CHAPTER 3

1518 Words
mabilis kong dinala sa hospital si lola dahil sa nahihirapan itong huminga,buti na lang nakakuha agad ng trycycle si Didang at saktong dumating din si Jolito kaya nagtulungan kaming maalsa si lola at isinakay agad sa traysikel. Pagdating namin sa hospital humingi agad ako ng tulong sa mga nars para naasikaso agad si lola malaking tulong din na may Philhealth ako kaya inasikaso agad nila ang aking lola. Saka ko na lang iisipin ang ibang gastusin kapag nasa maayos na itong lagay,makikita pa naman ang pera ngunit ang buhay ng aking pakamamahal na lola Pacita ay iisa lamang,kaya gagawin ko talaga ang lahat mapahaba lang ang kanyang buhay. Ilang oras din akong naghintay sa emergency room,kinabitan pa nila ng oxygen si lola dahil hirap pa din itong huminga.Hindi muna ako pinalapit ng doktor kanina pa kasi ako nanginginig dahil sa takot na baka kung ano ang mangyari sa kanya. Pinapirma pa ako ng nars dahil mahal daw ang bawat araw sa ICU,napaluha na lang talaga ako pero bahala na maghahanap na lang ako ng pera pagkatapos nito,naisip ko pa ang alok sa akin ng aking among intsik na triple daw ang ibibigay niya katumbas ng aking sahod kapag pupunta ako sa lugar na ibinigay niya at mag papamasahe lamang daw ito,pero ang isiping baka bubudulin niya lang ako at tatakutin doon,wala pa naman akong tiwala sa kanyang mukha kaya ibinura ko na siya sa listahan na aking prospect na mahihingan ng tulong...nang bigla kong maalala si Russelle,ang kanyang alok noon sa akin. Mabilisan kong kinuha agad ang aking pitaka na bitbit ko noong bumili ako ng sabon kina Aling Ason. Pagkakita ko sa pitaka agad ko itong binuksan,muntik ko pa naman sana itong itapon buti naman at hindi ko naituloy. "Miss ikaw ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doktor na nag aasikaso kay lola. "O-Opo ako nga po" tumayo agad ako pagkasabi ng doktor at ibinalik sa pitaka ang papel na laman ng address kung saan ko matatagpuan si Ruselle. "Ayun sa aming pagsusuri may tubig sa baga ang iyong lola" paliwanag ng doctor habang nakikinig lamang ako. "Sa katunayan grabe na ito" pinaharap niya ako sa kanyang laptop at doon nakita ko ang mga dahilan at lunas para sa sakit ni lola. "Ano po ba ang ibig sabihin kapag may tubig sa baga po dok?"karagdagan kong tanong sa kanya. "Kapag may tubig sa baga po mam o pulmonary edema ang isang tao,ang ibig sabihin po nito ay mayroong abnormal swelling o pamamaga sa kanyang baga,ang pamamaga ng baga ay maaring magdulot ng kahirapan sa paghinga at isa pang dahilan kung bakit nagkakatubig ito ay problema po sa puso, may mga ibang bagay naman na nagdudulot po dito tulad ng pneumonia, injury sa kanyang chest,na expose siya sa mga toxins,sakit sa puso at kidneys,kaya sa edad po ng lola ninyo dapat ay doble ingat po sana ito" mahabang paliwanag sa akin ng doktor,at ipinakita pa niya sa monitor ang mga maaring mangyari kapag hindi agad malunasan ang kanyang sakit. Marami pa siyang ipinaliwanag ngunit nawala na ako sa sarili sa isipin na saan ako kukuha ng pera para sa kanyang gamutan. Marami pa namang mga test ang dadaanan ni lola at mga resita para dito na ang iba nakatambak sa aking bag dahil hindi ko pa ito nabibili. Pinuntahan ko si lola sa ICU,nakakabit pa rin sa kanya ang oxygen dahil nahihirapan pa din daw itong huminga. Naiyak akong pinagmasdan ang aking lola na siyang nagsakripisyo sa akin mula pa sa aking pagka bata. Hindi ko makayanan na pagmasdan ang kalagayan niya ngayon. Pumunta ako sa maliit na chapel ng hospital at doon nagdasal na sana bigyan pa ako ng lakas ni Lord na makayanan ang pagsubok ngayon sa amin ni lola. Gustuhin ko man na sisihin ang aking mga magulang na naghirap kami ngayon ng wala man lang tulong galing sa aking tunay na ama kung nasaan man siya ngayon ayoko din naman na isumpa siya,nasaktan lang ako dahil nagpapakasarap sila noon ng aking ina at ako ang naging bunga ngunit pinabayaan lang ako at ikinaila sa aking ina. "Diyos ko iligtas niyo po sana ang aking lola,siya na lang ang tanging kasama ko sa buhay at hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin" mshina kong dasal sa panginoon na walang tigil ang luha sa aking mga mata sa pagdaloy. "Kuya/ate kanina pa kita hinahanap nandito ka pala" napaangat ako mula sa aking pagkakayuko na nagdasal ng marinig ko ang boses ni Didang. "Didang andito ka pala,akala ko umuwi ka na" mahinahon kong tanong. "Umuwi ako saglit kanina kuya/ate pero pinababalik agad ako ni Mama dahil nag aalala siya sa inyo ni LolaPacita" malungkot niyang saad,pasalamat din ako at may kapitbahay kami ni lola na tulad nina Didang handa kaming damayan sa ganitong sitwasyon. "Salamat Didang ha" sambit ko "Ate nagising na si Lola kaya kita hinanap pero nasa ICU pa din siya" sa sinabi ni Didang agad akong tumayo at binaybay ang silid ng ICU kung saan nandun si lola. Pagdating ko niyakap ko siya agad,ayokong makita niya ang aking kahinaan at baka mag aala pa ito "a-apo b-baka m-mahal dito" saad niya na hirap siyang magsalita dahil naghahabol sa kanyang paghinga. "Lola h'wag niyo ng isipin ang gastos dito ang mahalaga ay maging okey na kayo at ng makauwi na tayo" pag aalo ko sa kanya,gusto niya pa sanang magsalita pero pinigilan ko na dahil sa nahihirapan itong huminga. Nakisuyo muna ako kay Didang na bantayan si Lola dahil balak kong puntahan si Ruselle sa kanyang tahanan,out of coverage kasi ang kanyang numerong ibinigay kaya napagdesisyunan ko na lang na puntahan ito mismo sa kanyang bahay,medyo malayo pa naman ito dahil lumipat na siya ng tahanan mula ng namatay ang kanyang ina tatlong taon na ang nakaraan. Tulad ko rin si Ruselle wala din itong pagkakakilanlan sa tunay niyang ama dahil iniwan din ang kanyang ina noon sa tunay niya rin daw na ama,kaya siguro ganun ang aming closeness n'ung high school pa lang kami dahil may hawig ang aming mga buhay at parehas din kaming binabae. Nagpahatid ako sa traysikel driver sa terminal,kelangan pang sumakay ng bus papunta sa lugar nila buti na lang walang masyadong trapik sa lugar na papunta doon at dire-diretso lang ang aking biyahe. Pagbaba ko ng bus,sumakay ulit ako ng traysikel at ibinigay ko ang address sa driver dahil hindi ko kabisado ang lugar.Salamat naman at kilala pala si Ruselle sa lugar. "Yun bang pokpok ang hinahanap mo neng" tanong sa akin ng driver. "May pangalan po ang kaibigan ko at kahit ano pong trabaho niya igalang nyo naman po siya" sambit ko sa kanya,hindi naman kasi maganda na tawagin niya ng ganun si Ruselle,marangal man o hindi ang pinasukan niyang trabaho dapat i respeto pa rin ito ng sinumang tao. "O dito na tayo neng,baybayin mo lang yang may kaliitang eksena na yan,nandyan ang bahay niya bilang ka lang ng pangatlong bahay mula dito" aniya kaya bumaba agad ako at inabot ang bayad sa kanya. Tama nga ang sinabi ng driver dahil nakita ko agad si Ruselle na mukhang kagigising pa lang dahil nag iinat pa ito,kaya walang pag aatubili ko siyang tinawag. "Ruselle" kinawayan ko pa siya na ikinabigla niya pa. "hoy Andy bakit ka nagawi dito?!" Pagtataka niya,sinalubong niya agad ako at pinapasok sa kanyang bahay. "Naku baklesh pasensya ka na sa bahay ko ang kalat kagigising ko lang kasi,alam na inararo ako ng costumer magdamagan haaysss kaya ang peke kong p**e ay lantang gulay na ngayon" nagtawanan pa talaga kami dahil masyado itong prangka magsalita. "Tinawagan kita sa numerong bigay mo pero hindi kita makontak" wika ko sa kanya na abala sa pagliligpit ng kalat sa bahay niya. "Ay oo nga baklesh ninakaw ang cellphone ko!hayop na costumer yun latest iphone ko pa naman,kaya ayaw ko talaga sa mga batang costumer dahil ako ang pinipirahan nakakabwesit talaga Andy,ninakawan na nga ako,ang liit-liit pa ng t**i hindi man lang tumirik ang mata ko buwesit talaga!" himutok pa niya Pinaupo niya muna ako sa kanyang sala at naglabas siya ng snacks para sa aming dalawa. "O teka lang bakit ka ba napadpad ka dito bigla-bigla ha?" Malungkot ang aking mukha na napatigil sa pagkain ng tinapay na inihanda niya. "Naalala ko kasi Ruselle yung inoffer mo sa aking trabaho" hindi ko pa natapos ang aking sasabihin ay nakita ko na ang malaking ngisi niya na abot hanggang tenga,pinaliwanag ko rin sa kanya lahat pati ang nangyari kay lola Pacita na nasa ICU ito at kailangan ko ng malaking halaga para dito. "Naku! baklesh! Hindi ka talaga nagkakamali sa pagpunta dito gosh!tama ang naging desisyon mo sa pagpunta rito at kulang kami ngayon ng isang waitress!"kumuha pa siya ng sigarilyo at sinindihan ito. "Baklesh pagkatapos nating magmeryenda puntahan muna natin ang bar na pinagtatrabahuan ko ipapakilala kita sa may ari para makapagsimula ka na agad"excited niyang sabi may kaba man sa aking dibdib na suungin ang magiging trabaho ni Ruselle ipinagwalang bahala ko na ito ang mahalaga lang sa akin ay maging ligtas si lola at mabayaran ko ang lahat ng mga gastusin niya sa hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD