Maaga pa lang ay naghanda na ako para sa aking pagpasok sa trabaho sa factory masama pa naman ang panahon tila may paparating na malakas na namang ulan.Sana man lang hindi ito singlakas tulad nu'ng nakaraang taon bahain at bagyuhin pa naman ang lugar namin dito dahil nasa ibabang bahagi lamang kami kaya ang daloy ng tubig sa itaas ng bahagi ng lugar ay dito sa amin ang bagsak.
"Lola..Lola" tawag ko kay Lola bihira kasi itong bumangon ng matagal na ipinagtaka ko,madaling araw pa lang gising na ito,ngunit ngayon ay hindi ko man lang siya nasilayan sa kusina,kaya pinuntahan ko na lamang siya sa kanyang silid..
"La gising na aalis na ako" malumanay kong boses.
"Apo...pasensya ka na at natagalan akong bumangon" tawag niya sa akin, nagtaka ako dahil sa garalgal na boses ni lola kaya agad ko siyang nilapitan.
"la anong nangyari sayo?" pag aalala ko.
"Wala ito apo sa pagod lang siguro kaya masama ang aking pakiramdam" ngunit hindi ako mapakali dahil bihira lang kay lola ang magkasakit kahit may katandaan na ito,subsob pa rin sa trabaho at hindi alintana kapag may dinaramdam man ito.
"La ipagluluto muna kita ng sopas,bago ka uminom ng gamot" saad ko,nilagay ko pa ang aking palad sa kanyang noo sadyang mainit talaga si lola kaya mabilis akong nagluto ng sopas para magkalaman ang kanyang tiyan bago ko pa siya pinainom ng gamot.
Pagkatapos kong magluto ng sopas agad ko siyang pinuntahan sa kanyang silid.
"La dahan-dahan lang sa pagbangon" inalalayan ko muna si Lola sa pag upo at sinubuan ng sopas.
"Ay naku 'tong batang 'to malakas pa naman ang lola mo,ako na dito at papasok ka pa ngayon sa iyong trabaho" saway niya sa ginagawa kong pagsubo sa kanya ng sopas.
"Pero lola nag aalala ako sayo" malungkot kong saad,alam ko talagang may katigasan ng ulo ang aking lola kahit nanghihina na ito ipinipilit niya pa rin na malakas pa siya.Nagpaalam muna ako saglit kay lola hindi ko rin kasi ito maiwanan sa ganitong kalagayan niya.
Kaya naisipan ko na lang tawagan si Didang ang aming dalagitang kapitbahay na pabantayan ko lang si lola ng isang araw.Sa lahat ng aming kapitbahay tanging kina Didang lang kami close dahil may kapatid din itong bakla na kaibigan ko,ngunit nakapag asaw na ito ng afam at nasa ibang bansa na rin ito.
Ayaw pa sanang pumayag ni lola sa suhestyon ko na pabantayan ko muna siya ni Didang,pero hindi ako mapakali na mag isa lamang siya sa bahay at may karamdaman.
May bulkihan kasing order ngayon sa factory ng tela na tinatrabahuan ko,kaya hindi agad ako makapag file ng leave.
"Didang ikaw na muna ang bahala kay lola ha..pakilutuan mo na lang siya ng sabaw at lugaw,mamaya babayaran lng kita pag uwi ko" pakiusap ko kay Didang,namutawi ang kanyang ngiti sa labi hudyat na pumapayag ito sa aking alok,nag pa part time din kasi ito sa pagbabantay ng bata sa karatig barangay kaya alam kong maasahan talaga siya.
"Opo Kuya/ate Andy ako na po ang bahala kay lola"nagkatawanan pa kaming dalawa dahil sa tawag niyang kuya/ate sa akin.
"Pero mas bagay talaga sayo ang ate....kuya/ate andy" saad niya.
"Ganun ba bakit naman?" nahihiya ko pang tanong kay Didang.
"Mukhang babae ka kasi ate,kamukha mo talaga yung korean actress na paborito ko ate si Song hye kyo!" natawa naman ako sa kanyang sinabi.
"Naku Didang ha ginawa mo pa akong koreana..anyeong haseyo Didang..gwenchana!hahaha" tawanan namin ni Didang.
"Oo nga ate mukha ka kasing babae talaga bagay kasi sa mukha mo ang mahaba mong buhok at ang cute din ng boses mo mas mukha ka pa ngang babae kesa girlfriend ng kuya ko hehehe" hinampas ko pa siya sa balikat.
"Hoy Didang baka marinig tayo ng kuya mo lagot ka d'un,sige na nga aalis na ako ikaw na muna bahala kay lola ha" habilin ko ulit sa kanya nagpaalam na rin ako kay lola dahil malapit na akong mahuli sa oras.
Paglabas ko sa bahay pumara agad ako ng traysikel pwede namang lakarin ko lang ang factory umaambon na kasi kaya sumakay na lang ako.Sakto naman na nakasakayan ko ang kapatid ni Didang na si Jolito at ang nobya nito,mukhang tama nga si Didang,bakla din naman ako pero bakit mukhang bakla ang syota ng kuya ni Didang kaysa akin na totoong binabae,ang kapal pa ng lipstick niya at pati yung eyelashes na muntik ng mahulog sa kanyang mga mata.
Tinaliman niya pa ako ng tingin,nahahalata niya siguro na pinag aaralan ko ang kayang mukha,si Didang naman kasi ayan tuloy mukhang iba ang timpla niya sa akin.
"Andy nasa bahay nyo daw si Didang?" tanong ni Jolito
"Oo Jolito nakikisuyo muna ako sa bunsong kapatid mo na bantayan si lola" paliwanag ko sa kanya.
"Bakit ano bang nangyari sa lola mo? Masyado kasi siyang masipag Andy kahapon nga nakita ko siya sa parke naglalako ng mga paninda niya eh umaambon pa naman kaya siguro nagkasakit" sa sinabi ni Jolito parang piniga ang aking dibdib sa nalaman tungkol kay lola,yumuko na lang ako at nagpahid ng luha hindi ko kasi maiwasang tumulo ito sa sinabi ni Jolito,hindi lang ako nagpahalata baka sabihin ng mga pasahero na nag drama ako sa loob ng traysikel.
"O paano Andy mauna na kaming bumaba sayo" paalam ni Jolito,ngumiti lang ako sa kanya pati din sa girlfriend niya pero inirapan ako na ikinamangha ko sa pinapakita niyang ugali.
Diyos ko anong akala niya aagawain ko si Jolito sa kanya eh mas totoy pa nga itong tingnan kaysa akin.
Pailing iling na lang ako habang papalayo na ang traysikel,ako tuloy ang huling hinatid dahil may mag asawang manganganak na kasabayan ko din sa traysikel kaya inuna na lang ni Manong driver.
panay pa ang haplos ng kanyang asawa sa tiyan niyang bilog na bilog..ang isiping wala akong kakayahang magkaanak dahil sa aking kasarian ay ikinaiinggit ko ng lihim.
Hindi naman pwede na mag asawa ako ng babae dahil bakla nga ako at ehem! t**i talaga ang gusto ko at hindi puke..hayss
Bumaba na ang mag asawa akay-akay pa ito ng lalaki,sana lahat ng asawa tulad ng lalaking ito,masyado niyang inaalagaan ang buntis niyang asawa,saad ko na nakatingin lang sa kanila papalayo.
"O neng dito na tayo sa factory ng tela pasensya ka na ha ikaw pa tuloy ang nahuli ko ng hatid" paghingi ng tawad ni Manong driver.
"Okey lang po yun at Salamat po" iniabot ko kaagad ang aking pamasahe sabay baba,pagagalitan na naman ako ngayon ng amo kong intsik dahil late na naman ako.
Halos lakad takbo na ang ginawa ko papunta sa aking locker para magpalit ng uniforme,anong oras na kasi at siguradong galit na naman ngayon si Madam Chong.
"Ikaw Andy ha late ka na naman ikaw dapat hindi kupad kupad trabaho hanap ka pera dapat bilis kilos!"
"Pasensya na po Madam nagkaproblema lang po konti sa bahay" yan ang palaging litanya ng amo kong intsik sa tuwing nahuhuli ako,pinagtiisan ko na lang ang bunganga niya,kaysa naman mawalan ako ng trabaho hirap pa namang humanap ng matinong trabaho ngayon sa tulad kong high school lamang ang natapos.
"Sige na kilos na madami order ngsyon,overtime kayo lahat!" pagkasabi niya na mag overtime nag over think tuloy ako,ang liit pa naman ng dagdag overtime tapos inaalala ko pa ang kalagayan ni lola.
Ang hirap talaga kapag mahirap ka wala kang mapagpilian kundi ang magtiis na lamang.
Sumunod na lang ako sa iba kong kasamahan na nag iisip kung ano ang tamang desisyon na gagawin ko kaysa magtitiis ako dito habambuhay.
"Andy pakikuha nga ng gunting doon sa lamesa ni Mr.Chong" utos ng isa kong kasamahan,d'un pa talaga sa lamesa ng matandang manyakis na yun,siya pa naman ang ayaw kong lapitan dahil sa kakaibang tingin niya sa akin,kahit alam niya naman na binabae ako.
Binaybay ko agad ang opisina ni Mr.Chong nakita ko pa ang talim na tingin ni Madam sa akin,hindi ko na lang ito pinansin.
"Mr.Chong kukunin ko lang po ang gunting na gagamitin sa pantabas ng tela" mahina kong saad.
Hinagod niya pa ako ng tingin at ngumisi na parang manyakis.
"Andy ikaw ba meron oras sa linggo?" tanong niya pa sa akin.
"Po bakit po?eh day off po yun close po ang factory ninyo" sambit ko sa matandang intsik.
"Oo nga baka meron ka oras kung ikaw marunong masahi,bigyan kita address punta ka dito address na to ha,hwag alala bigyan kita ×3 sahod mo" kumindat pa talaga ito,bago niya inabot ang gunting na hinihingi ko,kung hindi lang talaga makasalanan ang pumatay ng amo tinirik ko na ang gunting sa mata niya.
Pagkuha ko sa gunting diretso na akong umalis sa kanyang harapan kita ko pa ang kanyang bruhang asawa pagbalik ko na matalim na naman akong tinitigan ng pailalim. Mag asawa nga silang dalawa ubod ng sama ng ugali.
Halos gabi na ng matapos ang overtime namin kaya mabilis agad akong naghanda pag uwi dahil inaalala ko si lola,dumaan muna ako sa siopao wan ni Mang Kanor at binilhan ko si Didang dahil paborito niya daw ang siopao,pagdating ko sa bahay,sinalubong agad ako ni Didang na humihingal.
"Kuya/ate... kuya/ate si lola..." hingal niyang sabi
"Ha anong nangyari kay lola Didang?" pag aalala ko.
"Nahihirapang huminga si lola!"