Candy POV
Mag uumaga na nang makauwi ako sa aming bahay galing sa factory na pinagtatrabahuan ko na malapit lang dito sa amin,night shift kasi ako ngayon kaya umaga na akong nakauwi.
Halos anim na buwan na rin akong nagtatrabaho sa factory ng mga tela,minsan may mga araw na napapagod ako dahil kakarampot lang kasi ang sahod idagdag pa ang may kapintasang ugali ng may ari ang mag asawang Chong,intsik ang mga ito kaya kung magpasahod ay sadyang napakakunat.
Pinagtiisan ko na lamang sapagkat malapit lang naman ito sa bahay at hindi na kailangan pang mamasahe,kesa malaki nga ang sahod ngunit doon naman bumabawi sa pamasahe at renta ng bahay,idagdag pa ang pagkain kaya kontento na lang ako at pinagkasya na lang ang aking sahod sa factorya.
Pagdating ko sa bahay tahimik ito baka nasa labas ng kusina si lola at nag pakulo ng tubig para ilagay sa termos.
dito ako lumaki sa aking lola,matagal ng namayapa ang aking ina at wala namang pagkakakilanlan kong sino ang tunay kong ama.Ang sabi ni Lola nagtatrabho daw dati si Mama sa isang ekslusibong club sa siyudad at pawang mga mayayaman ang naging costumer nito noon,nagtaka na lamang daw si lola at naging sakitin na si Mama yun pala ay nagdadalang tao ito sa akin.
Nawalan daw ito ng ganang mabuhay at muntik na akong ipalaglag sa kanyang sinapupunan buti na lang at andyan ang butihin kong lola na siyang palaging nagpapayo sa aking ina.
ngunit sa kasamaang palad ng isilang na ako ni mama ay mas lumubha ang kanyang sakit bagay na nagpapahirap noon sa kanila ni lola,hindi na rin daw nagpakita ang lalaking nakabuntis sa aking ina dahil hindi daw niya ako inangkin na anak nito sa kadahilanang pokpok ang trabaho ng aking ina.Hindi rin naman sumagi sa aking isipan na hanapin ko ang tunay kong ama.
Tinaguyod ako ni Lola kahit pinagkasya niya lamang ang buwanang pension ng namayapa kong lolo at minsan rumaraket din si lola noon sa pagtitinda ng ibat ibang aksesorya sa katawan kahit hanggang ngayon naman hindi pa rin ito mapakali at nagtitinda pa rin ng kung ano-ano sa palengke basta may pagkakitaan.
Umabot ako ng limang taon nang binawian ng buhay ang aking ina,dahil sa walang sapat na panggamot medikal at pampa hospital.
Sa batang isip ko noon ayokong mangyari ang nangyari kay mama sa amin ni lola na hirap kahit pambili lamang ng gamot
Pagka graduate ko ng high school napagdesisyunan kong huminto muna sa pag aaral upang tulungan si lola sa paghahanap buhay.
Sa simula ayaw niya pang pumayag dahil mas gusto niyang makatapos ako ng kolehiyo kahit kursong vocational lamang.
Ngunit ako na ang nagpupumilit na huminto at maghanap buhay,makapghihintay naman ang pag aaral wala naman sigurong mawawala sa akin kong hihinto muna ako hindi naman tatakbo ang paaralan at wala din sa edad kung napagpasyahan ko ng ipagpatuloy ang aking pag aaral.
Oo huli na ako kumpara sa mga nakasabayan kong mga kaklase pero hindi ko iyon isagpalaran ang mahalaga ay matulungan ko si lola sa pang araw-araw naming gastusin dahil tumatanda na rin ito,ayokong nakikita pa siya na minsan naglalako ng kahit anong aksesorya o mga herbal na produkto sa karatig barangay.
"O apo kanina ka pa ba dumating?" Si lola na abala na naman sa pag inventorya sa kanyang mga oroduktong herbal.
"Lola ilalako mo na naman yan?di ba sabi ko sayo tigilan mo na ang pagtitinda nyan" pag aalala ko mabigat pa naman ang mga produktong herbal na sinasabit niya palagi sa kanyang balikat ang malaking bag na may lamang ibat ibang produkto.
"Ay naku apo sanay na ang lola mo sa gawaing ito,ayoko rin namang tumambay lang dito sa bahay natin at walang gagawin" hindi talaga nauubusan ng paliwanag si lola bagay na ikiniinis ko sa kanya.
"Lola naman kaya nga nagtatrabaho ako para matustusan ang ibang pangangailangan natin sa bahay" nakanguso kong saad habang pinagmasdan lamang si lola na abala sa pagbibilang ng mga produkto.
"Ipunin mo na lang yan para sa iyong pag aaral sa kolehiyo apo masaya na ang lola mo na makita kitang naglalakad bitbit ang iyong diploma at ipapangako ko sayo na hangga't buhay pa ang iyong lola tutulong ako para makapag tapos ka at maabot ang iyong mga pangarap" ngiti niyang sambit sa akin,niyakap ko si lola dahil sa kanyang kabaitan na hindi niya ako iniwan,kahit alam niya na isa akong binabae ay hindi niya ako hinusgahan,tinanggap niya ng lubusan ang aking tunay na pagkatao at kasarian.
maaga mang nawala ang aking ina,wala man akong ama na kinagisnan masaya na ako na binigay ng Panginoon sa akin ang aking butihing lola.
"O siya maghanda ka na doon sa kusina at ng makapag agahan na tayo,at para mailalako ko na 'tong mga herbal may order pa naman ang asawa ng kapitan at hahatiran ko siya nito mamaya"
tinulungan ko na lang muna si lola na maiayos sa sisidlan niyang bag ang mga produkto bago pa ako pumuslit sa kusina para maghanda ng aming agahan.
Matapos ang aming agahan ni lola nagligpit muna ako sa mga kasangkapan at hinugasan ang mga platong aming pinagkainan,nagpaalam na rin si lola na aalis na tumango lamang ako at inihabilin sa kanya na kung mapagod na aiya sa paglalako ay uuwi na lang ito agad.
Ngumiti lamang ang aking butihing lola na papaalis sa aming bahay,hinatid ko pa siya ng tingin bago ko sinimulang balikan ang aking mga hugasin.
"Hala!wala na palang sabon" sambit ko sa aking sarili kaya mabilis kong hinubad ang aking apron para gumawi sa tindahan ni Aling Ason at bumili ng sabon.
"Aling Ason..tao po.." tatlong beses din akong kumatok bago ito lumapit sa tindahan.
"O Andy ikaw pala may bibilhin ka?" Saad niya
"opo Aling Ason pabili ako ng sabon yun pong palagi kong binibili" kinuha niya naman agad ang sabon na nais kong bilhin,husto naman na dumating si Ruselle ang aking dating kaklase noon tulad ko binabae din ito.
"Hoy Andy kumusta ka na" hinampas pa talaga niya ako sa balikat na ikinangiwi ko.
"Ito naman kong makahampas parang naghampas lang ng palo-palo sa labahan" reklamo ko sa kanya,pinagmasdan ko pa ang kanyang kabuuan gumanda kasi ito ngayon at lumiwanag ang mukha.
"Heto Andy pa rin" mahina kong tugon sa kanya na hindi ko maiaalis ang tingin sa kanyang kabuuan,mukha na kasi siyang babae talaga sa kanyang hitsura ngayon kumpara noon na medyo dugyot pa ito,kasa-kasama ko nga siya palagi noon na naglalakad lamang kapag wala kaming pamasahi pauwi.
"Hoy bakla kung makatitig ka naman dyan!hindi tayo talo ha" biro niya sa akin,tumawa lang ako sa kanyang mga sinabi.
"Wala,nagagandagahan lang ako sayo ngayon" saad ko,hinampas niya ulit ako sa balikat buti na lang medyo mahina na ito di tulad kanina na napangiwi ako sa sakit.
"So kung ganun pangit talaga ako noon," irap niya habang kinausap ako.
"Hindi namam Russell nag iba lang ng konti"
"O ano gusto mong rumaket sa pinagtatrabahuan ko ha" pang eengganyo niya sa akin
"Ha?bakit ano bang trabaho mo?" curious kong tanong.
"Nasa bar ako nagtatrabaho ngayon sa kabihasnan,malaki ang mga tip ng costumer kaya heto nakapag pa retoke na din ng mukha" pagmamalaki niya
"Ganun bah buti ka pa" ngiti lamang ang tugon ko.
"oh Andy heto na ang sabon mo" nakalimutan ko pa tuloy ang sabon na binili ko kay Aling Ason,inabot ko naman ang aking bayad sa kanya at kinuha ang sabon.
"O eto bigyan kita ng numero ko kapag gusto nong pumasok sa pinagtatrabahuan ko tawagan mo lang agad ako at akong bahala sayo dun" isinulat niya pa ang kanyang numero sa maliit na papel pati address at binigay sa akin.
"Sige pag iisipan ko muna Russell" wika ko na tiningnan ang papel na bigay niya.
"Sus hwag mo ng pag isipan pa Andy,kung gusto mo ng madaliang pera dito ka na sa trabaho ko,mabilis ang pera dito."
Bumili pa siya ng isang kahang sigarilyo kina Aling Ason at nagsindi ng isa.
"Ano gusto mo?" Inalok niya pa sa akin ang sigarilyo mabilis pa akong napailing na kinatawa niya.
"Hanggang ngayon inosente ka pa rin Andy,yang ganyang ugali mo at ganda naku! pag aagawan ka ng mga parokyano sa bar na tinatrabahuan ko I'm sure! kung magpapa retoke ka man dibdib at p**e na lang hwag ng mukha mo kasi babaeng-babae na ang iyong hitsura,pati katawan mo" sinipat niya pa ang aking kabuuan bago ito nagpaalam
"Sige aalis na ako basta ha tawag ka agad kapag nakapag desisyon ka na" pagpapaalam niya.
"Pag iisipan ko muna Russell sa ngayon may trabaho pa,kasi ako at ayaw ko ring iwan si lola" sambit ko na ikinabit balikat lang niya at nagpaalam na ito sa akin hithit ang kanyang sigarilyo.
tinanaw ko na lang siya papalayo sa aking gawi at pinagmasdan ulit ang numero na kanyang binigay sa akin na papauwi na rin sa bahay
Nakalimutan ko na pala na may hugasin pa akong naghihintay sa aming bahay.
(author's note: hello po readers..kung nagustuhan nyo po ang kwento paki add sa library nyo po sana para tuloy-tuloy ko po ang update sa story..thank you in advance po..)