bc

Suffer And Affection (Unrequited love Story)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
7.8K
READ
billionaire
murder
alpha
dark
mystery
scary
daemon
like
intro-logo
Blurb

Ano nga ba ang pakiramdam na mayroong isang buo at masayang pamilya? Ito ang katanungan na hindi masagot ni Ava.

Sa tingin ng lahat, isa siyang swerteng dalaga na kinupkop ng isang Mayor ngunit ang katotohanan ay pilit itinatago sa publiko. Siya ay tunay na anak ng Mayor sa isang babaeng bayaran, si Ava ang naging bunga at tinuring na isang kasalanan.

Sa pag-aakala na matatanggap siya ng kaniyang ama, pumayag itong kuhanin ang kursong IT kahit hindi lubos na maintindihan ng dalaga kung bakit iyon ang gusto ng kanyang ama. Habang tumatagal, tila may humihitak sa kaniya dito at napasok ang monstrous site.

“We found you,” tila nakakakilabot na boses mula sa nagdilim na screen. Pinipilit niyang makaalis ngunit huli na, tuluyan na siyang nakapasok dito at ang tanging paraan lang para makalabas ay ang kaniyang kamatayan.

Isang pag-ibig nga ba mula sa isang makapangyarihang tao na nasa loob ng monstrous site ang magliligtas sa kaniya o ang maghahatid ng kapahamakan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Ava, are you with us?” Napaigtad ako sa upuan noong marinig ang boses ng nag-iisa kong guro sa literature na si Professor Emmanuel San Mateo, siya ay mas kilala bilang prof. Em dito sa eskwelahan ng Santo Domingo College for IT students. Hindi lahat ay biniyayaan ng talino para makapasok dito, maraming mga mayayaman ang nagbabayad lamang para bigyan ng mataas na grado at siguro ay mas madaling sabihing kabilang ako sa kanila. Hindi ko piniling mapunta sa ganitong lugar, there’s a lot of toxic people around me. Wala silang ibang ginawa kung hindi ang manira ng ibang tao upang makaangat lang. Gusto kong tumakbo sa sitwasyong pilit nila akong hinuhusgahan, pilit nilang ipinararamdam na hindi ako kabilang sa mundong mayroon sila. Paano ko iibahin ang tingin nila kung mismong si Papa ay walang ibang ginawa kung hindi itago ako sa harap ng publiko, isang batang hindi niya magawang matanggap bilang anak. Mayor Rafael Callegos is my father and the reason why I am enduring this pain. I always put myself to match up with his expectations, but I guess it's not enough. I feel stupid and worthless every time he only looks and points out my mistakes. Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, siya ang palaging nasusunod. Hindi ko alam kung bakit ginusto niyang pasukin ko ang ganitong kamunduhan sa likod ng hindi ordinaryong bagay, ang matutunan kung paano lumikha ng imbensiyong teknikal na tanging makinarya lang ang magpapagalaw, at ako na kanyang anak na isang ambisyosa, baka isang araw ay maipagmamalaki rin niya sa iba. Noong una ay hindi ko talaga gusto ang coding, database, software, peripherals, at mga nakakabaliw na konsepto ng pagiging IT student. Dumating ang isang umaga, nagising na lamang ako sa isang kuryosidad. Ano nga ba ang mundo sa likod ng teknolohiya? Ito ang bagay na nagtulak sa akin para mag-aral. “Ava Callegos!” Nanlilisik na ang mga mata ni Prof. Em kung kaya’t ang mga nandito ay natawag ang atensiyon at sa akin na nakatuon. Kasalukuyan pala akong nakatulala habang nakadungaw sa labas ng bintana. May isang bagay na gumugulo sa isipan ko, ito ay isang konsepto ng lugar na walang imahe. Ito ang monstrous site. “You interrupt my class. Get admission letter to the office!” buong lakas nitong sigaw kahit na sa harapan ko lang naman siya. Hindi na ako nagdalawang-isip pang lumabas, dahil sa kahihiyang maaari pa niyang gawin. Bago ako tuluyang makaalis ay mayroong sinabi si Akira na may sakto lamang ang lakas para iparinig sa akin. “Magkano kaya ang ibinabayad ni Mayor Callegos para lang manatili ang kanyang ampon dito, lugar kung saan hindi bagay ang mababang uri tulad mo.” Hindi na ako lumingon pa, ayaw ko na madagdagan yung mga papel na ipinapadala ng school sa office ni Papa. Kung akala nila ay suwerte ako dahil sa aking ama na kasalukuyang nakaupo sa pamahalaan, nagkakamali sila. ISANG malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni Papa pagka-uwi. Akala ko ‘yon na ang pinakamasakit ngunit hindi pa rin pala, palagi niya akong ikinukumpara sa iba. Paulit-ulit niya itong ginagawa at paulit-ulit lang din akong nasasaktan. “Ava, how many times should I tell you about this? Inilalagay mo ako sa kahihiyan! Mabuti pa si Akira, anak ni Mayor Salvador. She’s excellent and totally different!” Tahimik lang akong nakikinig kay Papa. Masyadong dire-diretso ang bibig niya at nakalimutang ako ang kanyang anak. Palagi na lang niyang ipinamumukha na wala akong silbi sa mundo, ang bawat salita nito ay tila nagtatanong kung bakit pa ako dumating sa buhay niya. “It will never be happen again, Mayor,” sagot ko at umalis na siya. Sa pagtalikod niya ay doon na nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko maipaliwanag kung gaanong kasakit na makitang ipinagmamalaki niya ang ibang tao habang tinatanong ang sarili ko, bakit sa akin ay hindi niya magawa? I am not his adopted child, he’s my real father. Sino nga ba naman ang maniniwala sa bagay na ‘to? Mayroong anak si papa sa isang bayarang babae na nagbibigay ng aliw, at ako ang naging bunga ng kasalanang iyon. Buong buhay ko ay wala silang ginawa kung hindi ituring akong kamalasan. Tatlong taon ang lumipas noong subukan ko ang maging palaboy sa lansangan, maging ang manlimos at pagtulog sa gilid ng kalsada ay nagawa kong pagtiisan. Mahirap ang buhay, ito yung bagay na naging dahilan upang bumalik sa mansyong gumagapos sa kalayaan ko. Tumanda akong walang kinilala bilang tumayong tunay na mga magulang dahil sa pagtira ko rito, isang kalbaryo ang sumalubong sa akin. Hindi ako isang Callegos, iyan ang pilit sinasambit ni papa sa lahat ng nakakausap at nakakasalamuha sa tuwing may nagtatanong. Pakiramdam niya, isang kahihiyang malaman ng iba na mayroon siyang anak na katulad ko. Expectation, iyan ang bagay na hindi ko kayang pantayan sa paningin niya. Sa tuwing nagtatama ang aming mga mata, nandoon yung disappointment nito habang nagtatanong kung bakit sa dinami-raming bata sa mundo, ako pa ang kanyang naging anak. Pinunasan ko na ang mga pasaway kong mga luha, baka bumalik pa siya at lalo akong masermunan. Nang nakarating ako sa aking kuwarto, ibinaba ko na ang dala kong bag at humarap na sa laptop. Marami kami ngayong assignment na kailangan kong maipasa bukas. Hindi naman ako katalinuhan kaya’t kailangan pigain ng husto ang utak para may maisagot. Hindi ko na mabasa ang mga nakasulat dahil sa luhang patuloy pa rin ang pagbagsak mula sa aking mga mata. TING… Tumunog ang notification ko at may sunod-sunod na chat akong nakuha mula sa isang anonymous guy na nagtatago sa pangalang King. Nakilala ko siya sa isang page about hidden website. Dahil dummy naman ang gamit naming mga account, hindi ako nahihiyang magsabi sa kanya ng mga problema ko. Una kaming nagkakilala sa isang post. May nag-offer na gagawang gc at isa ako sa mga nagkomento na isali. Noong simula, nagbabasa lang ako sa mga sinasabi nila tungkol daw sa mga illegal users na protektado ng monstrous site. Doon ako nag-chat at isa sa napukaw ang atensiyon ay si King. “What is monstrous site?” puno ng kuryosidad kong tanong. “Curiosity will kill you. Once they found you, that will be the end of your life,” sagot ng misteryosong lalaki. Tinignan ko ang profile niya ngunit walang anumang nakalagay doon. Mukhang wala rin namang ibang gusto makisangkot sa usapan namin. Nagtipa na ako ng ire-reply sa kanya. “I want to know something about this site,” “That will be your nightmare,” wala pang segundo niyang sagot. “This topic is not allowed for everyone, especially for those people like you.” Hinahamon yata ako nito ng argumento. Siyempre hindi ako puwedeng magpatalo, mukha rin namang palaban ang isang ‘to. Masyado nagpainit ng ulo ko yung huling sinabi niya. Bakit sila lang pwede makaalam sa bagay na ‘yon at bawal kong malaman? “Then tell me, how did you know about that? Are you a part of the monstrous site?” baling ko sa kanya. “No,” maiksi niyang tugon. “Then, your statement is just false.” Agad naman niyang na-seen. “I don’t need to prove myself to you,” anito at may kasama pang smirk na emoji. “And I don’t need your sarcastic answer,” iritable kong sagot na mukhang nagbigay saya naman sa kanya. “So, what do you need? I hope it’s not me.” Lalong nagpainit ng dugo ko ang sinasabi ng mahangin na ‘yon. Mukhang wala siyang magawa sa buhay, nais lang ay gawing biro ang mga bagay-bagay. May biglang sumingit sa aming usapan. “King is right. Masyadong expand na ang sakop ng monstrous site at makapangyarihan ang mga nasa loob nito. They can trace you once you click their site,” paliwanag ni Angel. “Once you dive, there’s no guarantee to survive. Unless they save you, those people inside of this site,” Sineen ko na lang ang pahayag nito at nag-out para kumain ng dinner. Paglabas ko, sila yaya Medy na lang ang nandito at yung dalawang kasambahay. Nasanay na akong minsan lang umuwi ang aking ama, si Nanay ay hindi ko na binalikan pa dahil may sarili na ring pamilya. Wala na’kong gana pa kumain kung kaya’t nagtimpla na lang ako ng gatas at bumalik na lang ulit sa kuwarto. Muli kong binuksan yung laptop at mayroong two messages request from King. “Did I offend you?” “I forgot to introduce myself. Btw, you can call me King.” In-accept ko ang message request niya, baka isipin ay masyado naman akong suplada. “That’s fine.” Ilang segundo ay nagreply na agad siya. “No. That’s not. You don’t deserve to be treated like that,” Napa-ikot ko na lang ang aking mga mata sa chat niya. Halos lahat naman ng lalaki ay gano’n ang sinasabi, wala silang pinagkaiba. Muli akong nagtipa ng sasabihin. “But you’re right. Monstrous site caught my attention.” Sineen niya ang chat ko ngunit hindi na nag-reply pa. “Can you tell me about monstrous site?” 6:20pm “Hey.. are you busy?” 6:45pm Ilang sandali pa ay muli niyang sineen ang chat ko. “Those people are considered as a monster. They don’t have mercy,” 7:28pm “Sorry. I am just doing my brother’s homework. If you have some questions, I am willing to answer them. This is my sincerely offering and I hope you consider it,” 7:28pm Naalala ko bigla si Kevin, ang anak ni Papa sa asawa niya ngayong si Tita Valencia. Mas matanda ako ng tatlong taon kay Kevin, siya ay maituturing na paborito ng lahat. Si Tita Valencia naman ay mabait sa akin, siya ang naging tagapagtanggol ko kay Papa. Akala ko dati, ang mga step mother ang pinakasalbahe sa lahat ngunit hindi pala, dahil mas tinuring niya akong anak kaysa sa tunay kong mga magulang. Sina Kevin at Tita Valencia ay nasa Australia ngayon dahil nais nilang doon magtapos ang kapatid ko. Gusto nila akong isama ngunit pinaiwan ako ni Papa, tandang-tanda ko pa noong sabihin niya sa amin na sayang lamang ang pampaaral sa akin doon. Hindi ako kumibo ngunit ang lahat ng sakit ay napuno sa puso ko. Tama naman siya, ang bansang iyon ay hindi nababagay sa isang basura. Dalawang taon na ang lumipas, ang balita ko’y na sa kolehiyo na si Kevin at kumuha ng kursong IT. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ito ang gusto ni Papa para sa amin. Isang beses sa isang buwan ang pagbisita niya sa Australia, umaabot siya ng isang linggo roon kung kaya’t ako lang madalas sa bahay at mga kasambahay. “Are you sleepy?” Muling tunog ng laptop ko, isang chat mula kay King. “Yeah... sorry late reply,” hingi kong paumanhin. “Are you an IT students?” Mukhang ini-stalk ako nito dahil batay sa kanyang pagtatanong, animo’y alam na ang mga sagot. “IT students pero tagasira lang ng klase. How about you?” balik kong tanong sa kanya. “Same. Bakit ka nag-IT?” tila puno ng kuryosidad niyang tanong pabalik sa akin. “Iyon ang gusto ni Papa eh,” malungkot kong sagot. “Is that what you want or because of something else? You should choose the course that makes you happy, don’t make anyone control your decision,” Na-seen ko na lang ulit ang sinabi niya. Sa totoo lang, ‘yon ang bagay na hindi ko masagot. Maging ako kasi sa aking sarili ay nagtatanong kung ano nga ba ang gusto ko. “Heyyy, Princess,” ani pa niya. Princess ang naging tawag niya sa akin dahil ‘yon ang pangalan ko sa dummy account. Tutal isang pagpapanggap lang naman ang paggamit ng dummy account, inisip kong isa na lamang akong prinsesa kung saan ay mahal ng lahat. “Isa lang naman ang gusto ko, sundin ang lahat ng gusto niya. Baka kasi ‘yon lang ang tanging paraan para ituring niya akong anak,” Pagkatapos kong i-send ito ay sunod-sunod na nagbagsakan ang aking mga luha. Buong buhay ko, isa lang naman ang pinangarap ko at ‘yon ay maramdamang parte ako ng isang pamilya. Gusto kong maranasan ang isang yakap ng magulang habang sinasambit ang katagang 'Ipinagmamalaki kita', ito yung bagay na kailanman ay hindi magagawa ng aking ama dahil para sa kanya, isa lamang akong hamak na anak ng isang bayarang babae. “Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat e. Sa harapan ng maraming tao, hindi ko man lang siya matawag na ama kasi nahihiya siyang may makarinig,” dagdag ko pa. “Sorry ah... masyadong madrama na. haha!” Hindi na siya nag-reply pa, siguro ay nakatulog na. Alas-dose na rin pala ng hatinggabi at mukhang napahaba masyado ang kuwento ko. “Tulog ka na yata. Goodnight, King. Thank you,” huli kong chat bago mag-log out. Humiga na ako sa kama, ito lang ang tangi kong pahinga. Kung minsan mas okay pa sigurong habang-buhay na akong mahimlay. Nakakapagod din pa lang maramdaman yung sakit sa bawat araw na dumarating, yung tipong gusto mo na lang sa dilim dahil iyon lang yung lugar na walang manghuhusga sa’yo. Simula ng araw na ‘yon, mas naging malapit kaming dalawa ni King sa isa’t-isa. Sabi nga nila, huwag magtitiwala sa taong hindi mo pa lubos na kilala. Hindi ko maipaliwanag ang aking pakiramdam sa tuwing kausap siya, alam kong mali ngunit may kung anong nagpapangiti sa akin dahil sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook