Hinintay ko si Ruselle na makapagbihis,tinawagan ko muna si Didang at kinumusta ang lagay ni lola,natutulog daw ito kaya binilin ko na lang sa kanya na h'wag na itong gisingin,sa pagkakaalam kasi ni lola ay nagtrabaho ako ngayon sa factory.
Tanging ako lang ang nakakaalam sa pagpunta ko dito kay Ruselle ayoko kasing laman ako ng tsismisan sa aming mga kapitbahay oras na malaman nila ang ipinunta ko dito.Kahit sa pamilya ni Didang na siyang matalik naming kapitbahay ay hindi ko rin pinaalam.
Pagkatapos kong bigyan ng instruction si Didang at binaba ang cellphone sakto ring lumabas na si Ruselle sa kanyang bahay.
"Naku pasensya ka na baklesh ha natagalan ako sa loob paano kasi tumawag pa ang isa kong costumer,my gosh nakipag s*x video pa saglit magagalit pa naman yung gagong indiano na yun at baka hindi na ako padalhan ng pera saysng galante pa naman" paliwanag niya habang sinusuklay niya pa ang kanyang buhok.
"Walang anuman yun Ruselle ako nga ang nakadistorbo sayo ngayon eh" hiya kong sambit,ayan na naman ang kanyang hampas na malakas,sanayin ko na lang siguro ang aking sarili kapag magkasama kami tiyak bugbog talaga ang balikat ko sa kakahampas niya.
pumara muna siya ng traysikel at sekreto niya pa itong binulungan sa lugar na pupuntahan namin na pinagtaka ko.
"Bakit mo naman ibinulong ang address?" curious kong tanong sa kanya habang nakasakay sa traysikel.
"Paano kasi baklesh dumaan yung kapitbahay namin na mukhang unggoy pinagtsimis ba naman ako na baklang haliparot daw naku!sarap kutusan!" panggigil pa niya.
"Inggit lang yun sa ganda ninyo Ruselle " tawa naman ng traysikel driver nasa harapan kasi kami sumakay.
kaibigan pala halos ni Ruselle ang mga traysikel driver sa lugar nila,ksya pala hindi ako nahirapan kanina sa pagtatanong tungkol sa bahay niya.
pagdating namin bumaba kami ng traysikel at pumarang siya taxi.
"Bawal ang traysikel du'n sa pinagtatrabahuan ko baklesh sosyal yun taxi at mga pribadong sasakyan lamang ang makakapasok dun" tugon niya tanging tango lang ang naging sagot ko,halos sampung minuto lang naman ang biyahe at dumating kami sa sinasabing pinagtatrabahuan niya.
Namangha pa ako sa ganda ng loob napakabango kasi,animo nasa exclusive ka na lugar at ang linis din.
"Oh see baklesh sosyal dito,hindi basta-basta ang magiging costumer mo dito'' pang eengganyo niya ulit sa akin sabay kindat at tapik na naman sa balikat.
"Dito ka muna baklesh maupo ha,puntahan ko muna si Madam,tahimik pa ngayon dahil umaga pa lang,mamayang gabi naku! Halos puno yang mga upuan ng mga mayayamang parokyano na naghahanap ng pekpek hahaha" napakabibo talaga ni Ruselle kaya nagbiro na rin ako.
"Eh paano yan wala silang mahahanap sa akin Ruselle dahil wala akong pek-pek" natatawa kong usal,mabilis din naman niya akong tinugon
"Butas ng puwet mo baklesh gosh!ipadila mo yan! hahaha" diyos ko mababaliw na talaga ako sa kaibigan kong ito saglit kong nakalimutan ang aking iniindang problema sa sitwasyon ni lola dahil sa kakalugan ni Ruselle.
"Ikaw talaga Ruselle binibiro mo talaga ako" nakangiti kong sagot sa kanyang mga kalokohan.
"Aba baklesh!ganundin ako n'un ha noong t**i pa ang dala-dala ko,butas ng puwet at dila lang talaga natin ang panlaban dyan!kaya nung ngpa s*x change na ako yun enjoy life to the fullest!kaya aabot ka rin dyan basta maka jackpot ka ng VIP costumer!" pagmamalaki niya at malumanay lamang akong nakikinig sa kanyang mga kwento.
"Hintay ka lang dito sandali baklesh at aakyat muna ako sa itaas sana gising na ngayon si Madam lasing pa naman ito kagabi" usal niya at nagpaalam,tumango lang ako sa kanya,inilibot ko pa ang aking paningin sa bar na pinagtatrabahuan ni Ruselle nang may kumaway sa akin,kaya nginitian ko rin siya.
"Hi bago ka rito?" tanong niya,siguro bouncer ito sa bar dahil sa may kalakihan niyang katawan.
"Sumama lang ako sa kaibigan ko,nag apply lang po..baka sakaling pumasa sa panlasa ng amo niya." tuwid kong tugon sakto naman na dumating agad si Ruselle kaya naputol ang kwentuhan namin.
"Baklesh halika na hinihintay tayo ni Madam sa itaas" kaya napatayo agad ako.
"Kaano-ano mo siya Ruselle?" Tinawag pa ng lalaking kausap ko kanina si Ruselle ,nagtanong pa ito tungkol sa akin.
"Mag aaply siya Roman bakit mo naitanong," Taas kilay pa ang kaibigan ko sa lalaki na nagngangalang Roman.
"Ang cute niya kasi Ruselle"
"Bakit hindi ba ako cute sa paningin mo ha Roman?" Naku mukhang may something yata sa sa dalawang ito at nagbabangayan pa talaga sa aking harapan.
"Ah eh ito naman hindi na mabiro" lambing niya sa aking kaibigan ngunit inirapan lamang siya nito at hinila niya na ako sa loob.
Pagdating namin tahimik lamang ako na naghihintay na lumabas ang sinasabing Madam at may ari ng bar.
Ilang minuto lang at lumbas na ito hinagod niya pa ako ng tingin bago ito nagsalita.
"Ito ba ang ang sinasabi mong mag aaply Ruselle?" Sumenyas lamang si Ruselle at pinaupo niya ako sa harapan niya.
"Binabae ka ba talaga?" sinipat niya akong muli na parang nagdududa pa.
"Ahm opo madam" nakayuko lamang ako sa naging tanong niya.
"Wala kasi sa hitsura mo mukha ka talagang babae" ngumiti lang ako at nagpasalamat sa kanyang sambit na paghanga sa aking anyo.
'"O siya kelan mo ba gustong magsimula ha..pwede bukas na kungvokey lang sayo kulang kasi ksmi ngayon ng isa, samahan mo na lang siya Ruselle sa kanyang magiging locker hwag ka na lang dumaan sa training,turuan mo na lqng siya bukas Ruselle sa kanyang gagawin agahan mo lang ang pagpunta dito para maturuan ka" walang humpay ang aking ngiti sa kanyang sinabi na tanggap agad ako bilang waitress sa bar.
niyakap pa ako ni Ruselle,napag usapan din namin ang magiging sahod ko hindi pa kasama ang mga tip daw ng costumer,kung susumahin halos triple ang araw ko dito kumpara doon sa factory ng tela at may mga tip pa kung matuon ako sa VIP na magsisilbi,nagpasalamat ako sa amo ni Ruselle bago kami nagpaalam.
"O paano baklesh kelangan bukas maaga ka ha dahil i ti train pa kita medyo malayo pa naman dito sa inyo"
"Okey lang yan Ruselle masasanay din naman ako,isang oras at kalahati lang naman ang byahe aagahan ko lang ang pagpunta ko dito" masaya kong tugon sa kanya,kailangan ko pang planuhin lahat ngayong araw ayoko munang ipaalam kay lola na may bago na akong trabaho at baka magtaka pa ito,hindi pa naman maayos ang kanyang kondisyon.
Naghiwalay na kami ng daan ni Ruselle,plano ko kasing dumiretso sa factory para ipaalam ko sa mag asawang intsik na aalis na ako bago ako tutungo sa hospital.
May isang buwang sahod pa naman akong kukunin,magagamit ko pa yun para sa araw araw kung gastuhin sa hospital at sa pamasahe din papuntang bar.
pagdating ko sa factory kita ko agad ang mukha ng babaeng amo kong intsik nakasimangot pa ito.
Tinawagan ko na kasi siya kanina sa binabalak ko
"Bakit ikaw hinto trabaho dito ha Andy?" Salubong niyang tanong na nakataas pa ang kilay.
"Ahm ano po kasi Madam Chong nagkasakit po ang aking lola at walang mag aalaga sa kanya sa hospital hindi ko pa po kasi alam kung kelan siya makakalabas" pangangatwiran ko,kahit nagsinungaling ako sa kanya totoo namang nasa hospital si lola ang hindi ko lang sinabi ay lilipat na ako ng bagong trabaho.
mataman lamang itong nakikinig sa aking paliwanag at pumasok sa loob,nilapitan pa ako ng isa kong kasamahan sa trabaho.
"Andy aalis ka na daw sabi ni Chen ma mi miss ka namin dito" hinawakan niya pa ako sa kamay.
"Ipaalam mo na lang ako sa mga kasamahan natin,hindi na ako makakapunta sa loob dahil nagmamadali ako,kukunin ko lang yung sahod ko ngayon at didiretso na sa hospital" tanging sambit ko na lamang sa aking kasamahan,tinapik niya pa ako sa balikat at nagpaalam na.
Maya-maya lumabas na si Madam Chong na may bitbit na sobre
" oh eto sahod mo isang buwan Andy,kahit hindi buo isang buwan mo kumpleto ko na para dagdag mo bili gamot lola mo" natuwa ako sa naging pahayag ni Madam Chong hindi ko kasi akalain na buo kong matatanggap ang aking sahod ng isang buwan,nagpasalamat ako sa kanya ganundin siya sa akin sa anim na buwan kong serbisyo sa factory.
Pagkatanggap ko sa aking sahod lumabas agad ako ng opisina niya,nakita ko pa si Mr.Chong tinawag niya pa ako ngunit inirapan ko talaga ito,alam ko ang kalidad niya hindi na ito nahiya ang tanda-tanda na niya na makipaglandian kahit nasa paligid lang ang asawa niya.
Dumiretso agad ako sa hospital,sinalubong pa ako ni Didang.
"kuya/ate may mahalaga daw na sasabihin sayo si lola" aniya kaya mabilis akong pumasok sa loob ng ICU.
"Lola hwag ka munang magsalita at hindi pa kayo gaanong okey po" pag aalala ko sa kanya.
"apo m-may nais kang malaman sa t-tunay mong kasarian" nabigla ako sa naging pahayag ni lola sa akin.
"po lola?" pagtataka ko.
"a-apo ko,dalawa ang iyong k-kasarian,isa k-kang hermaphrodite,nang isinilang ka yan ang saad ng doktor sa amin ng ina mo noon isang pambihirang kondisyon na may dalawang kasarian,nilihim namin yun ng ina mo dahil wala kaming alam sa ganung bagay,a-apo ko patawad d-dahil kapos tayo sa pera at wala kaming kakayahang pa operahan ka" hindi agad ako nakapagsalita sa katotohanang nalaman ko kay lola kaya pala nagtataka ako kung bakit iba ang hitsura ng aking kasarian,na pag aakala ko lang ay normal lamang dahil mas pinagtuunan ko ng pansin na mayroon akong ari at sa ilalim ay may kunting hiwa,minsan natatakot pa ako dahil nagdurugo ako na akala ko nga ay maysakit ako sa ari kaya takot akong magkaroon ng nobyo,yun pala!naiyak ako na humarap kay lola
"lola bakit ngayon nyo lang po sinabi" iyak kong saad,ngunit sa isipan ko mas mabuti na lang siguro na tawagin nila akong bakla kaya pala may babae akong katawan,at may konting umbok ang aking dibdib.
"patawad apo ko na nilihim namin ito sayo" pinahinto ko na sa pagsasalita si lola dahil humihingal pa rin ito.
"tama,na po lola,tanggap ko naman po ang aking kasarian,hindi ito mahalaga sa akin ngayon,ang kagalingan mo lola ang importante po sa akin" nagyakapan kami ni lola,bago ko siya pinatulog.
binigyan ko ng pera si Didang at pinauwi ko muna,sinabi ko sa kanya na pansamantala muna siyang magbabantay kay lola ng ilang araw, at pumayag naman agad ito.
Pinatawag pa ako sa finance section ng hospital para ipaalam ang araw na namalagi si lola sa ICU,medyo malaki na talaga,kaya pumirma na lang muna ako at nangako na kapag lalabas na kami at magiging okey na si lola ay babayaran ko ito lahat kahit wala pang kasiguraduhan kung saan ako kukuha ng ganong kalaking halaga.
sa natuklasan ko sa aking pagkatao na may dalawa akong kasarian mas nagpursigido pa ako na balang araw magiging ganap na babae din ako,ang akala ko imposible ay posible pa lang lahat,tumingala ako sa langit.
"Panginoon salamat at binigyan mo ako ng konting pag asa"