KANINA pa nakalabas ng Restaurant si Sebastian, pero hindi maalis-alis sa isipan niya ang babae naka encounter kanina. Nahabag ang puso niya nang matanggal ito sa trabaho dahil sa pagrereklamo niya sa manager nito, gusto niya lang naman pagsabihan ito.
" Kargo de kunsensiya pa kita." naiiling niyang sabi sa sarili.
"De bali na nga lang mabuti narin 'yon nang magtanda. Atleast matoto na 'yun lumugar sa kanyang kalalagyan. " Palubag loob niya sa sarili.
Sakay ng kanyang sasakyan tinungo niya ang kanyang opisina. Napahinto siya sa gitna ng daan ng maabutan siya ng redlight. Wala sa isip napalingon siya sa kaliwang bahagi niya. Ganu'n nalang ang panlaki ng kanyang mga mata ng makita ang pamilyar na mukha ng babae sakay sa itim na sasakyan. Naka baba ang tinted na bintana nito kaya kitang kita niya ang sakay. Hindi siya nagkakamali ang kanyang ex 'yon nakikipagharutan sa kasama nitong lalaki naka upo sa driver seat.
Muling bumangon ang sakit na kanyang naramdaman noon. Ang tagal na nang panahon niluko siya nito pero hindi pa rin ma wala-wala ang sakit sa dibdib niya. Minahal niya ito ng husto, na
halos ibigay niya sa dating nobya ang langit. Pero tila hindi pa iyon sapat sa babae nagawa pa rin siyang lukuhin nito.
Sa dating nobya umikot ang mundo niya. Lahat ng fairy tale na tanging sa pelikula lang napapanood ay ibinigay niya sa babaeng minahal na akala niya ay totoo sa kanya, pero iyon pala ay isang salawahan hindi ito na kuntento sa kanya, humanap pa ito ng iba.
Kaya mula nang lukuhin siya nito hindi na siya nagkaroon ng interest na mag seryuso sa mga babae, siguro magbabago ang pananaw niya, kapag makilala niya sa tunay na buhay ang babaeng palaging dumalaw sa kanya sa panaginip.
“ Pepep!” mga iilang serbato ang kanyang naririnig mula sa kanyang likuran. Napatingin siya sa signal light, Kanina pa pala nagpalit ng green ang kulay nito hindi niya, napansin dahil abala siya sa katitig sa dating kasintahan.
Pinaharorot niya ang sasakyan at nagpaikot-ikot sa daan ng ka Maynilaan. Pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang masasakit na alaala ng mga sandaling iyon. Sa pag-iikot niya ay napunta siya sa isang mumurahin bar, naisipan niyang lunurin sa alak ang sarili.
GABI na nang magpasya umuwi si Rhian, mula sa bahay ng kaibigan. Nasa tabi siya ng daan nag-aabang ng jeepney, naagaw ang kanyang pansin sa dalawang lalaking may bino-bugbug, sa gilid ng daan di kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan.
Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang pagbagsak nang lalaki ng suntukin ito.
Akma naman sundan iyon ng suntok ng isa pang lalaking kasama nong unang nanuntok. Hindi na siya nakatiis na tumatayo na lang at walang ginagawa.
“ Pulis dito po!” Malakas niyang sigaw.
Napatakbo ang dalawang lalaki palayo.
“ Iyon po mamang pulis, tumatakbo po sila papunta roon!” Pagsisigaw pa rin niya.
“Naisahan ko rin kayo.” Sabi niya ng tuluyan makalayo ang dalawang lalaki.
Mabilis niyang nilapitan ang naka handusay na lalaki, para saklolohan ito. Kahit medyo madilim na ay naaninag pa rin niya ang duguan nitong mukha.
“ Pagminamalas ka nga naman!" Palatak niya ng mapagsino ang lalaking sinakluluhan.
Nagdadalawang isip siya kung tutulongan pa ba niya ito o, iiwanan na lamang.
“ Bahala kana nga sa buhay mo!" Mabilis siyang tumayo at humakbang palayo rito.
Naka ilang hakbang na siya nang hindi mapigilan ang sarili lingonin ang binata.
” Hindi ko kaya!” Naiinis niyang sabi at binalikan si Sebastian naka handusay pa rin. Hindi kaya ng kunsensiya niya iwanan ito sa ganu'n ayos.
Dinaluhan niya ito.“ Lord, please tapusin mo na ang gabing ito.” Usal niyang, inalalayan si Sebastian patayo.
“ Nasaan na sila?” tanong nito ng maitayo niya.
Halos hindi na ito makatayo mag-isa sa subrang kalasingan.
“ Sarap mong sipain! Nabugbug kana, hinahanap mo pa sila? kulang paba sa’yo ang inabot mo, ha?" Naiinis niyang tanong rito at binitawan niya.
“ Bugbugin ko ang mga 'yon.”sabi nitong pasuray-suray.
Agad niya itong hinawakan bago pa ito matumba.
“ Yabang mo! hindi ka nga makatayo mag-isa hahanap kapa ng away para ma bugbug ka uli. Saan ba ang bahay mo? ng makauwi kana sa inyo.” tanong niya rito.
“ Nasa amin.” Tugon nitong sinundan pa ng tawa na tila ba nang aasar sa kanya.
“ Pag ikaw hahayaan ko rito, hindi kana maabutan pa ng liwanag.”
Kinapa niya ang bulsa nito para hanapin ang wallet, nagbabaka sakali siyang makita ang address ng lalaking ito.
Ngunit na bigo siya, wala siyang makapa mula sa bulsa nito. Kinuha na ito ng dalawang lalaki bumugbog rito kanina.
Napa hugot siya ng malalim na hininga.
"Talagang malas ako ngayong araw na'to, magiging taga pag-alaga pa ako nito ngayon.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.
Pinara niya ang nakitang taxi dumaan. Wala na siyang magagawa pa kundi, i-uwi ito sa kanila.
“ Pagkatapos mo akong ipatanggal sa trabaho, ako pa talaga itong tutulong sa’yo na damuho ka!” nangigil niyang sabi inalalayan itong maka sakay sa taxi.
" Ano ba kasi ang ginagawa mo sa lugar na'to? Mukhang mayaman ka naman pero bakit ka dito nagpunta para maglasing?" nilingon niya ito pero, naka sandal ito sa sandalan ng upuan at naka pikit ang mga mata.
“ Tutulog tulog kapa ngayon para maiwasan mo ang bunganga ko lassingero na'to. Bukas pag gising mo dika makakalusot sa'kin.” naiinis niyang sabi.
Napatitig siya sa mukha nito." Ano kaya ang nangyari rito? Impossible naman binasted ito ng babaeng kausap kanina, ito pa nga ang nagpapa hard to get." Sa isipan niya. Ibinaling niya na lamang ang mga tingin sa labas ng bintana ng taxi.
“ Manong tulungan mo ako ibaba ang lasing na ito please.” Pakiusap niya sa driver ng marating nila ang skinita papunta sa bahay nila.
Maliit lang ang daan papunta sa kanila, kinakailangan nilang bumaba at maglakad. Hindi naman gaano malayo ang skinata sa bahay nila mga iilang hakbang lang din.
Mabilis naman bumaba ang taxi driver, tinulungan siyang ibaba ang binata at inakay na ito ng driver papunta sa kanila.
“ Sino 'yan kasama mo anak?” Bungad sa kanya ng ina nang nasa pintuan na sila.
“ Tinulungan ko lang nay, pinagtutulungan kasi itong bugbugin sa labas. Hindi ko naman alam saan ang bahay nito kaya dinala ko na lang dito sa'tin.” Paliwanag niya sa ina at pinaupo niya ang binata sa mahabang upuan na yari sa kawayan.
Humiga ito na tila ba nasa sariling bahay ito. Sa taas nitong may anim na pulgada lumampas ang paa nito sa hinihigaan.
“ Bahala kana diyan, mamaluktot.” Aniya.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganu'n nalang siya nag-alala para rito. Inisip na lamang niya na dahil siguro mayaman ito at hindi ito sanay sa ganun lugar at alam niya rin na kapag iniwan niya ito roon ay mapapahamak ito ng tuluyan.
Hinubad niya ang sout nitong puting damit ng makita may dugo.
Kumuha siya ng maliit na towel at binasa niya 'yon, saka muling nilapitan ang natutulog na binata. Pinunasan niya ang bibig nitong may dugo at ang putok nitong kilay natamaan ng suntok.
Pagkatapos niya itong linisin ay ginamot niya ang sugat.
Sinoutan niya ito ng t-shirt na hiniram pa niya sa ina. Nilabhan niya muna ang marumi nitong damit bago siya nagpunta sa kanyang silid para makapag pahinga narin.