00005xx

1503 Words
00005xx Valley   This past few weeks have been eventful. I can’t even think straight. I. Just. Can’t. First, nagkaayos na si Dreigo at Teyah right after their moment sa unit. Kapalit nga lang nun yung pagkakabasag ng ilang vases at ang pagkakasapok sa gwapong mukha ni Blade. Have I mentioned Blade before? He likes Teyah pero dahil pinaglihi yata sa ganda ng ugali itong si Blade, nagpaubaya sa kaibigan. He’s rich and good-looking naman… he can have every woman he wants. Bakit kasi nagkagusto sya kapatid kong inlove sa isang dragon? Next is that after lang ng ilang araw, nawala na naman itong Dreigo. Can you imagine that? And as what I’ve expected from kambal, nabaliw na naman. Almost one month din kasing nawala si Dreigo at hindi nagparamdam tapos ang lagi lang nyang nakakausap ay si Blade at Breeze. Malalaman na lang niya dun kay Breeze na isang linggo na palang nakabalik si Dreigo. Umabot naman si Dreigo ng Pasko at nagkaayos sila ulit ng matigas kong kambal. Dumating sa puntong nagpatulong itong si Dreigo sa pagpplano ng isang party para sa parents namin. Well, I didn’t even know our parents would react to Dreigo’s breaking news na kasal na sila ng kambal ko. Naghihintay na lang kami noon ni Ate Pao ng sasabog na bulkan pero wala. Naging masaya pa actually si Dad nang malaman nyang tinuluyan na nyang pinakasalan si kambal. That left Ate Pao and I gaping at both them like goldfishes inside a fish bowl. Parang…wow. Okay. That went well. Next was the disastrous dinner with Dreigo’s family. Should I go into full detail? I guess you wouldn’t want that, right? Pare-pareho kaming in shock nun sa inasal ni Tito Mariano and pati na rin on how Teyah handled the situation – she defended Dreigo in front of his parents! Dropping f bombs and curses all throughout. If that wasn’t bad ass, I don’t know what is. And now, nandito kami ngayon sa blessing ng Daycare na pinaghirapan pag-isipan ng magaling naming kapatid na si Ate Pao. She has taken all the possible night duties para in the mornings, ididiscuss namin yung mga mangyayari at dapat mangyari sa pagpapatayo ng Daycare na ito. Hindi naman sya nagrereklamo dahil pare-pareho naman naming alam how she admires Kuya Gage and I think there’s something going on, I just can’t pinpoint it. Hindi mo rin naman matatanong dahil magaling manlibang at magdivert ng usapan yang kapatid namin – which is her ultimate talent. Sya lang ang may kayang makapagdivert ng usapan from one thing into another. “Ang ganda naman ng kinalabasan nito, Ate.” She patted herself on her shoulder then praised herself all the way, “Malamang. At dapat lang dahil magaling naman talaga ako.” Tumawa ako sa kalokohan nya, “Bakit? Ikaw ba gumawa at nag-finalize ng design nito?” “Hindi. Nakaisip lang at nagmonitor.” “Nakaisip, oo. Pero si Kuya Gage ang gumalaw lahat. At nagmonitor? Who did you monitor, Ate Pao? Who kasi alam ko kung sino.” Napahagikgik sya ng tawa at hinila yung buhok ko, “It’s hard to resist the temptation. Would you pass up an opportunity to ogle a very hot man while doing manual labor, flexing arms, and sweating tons of calories off of his body?” She emphasized each word matapos akong akbayan at tiningnan ng nakakaloko, “Why, Ate! Why?” Tumawa lang sya nang tumawa habang hinihila ako papunta sa kung nasaan na ang lahat at naghihintay ng makakain. Marami rin ang nandito. Tita Sandra and Titus, Ck and Saskia, Gage of course and Dalli, close nila Mom and Dad and family nila Kiel, Anne, at Amelle. The place is buzzing with chit chats and laughter. Nakita ko ng  pumasok na sunod habang magkahawak ng kamay si Teyah at Dreigo. Kanina ko pa nga napapansin na fidgety si kambal. Simula pa lang ng dumating sila at habang nagb-bless si father ng bawat kwarto. Nagpunta silang dalawa sa harap at tumayo lang don for a brief second bago kumuha ng wine glass si Dreigo at ng fork. He used that to get everybody’s attention. “Sorry to interrupt and snatch the day care’s moment…” pagsisimula niya. I became worried, I guess ganun din yung mga kaibigan namin kaya tumayo kami kasabay ng pare-parehong pamilya sa side nain at ni Dreigo. “Well....?” pagtatanong ni Amelle at Anne ng sabay habang pare-pareho silang naghihintay. Lumapit si kambal kay Ck at walang kahirap-hirap na kinuha si Saskia. “Well…Teyah is…” pambibitin pa niya sadali at tiningnan si kambal. Nakakatunaw yung mga ganung titig, kanino ko kaya makukuha yung mga ganyang titig para sa akin eh no? “She’s pregnant! Saskia and Dalli would have another playmate in 7 months.” Dreigo announced proudly to everybody. Medyo nag-slow mo pa yung takbo ng utak ko for about 2 minutes bago kami sabay-sabay na nagtititiling magkaibigan sa harap nilang dalawa. Nagtatatalon pa kami na para bang may napalanunan kaming premyo sa narinig namin. Narinig ko ang iba’t ibang bati ng nakapaligid sa amin para sa kanilang dalawa. I feel elated because I’m really going to ba an Aunt! Teyah’s going to have a baby. Though she’s the youngest, I can’t help but feel happy for her. Kasi finally, I can see how both Dreigo and her love each other. Magdagdag pa ng baby in equation and everything’s going to be alright “WE HAVE TO PLAN SOME BABY SHOWER, THEN!” Sinigaw ko sa kanila na sya naman ikinatuwa ng mga kaibigan ko. Nagstart na silang magplano kung ang mangyayaring baby shower. Narinig kong tumunog yung phone ko at nakita kong nagtext si Breeze, tinatanong kung ready na ba yung pinabalot nyang gift para dun sa baby shower. Maya-maya nakita kong tumatawag na sya. “Anong problema mo ba? Bakit kasi hindi mo ipinabalot to doon sa girlfriend mo?” wala nang greet greet at nabbwitre buhay ko sa mga ito. He snorted, “I can’t rely on Fleur doing something as complicated as that.” “Complicated?! Jusko, magbabalot lang ng regalo eh.” Napapailing na lang ako habang nag-aayos ng gamit sa maleta ko na dadalhin ko sa seminar na pakana ng school. I should’ve been with my friends right now planning for my twin sister’s baby shower lalo na’t ako yung nag-suggest na magkaroon ng ganung ganap. Speaking of Breeze, isa pa yan sa nagpapasikip ng utak ko. He has been bugging me like there’s no tomorrow. Lagi akong kinukulit. Konting bagay itatanong sa akin lalo na nung nalaman nyang Bio graduate ako. Lahat ng tanong niya about life itself sa akin itinatanong. Napapa-face palm na lang ako sa sakit ng ulo sa isang to. I still have the same reaction whenever he’s near. Para akong kinukuryente pag nandyan sya. Kakasabi ko pa lang noon na hindi na ako mag-iisip ng kung anong related sa lalaki pero itong si Breeze, laging nakaharang sa space na dapat dinadaanan ng overflowing ideas ko. ANg nangyayari, sya lang lagi ang laman. “Breeze! Anak ka ng butaw! Bumalik ka na sa girlfriend mo. Sumasakit ulo ko sayo.” I stuffed his gift inside the paper bag at nagready nang ibigay yung pag dumaan sya. Narinig ko syang bumuga ng hininga at binabaan ang boses, “Come and let me relieve the pain.” Minsan ang gago din nito eh. Hindi ba nya alam kung anong nagagawa ng boses nyang yan sa akin? Saka ang landi-landi! May girlfriend, kausap pa din ako. Aba matinde. “Ano na naman ba? Hindi ka ba dadaan dito? Nag-aayos pa ako ng gamit para sa seminar ko sa isang araw!” Napasinghap sya na parang may naalalang sabihin, “Speaking of gift… hindi ako makakadaan dyan. I’m somewhere in Bataan for some business.” Napatingin lang ako sa hawak kong paper bag. Bigla akong nanghinayang kasi hindi sya dadaan dito - which is werid because what the fck? “Oh…okay." dahan-dahan kong sabi, "Ipabigay ko na lang pala kila Anne. Psh. Walangya ka talaga.” “Yep, yun na nga lang. Sorry, Valley! Bawi ako next time. Alam mo namang ayaw kitang nalulungkot. Bye!” I sighed in relief nang i-end nya yung call. Di ko lubos maisip kung paano ako nakakahinga pag kausap sya samantalang halos hindi ko na ibuga yung hininga sa sobrang pagpipigil na mag-rumble about everything I am going through right now. Masyado kasi syang comfortable kausap. Pero alam ko deep down, I shouldn’t be feeling this close to Breeze. I really have a bad feeling about this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD