00004xx
Bakit?
After that kiss incident, isinumpa ko na talaga sa sarili kong hindi na ako magsasawalang bahala sa paligid ko. Ni hindi ko alam na nandun pala yung mga magulang nun ni Keegan.
That a-hole needs to burn in hell. Nagawa pang magsinungaling eh huling-huli ko na nga? I wonder who his parents are though. NI hindi ko nga talaga siya kilala. Dapat pala pinili ko na lang na makinig sa mga thesis mates ko. Tutal mga tsismosa yun at kasama sila actually sa “fansclub” kuno nun ni Keegan. Sila ang nag update sa akin dati nung palagi pa lang kaming nagkakausap ni Keegan kung nasaan sya, anong ginagawa niya whatsoever.
Nung una wala akong pakialam pero nung biglaan ko syang sinagot, naging interasado ako sa mga ginagawa nya – that’s why I have watched different drifting videos and yung videos na kuha nung mga fanpages nya.
I didn’t even know na madami yung umiidolo sa kanya. Sabagay, kung makikita niyo lang yung mga sasakyan na naid-drift nya, maraming maiinggit na mga lalaki. Pagdating naman sa mga babae, hakot s*x appeal and hotness yun plus yung itsura pa nya diba? Ewan ko ba.
Enough about Keegan and his drifting and lying ass.
Nag-aalala ako sa kambal ko. There’s something wrong.
At kapag sinabi kong mali, mayroon talagang mali.
It’s been 4 days since our parent’s birthday pero hindi pa din namin mahagilap si Teyah. Alam naming nasa condo ko sya pero pag nagpupunta kami dun, lagi syang wala. Lagi syang gabi umuuwi at at umagang umaga umaalis. Ni hindi namin alam kung anong meron pero palagi pa ding nagtatanong si Dreigo sa amin kung alam na namin kung nasaan si Teyah.
As much as we want to let him know, kami na muna ang bahalang magtanong at maghagilap sa kapatid kong walang kasing tigas ang ulo. Kasalukuyan akong naghuhumangos galing sa school dahil pinatawag na naman ako ng head namin para i-confirm yung date ng alis and kung gaano kami katagal dun sa conference na mangyayari next year ng January.
Hindi ko din alam kung bakit isa ako sa ipapadala dun dahil I honestly didn’t even know na kilala ako nung head namin. Alam ko kasi dapat third years nung mga ipapadala pero ang sinabi eh yung graduates na lang para hindi maging sagabal dun sa studies nung lower year.
Nagmamadali akong sumakay sa elevator para makapagpalit ng damit. Ayaw kong maghanap kay kambal ng nanlalagkit dahil sa init. Dapat talaga magta-taxi ako kaso wala akong mahagilap kaya nag-jeep ako.
Nagmamadali akong lumabas ng elevator at lumiko sa hallway namin. Napaatras ako at napahawak sa dibdib ko nang makasalubong ko ang sullen-looking Dreigo at may hawak-hawak itong envelope.
“Dreigo! Anong ginagawa mo dito?” pinunasan ko yung pawis na nakalinya sa mukha ko. Bwisit na panahon ito, nakakapanlagkit.
“Nagbabakasali kung nandyan si Teyah.” Whatever their problem is, nakikita kong malaki iyon. Wala pa nga silang ilang linggo na mag-on, LQ agad? Walangya talaga itong dalawang ito.
“Dreigo…” huminga ako ng malalim at lumapit kaunti sa kanya. “Pag nakausap namin sya, ako mismo tatawag sayo. I hope whatever your problem is, sana maayos niyo.” I know I should side with my sister pero hindi ko alam yung nangyayari kaya neutral lang ako. I don’t want to sell my sister to the devil but knowing Dreigo, ayaw niyang nasasaktan si Teyah – nakita ko yun sa nagiging interactions nilang dalawa. Kahit laging nag-aaway yang mga yan dahil na rin matigas ang ulo ni Teyah, alam kong mahal sya ni Dreigo.
It was early to tell dahil sa pagkakaalam ko ilang linggo pa lang silang magkakilala pero if you look into Dreigo’s, his actions tell and I don’t even need any confirmation.
“You would do that?” hindi makapaniwalang sagot ni Dreigo sa akin, “You should’ve strangle me to death with whatever you can get your hands into right here, right now. It’s your sister we’re talking about.”
Hindi ko kinaya yung sinabi kaya hindi ko mapigilang hindi matawa. Siguro nga sya yung dahilan kung bakit nawawala si Kambal but let’s give Dreigo the chance to make it up to kambal.
“I should, shouldn’t I? Pero hindi, mabait po akong tao. May ipabibigay ka ba kay Teyah?” napatinag sya at napatingin sa hawak nyang envelope.
“Oo. Please give this to her.” Inabot nya yung envelope. “Ano ito?”
He just shrugged then smiled, “Just…give it to her.” He clamped my shoulder then proceeded to go. Umariba yung pagkachismosa ko kaya bago ako tuluyang pumasok sa loob, binuksan ko yun at inilabas ang nasa loob nito.
“WHAT THE –“ Naikabig ng paa ko yung pintuan at agad na tinawagan si Ate Pao at sinabing papunta na ako sa isang convenience store kung saan sila kumakain ngayon sa kabilang street.
Kailangan nilang makita ito dahil ang hawak ko ay ang marriage certificate nila ni Dreigo.
What did you do, kambal?
Tinawagan ko na si Cait. She’s actually a high school friend kaya kilala namin syang pareho ni Teyah. At sa dinami-dami nga naman ng pwedeng kasama ng kambal ko eh si Cait pa talaga. Nawala din kasi sa isip ko na ang pupuntahan pala nila ngayon yung Catholic school na pinag-applyan nila as guidance counselors. Pagkakataon nga naman. Thank you, Lord!
Nabanggit ko din kasi kay Cait na parang may mali ikinikilos ni Teyah and she confirmed it too. Medyo balisa nga daw si Kambal.
Kaya agad na kaming nagpunta somewhere in Tomas Morato para mahagilap ang kambal ko at mapagsabihan.
“Bakit may marriage certificate dyan?” silip ni Kiel sa Manila envelope habang idinidrive yung van na pinahiram ni Jett. Wagn iyong itanong kung bakit may van si Jett, basta pinahiram niya.
“Jusko, Kiel! Wag ka nga sumilip-silip! Maaksidente pa tayo.”
“Sabihin niyo na kasi! Pangalan ba nila Teyah yung nandyan.”
“Malamang Kiel. Hindi ako maghysterical ng ganito kung pangalan ko yung nandito at yung pangalan ni Gage.” Kinikilig kilig si Ate Pao habang sinasabi yun.
Amelle, Kiel, and I groaned out loud at nahampas ko ng bag si Ate Pao. “Wag kang mangarap please. Maghunos dili ka.”
“Bakit ba? Sabi nila dream big. Ayan, I’m dreaming big and…” nagtaas baba yung kilay ni Ate Pao sa gusto niyang sabihin. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito itong isang ito. Minsan naisip ko na sya talaga ang dahilan kung bakit kami ganitong Spg girls minsan eh.
“They’re somewhere inside. Nasa isang booth yata sila. I can’t contact Cait, baka lowbatt na phone nya.” Nahuli akong pumasok dahil tinry kong tawagan si Teyah para malaman kung nasaan na sya pero katulad ng kay Cait, out of coverage area.
Sumunod ako sa kanila pagkaraan ng ilang minuto at agarang pinalandas yung mga mata ko sa paligid. Sa kakahanap ko sa kanila, ibang tao ang nahagip ng mga mata ko. Nagulat lang din ako nang makita kong nakatingin lang din sya sa akin.
Parang hindi makapaniwalang kaya kong magpunta sa lugar na katulad nito.
Sa hindi malamang dahilan, na-estatwa ako sa pagkakatayo ko. Hindi ko alam na nakakapagpapogi pala ng todo ang strobe lights sa loob kng isang bar. Kaya rin siguro hindi naresist ni Teyah si Dreigo nung time na nagkita sila nung birthday namin. Oooooh.
Muli akong nabalik sa kasalukuyan nang pitikin ni Breeze yung noo ko, “Thea.”
Muntik nang bumigay yung mga tuhod ko nang marinig ko yung pagkakabigkas nya ng pangalan ko. I inhaled deeply para ma-steady ko yung boses ko at paghinga ko – he literally took my breath away. Para syang model ng jeans at polo-shirt na blue.
“A-ay…Breeze.” Napaatras ako kaunti na naging dahilan para makabunggo ng ilang nakatayong tao malapit sa dance floor. Hinawakan nya yung bewang ko para hindi ako tuluyang makasakit ng tao, “Mag-ingat ka naman. Lahat na lang ba ng tao bubungguin mo?” natatawa nyang sabi sa akin.
Gusto ko sanang sabihin na lumayas sya sa harap ko at baka ipatangay ko sya sa hangin eh hindi ko magawa. Ang lame lang nung statement na yun at wala akong lakas ng loob na umalis sa harap niya ngayon.
The combination of his smell and the people who are smoking right now make me dizzy – he’s too near, I can feel the skin on my nape prickle with goosebumps
This reaction from me is very foreign at lalo akong naguguluhan sa mga iniisip ko.
I looked at him from head to toe – I don’t think I know what I’m doing but looking at him standing the way he was right now and his proximity to me reminded me of what happened last time with Keegan.
But this time hindi na galit at inis yung nararamdaman ko, it was the opposite. I actually like how close Breeze is to me right now.
I think I’m crazy.
How can I possibly feel this way to someone like Breeze? Ang isang mahangin at malokong lalaking katulad nya. Maybe the thing with Teyah’s overwhelming me and the fact na I was still in shock with what Keegan did made me think and feel like this.
Mukha siguro akong siraulong nakatitig sa kanya kaya agad akong humiwalay sa pagkakahawak nya sa akin.
Sakto rin namang dating ng isang napakagandang babae. Napatingin ako dun at bumaba yung mga tingin ko sa mga braso nyang nakapulupot kay Breeze.
She’s taller than me obviously dahil magkalevel ang tingin nilang dalawa ni Breeze. She looks like a doll though. It’s as if she walked right off a damn magazine. Nakasuot pati sya ng blue form fitting dress na classy tingnan lalo na’t exposed yung mahahaba nyang legs.
Nahiya naman daw yung suot kong worn-out, butas-butas na pants dahil kamamadali para mahanap yung kapatid ko.
“Hey babe, what are you doing here?” tanong ni girl sabay halik sa labi ni Breeze.
Bakit parang feeling ko nalugi ako?
Nakita kong pumaikot yung braso nya sa bewan nung babae at humigpit yun nang halos hindi na yata sya makahinga ginagawang pag smother nun sa mukha nya.
Finally, humiwalay yung babae sa kanya at pinunas-punasan pa yung lips nya na mayroon nang red lipstick na nagkalat.
Ack, too much PDA will kill you.
Ipinilig ni Breeze sa side niya yung girl. More like tinanggal niya yung pagkakadikit nung mala-model na katawan nun sa katawan niya. Kulang na lang kasi eh kumuyabit sa kanya si girl.
Maayos nya akong hinarap, “Hey, Thea… meet Fleur.” Napatingin ako dun sa tinutukoy nyang Fleur. “…my girlfriend.” I discreetly cringed at the word and hindi ko namalayan nai-clench ko na yung mga kamay ko into a fist.
Nakita kong napalitan ng matagumpay na ngiti yung mukha ni Fleur at pumalakpak pa ng kaunti ng ipakilala ako as Teyah’s twin. Unfortunately, kilala nila si kambal dahil kay Dreigo.
Lumapit sya sa akin at nakipagbeso, “I heard a lot about your twin. I guess, nakita ko na rin sya dahil sayo. You look alike, right? Identical naman kayo, hindi ba?”
“Ah…eh…oo. Ano, identical kami.” I smiled and laughed awkwardly bago idugtong ang mga salitang makakapagpalayas sa akin sa harap nilang dalawa, “Sige. Ahm, hanapin ko muna yung mga kaibigan ko.”
I scrambled my way towards some unknown direction para simulang maghagilap ng mga kapatid at kaibigan. Ang hindi ko lang maintindihan talaga eh yung nararamdaman ko ngayon.
I should’ve been past Keegan’s shittiness, right?
Pero hindi naman para kay Keegan itong nararamdaman ko at iyon ang pinagtataka ko.
Bakit affected akong may girlfriend na si Breeze?
Bakit?