saad ni Kiel.
“Why would you do that if meron na pala sa malls? Isn’t it like…wasting money and time?” It’s true. Paano naman papatok yun kung meron naman na palang ganun at nasa malls pa.
Inexplain naman sa amin ni Ate Pao na experiment lang ang lahat. Ita-try lang daw nila or namin rather. Dahil masyado kaming natutuwa sa pag-aalaga kay Saskia tapos lagi pang kasabit si Dalli sa bawat oras na kasama namin si Saskia.
Pareho kasing busy ang David brothers at kanya-kanya silang business na hina-handle. Willing naman kaming mag-alaga, lalo na ako dahil wala naman akong ginagawa.
Natahimik na si kambal at natulala na lang sa isang parte ng bintana. I have a bad feeling about this though. May mali. May something sa ikinikilos ng isang to. Pero hindi ko naman alam kung pano i-approach.
Dahil na rin siguro ito sa madami akong iniisip. Nakinig na lang ako kila Ate Pao na tuwang-tuwa sa pinaplano nila. Hindi ko naman sinasabing hindi ko sila sinusuportahan pero… bakit kailangan magtayo ng daycare? Pare-pareho kaya silang may trabaho.
Itatapon na lang nila lahat ng pinag-aralan nila ng ilang taon tapos may iba silang pagtutuunan ng pansin? Naisip ko lang naman, ayaw ko naman kasing mahirapan at mabigo itong mga kaibigan ko lalo na si Ate Pao.
Nag-ring yung phone ko at nakita kong si Mommy pala yung tumatawag kaya I tapped the answer button, “Mommy?”
“Yes, Valeria. Pwede bang bumili ka ng ilang kailangan para sa birthday namin ni Daddy?”
“Oh. Okay, Mom.” Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa side ng sofa at nagpunta sa kwarto ko para kumuha ng pen and paper nang mailista yung ipapabili ni Mommy.
“Mom, bakit ang dami? Tayo-tayo lang naman ang nandun?”
“Hmm…no. Your Dad invited some people over. High school friends na nasa Tagaytay din.”
“Oh…okay sige, Mom. Alis na ako. Isasabay ko na lang ito sa pamimili. I’m about to go to the grocery eh.”
“Okay, Valeria. Thank you. Keep safe. I love you, baby girl.” We ended our call at hindi ko maiwasang mapailing sa tawag ni Mommy sa akin. Baby girl? Really.
Ibinulsa ko yung listahan kasama na rin ang card at phone bago tuluyang lumabas sa kwarto. Hindi na ako nag-ayos, parang mag-grocery lang. Kaya nagpaalam na ako sa kanila at hinayaang planuhin yung sinasabi nilang daycare.
Nag-taxi ako papunta sa grocery store dahil malayo-layo din yun sa condominium building naming magkakapatid. Ayaw kong mag-commute dahil mainit kahit na Ber months na. And I’m blaming climate change for that.
Itinuon ko yung pansin ko sa pagkuha ng iba’t ibang items lalo na yung cereals na gustung gusto ng mga kapatid ko. Parang mga bata – mapapatay ako ng mga ito pag hindi ko kinuha yun.
Nagpabili si Mom ng dalawang balot pa ng paper plates and plastic spoon and forks. Okay, so sige, pagbibigyan na namin sila this year. Tutal kami namang magkakapatid ang nasunod last. Sa rest house kasi namin sa Tagaytay gagawin ung birthday nila and I think yung bigtime friends nila eh nandun din dahil magaganda at malalaki ang mga bahay dun.
Naghahanap ako ngayon ng rootbeer na gusto ni kambal nang bigla akong may mabunggo, “Whoa, whoa.” Hinawakan nung nakabunggo ko yung balikat to steady me on my feet
“Oh, sht! Sorry…” mabilis kong sabi habang papatingin ako sa kanya.
“Never thought T. Swift’s dancer is this clumsy.”
Jusko maryosep. Ipinaalala na naman nung sabong panlaba yung nakita nya nung isang linggo.
“Sa lahat naman ng pwede kong makabunggo ikaw pa. Lumayas ka nga dyan sa mga pagkain. Maglalasang sabon yang mga yan.” Umalis ako sa harap niya at pinuntahan kung saan ko nakita yung Rootbeer. Kumuha ako ng Isang 1.5 liters at tatlong in can para sumaya ang buhay ng Kambal ko kahit paano.
Itinulak ko yung cart ko at nagpunta na sa cashier dahil gusto ko na rin umuwi. Tumingin ako sa wristwatch ko and it’s nearing 4pm. Naramdaman kong may sumusunod sa akin sa likod kaya agad koi tong nilingon at nakita ko si… si…
Napadako ako ng tingin dun sa mga powder sa aisle na kasalukuyan naming dinadaanan, naaninag ko yung isang brand ng powder doon saka ko naalala yung pangalan niya, “Breeze.”
Nagulat sya sa pagtawag ko sa kanya dahil busy syang tinitingnan yung basket na hawak nya. Natawa pa ako ng kaunti dahil sa itsura nya. He’s wearing his sweats paired with a blue shirt at mukha syang galing sa pagkakahiga sa itsura niya.
Ngayon ko lang napansin dahil pinangunahan ako ng gulat at hiya kanina dahil naalala ko na naman yung nasaksihan niya nung isang linggo.
“Oh?”
“Anong ginagawa mo?” nakasandig lang ako sa cart habang naka-side para tingnan sya.
“Magbabayad…?” hindi nya sure na sagot sa akin. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad at nakasunod pa rin talaga sya sa akin. Bigla akong humarap sa kanya na naging dahilan ng pagkakabunggo ng dibdib nya sa mukha ko, nasabi ko na bang mas matangkad sya sa akin at yung noo ko abot lang sa bungad ng dibdib nya.
Umatras ako kaunti at tiningnan sya, “Bakit kaba sumusunod sa akin?”
Tumawa sya at umiling, “Whoa. Teka lang, magbabayad lang din ako.” Pinaningkitan ko sya ng mata bago luminga sa ibang counter, “Ang dami-daming counters dito sa akin ka talaga nakasunod?”
Inalis ko yung tingin ko sa kanya at inuring yung cart ko paabante dahil next na yung nasa harap ko. Nagulat na lang ako ng bigla nyang ipatong yung basket nyang hawak sa cart.
“Anong problema mo?”
“Makikisabay ako. Sabay na rin tayo pabalik sa building.” Hinawi nya ako patabi at sya na ang nagtulak nung cart na yun paabante. Inuna nya yung laman ng cart ko at hinintay na ma-scan nung babae yung mga yun at isinunod yung laman ng basket na dala niya.
Pinilit ko syang itulak para makalapit ako sa babae pero nakaharang sya at parang wala syang nararamdaman na pagtulak.
Umikot ako para magpunta sa harap nung cart at inabot ko sa babae yung card na ipambabayad ko, “Miss oh.” Tiningnan ako nung babae na para bang tinubuan pa ako ng isa pang ulo. Napansin ko namang dahan-dahan na sya nag-swipe ng isa pang card dun sa machine, “W-wait!”
“Sige lang, miss. We’re together. Pakihiwalay na lang yung lalagyan niyang mga nauna dito sa isusunod ko.” Kalamado nyang sabi dun sa babae at hinawi yung kamay para hilahin ako at ilagay sa likuran niya.
“Breeze! Paano ko babayaran yung mga pinamili ko.” Hinampas ko yung likod nya pero mukhang ako pa yata yung nasaktan sa ginawa ko, hindi ready yung kamay ko sa tigas ng bwitreng likod nya. Gawa yata sa bakal.
Pinisil-pisil ko yung kamay ko at nakita ko syang nakangisi habang nakatingin sa akin. “Sisingilin ko na lang yung kambal mo sa isang araw.” Nginitian nya ako at dun ako nagtaka dahil wala naman akong alam na pupuntahan ni kambal besides birthday na nila Mommy three day from now.
“Pinagsasasabi mo? s**t, nagkautang pa ako sa iyo!” wala na akong magawa kundi ang sundan sya habang tulak-tulak pa din yung cart palabas ng carpark. “Breeze? Akin na yung pinamili ko.”
TIningnan niya ako, “Sabi ko sabay tayong babalik ng building.” Ibinalik nya yung focus nya sa paglalagay ng grocery sa trunk ng sasakyan nyang Hummer. Malaki at malawak na mukhang ginagamit pang-travel sa uneven dirt roads and sands.
Tumayo ako sa harap nya ng nakapamewang habang nagta-tap yung paa ko sa sahig. Napatingin sya ulit sa akin at ginulo yung buhok nya, “Sige na, sige na. Pasok na dun sa loob! Baka mapatay ako ng kapatid mo pag hinayaan kitang bumalik mag-isa dito. Dali na.” Itinulak niya ako at pinagbuksan ng pintuan.
“I want to choke you to death right now, Breeze.” Sabi ko habang tiningnan ulit kung pano ako aakyat ng upuan.
“You cannot do that. Walang magda-drive sayo pabalik.”
“Magtataxi ako.” Hanggang ngayon nakatingin pa din ako sa exterior ng papasukin kong sasakyan kasi naghahanap ako ng kakapitan para makasakay. Napakataas naman kasi nito. Walangya yan.
“Psh. Ang pandak kasi.” Binuhat na ako at ipinatong sa upuan. “Inom ka cherifer baka sakaling may pag-asa ka pa.” Itinulak na yung binti ko para maipasok na tuluyan sa loob saka nya ibinagsak yung pintuan.
Maya-maya pa nakita ko syang nagpunta sa side nya at saka nagdrive pabalik sa building.
Lord, please tell me this is the last I will saw him? Nauubusan ako ng dugo sa kakaintindi sa napakaweird na kautakan ng kaibigan ni Dreigo. Bagay silang magkaibigan ni Dreigo, parehong may sapak sa utak.
**
November 18.
Dumating ang araw ng birthday nila Mom and Dad. Hindi namin kasama si Teyah dahil kasama siya ni Dreigo sa pupuntahang business meetings nung nakaraang araw.
Pilit ko pa ring iniisip kung paano nalaman ni Breeze na may pupuntahan ang kambal ko. Tinawagan ko kahapon si kambal ng bandang 6pm or something at narinig kong kasama niya si Breeze with his Mom and assistant Julia. Naging mabilis lang yung pag-uusap na yun. Ni wala pa ngang ilang segundo and Teyah seemed distracted.
It’s nearing 5pm and wala pa din kaming alam kung nasaan na yung dalawa. Tinry ko nang tawagan si kambal pero hindi sya sumasagot.
Iniisip ko tuloy kung kasama nya pa rin si Breeze? Bakit naman kasama nila yung Mom ni Breeze? Hindi ko rin naman matatawagan si Dreigo dahil wala akong number nya dito sa phone na hawak ko. Nasa kabilang phone ko kasi kaya si Ate Pao lang ang merong number nung dalawang yun.
“Thea,” narinig kong tawag sa akin ni Ate Pao na nasa bungad ng pintuan papasok ng veranda. “Hindi na makakapunta si Teyah. She asked me to tell you na mag-stay sya dun sa unit mo.”
“Eh?” Hindi ko maiwasang magtaka sa pinagsasasabi ni Ate Pao. “Bakit? Nasan si Dreigo?”
“I don’t know. Pero mukhang hindi na magbabago isip ni Teyah. Nandun pa rin naman diba sa ilalaim ng flower vase sa may pintuan mo yun diba?”
“Hmm…Oo. Pero dapat…” napaisip ako dahil dapat kung may tao dun sa loob ng unit ko dapat ipasok yung flower vase. Para malaman na, “Ay nevermind. Text ko na lang sya mamaya.”
Ang pilit ko lang ipinagtataka eh bakit kailangan nyang magstay sa unit ko? Hindi sa pinagdadamot ko pero may unit kami, hindi ba? I can feel something’s going on. And it feels wrong. May mali talaga sa set up ngayon.
“Tara na sa baba. Dumating na yung friends nila Mom and Dad. And nandyan na din sila Dalli.”
“Nandito sila Dalli?”
“Duh. Oo, kakasabi ko lang, hindi ba? Ininvite na rin sila nila Dad. Nagbakasakali lang but fortunately, nakasunod sila. But Ck’s nowhere in sight. Kasama yata sya ng parents ni Lois with Saskia.” Si Kuya Gage pala kasi ang nakakausap nila na gumawa nung daycare kaya kilala na rin sya nila Mom and Dad. Besides, they like the cute Dalli at namimiss na raw nilang magkaroon ng baby sa bahay.
Tumayo na ako at sumunod pababa, nakita kong full swing na talaga yung birthday nila Mom and Dad. Pero puro kasing-edad nila yung makikita mo. “Valeria. Paoline.” Tawag ng parents namin sa amin habang may kausap na tao. Mukhang mag-asawa silang dalawa eh.
“Carol and Clifford.” Panimula ni Dad, “These are our girls. This is Valeria,” nakipagkamay at beso ako sa mag-asawang kaharap namin. “And this is our eldest, Paoline.”
“Oh. Hi. Nice to finally meet you girls.” Nginitian lang kami nung babae at nagtuon ng pansin sa parents namin. “I thought you have twins? Three girls ang anak niyo, hindi ba?” tumingin ito sa asawa niya confirmation.
Natawa sila Mom, “Yes, yes. Our youngest, who is Valeria’s twin, was caught up with something. May nilakad lang.”
Tumango-tango yung dalawa at muling ngumiti sa amin. Hindi ko naman napigilan hindi magsalita, “Okay lang po yun. We’re twins, parang nakita niyo na rin sya.”
Napahalakhak yung mga kaibigan nila Mom at kinurot naman ako ni Ate Pao. “Ang corny mo. Tara na nga.” Nagpaalam si Ate Pao para hilahin ako palayo sa kanila.
“Kesa magjoke ka ng corny dyan, punta ka muna sa likod. Dun may table dun sa tabi ng mga pagkain? Pakuha naman nung book dun.”
“Bakit ako kukuha?”
“Dali na, story book ni Dalli yun at kanina pa nya hinahanap yun.”
“Ikaw na nga kumuha!”
“Ako na ng asana. Kaso kailangan kong asikasuhin yung bisita nila Mom and Dad dun.” Itinuro nya yung iilang doctor friends ng parents namin, “Ibinilin niya sa akin kanina yun bago tumawag si Teyah.”
Wala na akong magawa kundi ang lumabas sa malawak na likuran nung bahay kung saan may iilang bilang na tao ang nandun para magpahangin. Yung ilang dun mga pinsan ko lang na taga dito lang din sa Tagaytay.
Nag-stay muna ako sandali sa isa sa mga benches at kumain kaunti para nagmumuni-muni para makapag-isip sa mga nangyari ng mga nakaraang linggo.
Natatawa na lang ako sa tuwing naiisip ko kung anong itsura ko kapag umiiyak ako at nagmumukmok sa isang tabi dahil sa ginawa ni Keegan sa akin. Speakng of Keegan, wala na akong nakita pang missed call at texts simula nung buksan ko ulit yung isa kong phone na maghapon magdamag na nagriring dahil sa kanya.
Which is nice. At least wala na akong pproblemahin. Aayusin ko na buhay ko at sisiguraduhin kong hindi na mauulit yung nangyaring yun. Hindi na ako magpapadala sa sa mga katulad nya. Hindi na rin muna ako mag-iisip ng kung anumang related sa mga lalaki.
Tumayo ako at pinagpag yung kamay ko na may powder pa nung kinakain kong graham balls na specialty ni Mommy. Hindi ko alam kung anong nilalagay nya dito pero ang sarap sarap lang nito.
Lumapit ako sa tinutukoy na table ni Ate Pao at nakita ko na agad yung libro na sinasabi ni Ate Pao kaya agad kong kinuha yun. Hindi pa man ako nakakalayo sa table eh may nanghablot na sa braso ko. Tiningnan ko sya at nakita ko na lalaki pala itong nangangaladkad sa akin, no wonder ang lakas lakas ng grip niya. Hinila ako nito palayo at papunta sa side ng bahay namin kung saan wala masyadong tao.
Fck! Hindi na rin ba ako safe sa loob ng sarili naming bahay? Bakit bigla-biglang may nanghahablot?
Ipiniglas ko yung braso ko pero bigla akong hinarap ng kung sino man yung naghihila sa akin at nakita ko si Keegan na nakamaong pants at naka-navy blue na sweater. Malamig naman kasi dito kayaganito ang get up niya.
“What are you doing here, Keegan?!” I stared at him dumbfounded. Dahil! Sabi ko hindi na ako mag-iisip ng kung anong related sa lalaki pero itong walangyang lalaking ito ang pilit na lumalapit!
“My parents brought me here. Paalis na sana ako pero nakita kita. We need to talk, Thea. Please.” Hinawakan nya yung dalawa kong kamay and he squeezed me as if asking if it was okay. Well, it is not.
“Bitawan mo ako, Keegan. Wala na tayong dapat pag-usapan. Enough na yung narinig ko the last time I saw you. Dun ka na lang sa babeng katabi mo.” Kalmado kong sinabi sa kanya. Ang akala ko talaga hindi ko na to makikita dahil tumigil na rin sya sa pagtawag at kung anumang panggugulo.
“Baby, baby. Please listen.” Bumaba ng ilang octave yung tono ng boses nya at niyuko nya din yung ulo niya para mapagtama yung mga mata namin.
Nag-iwas ako ng tingin at hinintay syang magsalita. Might as well do this now nang matapos na at makapagsimula ako ulit. Naaalibadbaran lang ako sa mukha niya.
“Look at me.” Mahina nyang pagkakasabi pero hindi ako natinag. Narinig ko syang bumuntong hininga, “Baby, hindi naman totoo yung narinig mo. I was just joking. My friends are planning on asking you out dahil sila yung nagpupustahan kung gaano tayo katagal mag-stay.”
Natawa ako sa pinagsasasabi niya. Dahil pareho naming alam na hind totoo yung sinasabi niya. Rinig na rinig ko lahat at kitang kita ko kung gaano makapulupot yung babaeng yun sa kanya, “Sinong niloloko mo, Keegan? Wag ako. Alam kong natatandaang sinabi mo nun, See? I told you. I can make her my girlfriend in less than one month. Wag mo akong gaguhin.”
Napahilamos sya ng mukha niya, “Thea...” tiningnan niya ako at saka sinapo ng mga kamay nya yung mukha ko.
Bago ko pa man maiiiwas yung mukha ko sa mukha niya, hinalikan niya na ako.
Nakahawak sya sa mukha ko at mas nilaliman yung halik na ginagawa niya. Buong lakas kong inihampas sa kanya yung story book na hawak ko na naging dahilan para humiwalay sya.
“Ano naman ngayon Keegan? Ipagmamalaki mo rin sa mga kaibigan mo na maaangkin mo ako ngayon araw na ito? Magkano ba pinagpustahan nyo, ako na mismo magbibigay sa inyong magkakaibigan para pare-pareho kayong nanalo. Panalo na kayo, napaglaruan niyo na ako.”
And with that, I walked out of his way and went straight inside to look for Dalli para maibigan ko na yung story book na nakapanakit sa taong gusto kong patayin sa inis.