Maaga akong nagpaalam kay lola tulad ng dati hindi pa rin bumubuti ang kanyang kalagayan kinabahan na ako dahil mas lumulubo na ang bayarin namin sa hospital at hindi pa gaanong magaling si lola pang apat na araw na niya ngayon sa ICU,sa nalaman ko rin sa sinabi ni lola kahapon mas nilakasan ko pa ang aking loob na malalampasan ko rin itong suliraning kinakaharap namin ngayon.Lahat naman ng tao ay may dinadalang pagsubok,maging positibo lang at kaawaan din ako ng maykapal.
hinintay ko lang si Didang na dumating at umalis na agad papuntang bar,tumawag na kasi si Ruselle at naghihintay na siya sa akin para simulan na ang training ko.
"Andy sumabay ka na sa akin pupunta akong palengke isasabay na lang kita" si Jolito ang kapatid ni Didang may dala itong motor at inaya akong sumakay,dahil lihim lang ang pagtatrabaho ko sa bar kaya tinanggihan ko na lang ang kanyang pagmamagandang loob.
"hwag na Jolito may hinihintay pa kasi ako" pagsisinungaling ko na lang.Tumango lang ito at umalis na kaya mabilisan akong sumakay ng traysikel papuntang terminal ng bus.
Mabuti naman at walang traffic,nakarating agad ako naglakad lang ako patungong bar,hindi na ako nag taxi ewan ko ba kay Ruselle kahapon pwede lang naman lakarin namin papunta sa bar pagbaba namin ng traysikel,dahil malapit lang naman ito.
Nakita ko pa yung bouncer na kausap kahapon ni Ruselle,ngumiti pa ito sa akin at sumenyas na naghihintay na daw si Ruselle sa loob.
Pagpasok ko agad niya akong tinawag
"Mamaya na lang tayo magbihis baklesh kapag duty na natin for now training mo pa naman kaya okey lang na ganito muna suutin natin,oo nga pala baklesh maghanap ka na ng alyas mo kung ano ang itatawag sayo dito sa bar" aniya.
Hindi na ako nag isip pa dahil kagabi pa lang pinag isipan ko na ang magiging alyas ko.
"Candy na lang Ruselle,malapit lang naman kasi sa totoo kong pangalan" kiyeme kong sagot.
"Wow ang tamis naman ng alyas mo baklesh ha,singtamis mo siguro hehehe" kinurit ko pa siya sa tagiliran na ikinaliti niya.
"Ikaw baklesh ha hindi ka pa nga nagsisimula may pa kurit kurit ka na dyan nalalaman baka ilang araw ka na dito t**i na ng mga costumer natin ang kinukurit kurit mo hahaha" napaka pilya talaga ni Ruselle basta usapang kabastusan na talaga napaka dumi talaga ng utak niya na ikinatawa ko sa mga berde niyang kalokohan.
"Alam mo baklesh front lang naman tong ganitong training eh serve- serve ka lang ganern ang mahalaga dito jugjugan talaga bukaka ka lang tapos pak! chupaan na!hahaha"
Ewan ko lang talaga kung magiging maayos ba ang training niya sa akin ngayon dahil mas marami pa ang kanyang mga kabastusang biro kaysa ang turuan ako kung ano ang dapat gawin,baliw talaga tong kaibigan ko,buti na lang may isang waitress din na kasama sa training at may matinong pag iisip siya ang nagturo sa akin kung ano ang dapat kong gagawin.
Umabot din kami ng halos dalawang oras sa pag ensayo kung paano ang tamang paghawak sa mga kasangkapan sa bar.
"Basta kung dito ka lang sa baba simple lang naman ang gagawin mo hayaan mo matututo ka rin ganyan din ako noon" kwento ni Maria ang nagturo sa akin ng maayos kasi naman ang Ruselle nakipaglandian na sa bouncer sa bar kaya bigla na niya akong iniwan.
Malakas din ito kay Madam sa aming amo dahil pinababayaan lamang siya nito.
"Pero kapag tinawag ka doon sa itaas kailangan doble ang ingat mo ha" paalala niya sa akin na ipinagtaka ko
"Ha?bakit ano ba ang nasa itaas?" Nakanganga kong sambit dahil wala akong ideya kong ano ang meron doon.
"Mga VIP ang nasa itaas Candy, handang magbayad ang mga yan ng malaki kapalit ng serbisyo natin,maswerte kapag napili ang isa sa atin na umakyat doon dahil pagbaba libuhing pera agad" kaya tinanong ko agad siya kung nakapag serve na ba siya sa itaas.
"Isang beses lang,naging kapalitan lang ako noon ng isa sa mga waitress dati dito dahil nagkasakit ito,pero alam mo mas gusto ko pa dito sa baba kesa pagsilbihan ang mga VIP sa itaas" malungkot niyang saad kaya hindi na ako nagpa ligoy-ligoy pa sa pagtatanong
"Bakit naman?di ba sabi mo nasa itaas ang malaking pera dahil malalaki sila magbigay ng tip ba't ayaw mo?" curious kong tanong na kinabahan akong bigla.
"Oo mga mayayaman nga pero halos mga sadista sila Candy,kapalit ng serbisyo mo at malaking pera minsan gawin ka nilang laruan" sa sinabi niya bigla tuloy akong natakot.
"Pero h'wag kang kabahan bago ka pa lang kaya hindi ka masasalang doon" pag aalo niya,nakita niya yata na namumutla agad ako sa mga kwento niya.
Dumating na ang gabi ay nagbihis na rin ako ng damit na pang waitress sadyang napakaiksi pa ng isinuot ko na skirt na kulay pula,may mga kasabayan pa akong waitress na halos luwa na ang dibdib pati rin si Ruselle,maganda din yung silicone sa kanyang dibdib parang totoo talaga,pinagmasdan ko pa ang aking dibdib na may konting umbok,ngayong alam ko na ang katotohanan sa aking kasarian,masaya na ako at darating din ang panahon na pag iipunan kong ipatanggal ang aking ari,dahil hindi ko na pala kailangan ang magpabago ng kasarian dahil sadyang babae pala talaga ako na may bihirang kondisyon,ang isiping may matres ako at pwedeng magkaroon ng anak at mamuhay ng normal ay lugod kong ikinatuwa ng lihim.Sa ngayon ayoko munang ipaalam kay Ruselle ang tunay kong kondisyon,mas gusto ko munang makasigurado at pag ipunan bago ako pupunta sa espesyslista at alamin kung ano ang makabubuti sa aking pambihirang kondisyon.
"Baklesh ay este Candy mauna na ako sayo ha may mga nagsidatingan na kasing costumer sa labas sunod ka agad,sumabay ka na lang kay Maria" paalam ni Ruselle sa akin,tinanguan ko na lang siya dahil inayos ko pa ang may kahabaan kong buhok,ayoko kasing ilugay ito mas gusto ko yung bun style sa may uluhan tapos hulog lang sa likod ang pagkatali para malinis tingnan.
Buti na lang at maliit ang aking mukha,sadyang t**i lang talaga ang naging sagabal sa akin ngayon dahil sa hitsura ko tunay akong isang babae.
pinagpatuloy ko rin ang pagsusuot ko ng aking uniporme hindi ko kasi naayos ito kanina ng maigi.
Sinuot ko rin ang may kahabaan kong takong hindi pa naman ako sanay gumamit ng ganitong may heel
lumabas na agad ako sa silid at dahan-dahan lang ang naging lakad at baka matapilok pa ako,sumenyas na si Maria na marami na raw ang tao sa labas.
Paglabas ko nalula ako sa daming parokyano kahit nasa baba lang halata na mga mayayaman ang mga costumer sa bar na ito,na handang maglustay ng malaking pera para lang sa panandaliang aliw.
"Hey double time!marami ng costumer!" Sigaw ni madam kaya mabilisan ang naging kilos namin.
"Candy doon ka sa table 8 kanina pa naghihintay doon na may mag seserbisyo"pagkarinig ko sa aking pangalan agad akong lumakad kailangan sanayin ko na talaga ang mga paa ko sa takong na sapatos at iginiya ko na ang sinasabi ni Madam na table 8.
"Maria ikaw doon sa table 6 bilis! Nasaan na ba ang iba ba't ang kupad-kupad!" Singhal pa ni Madam
"Opo madam" tanging sambit ko na lamang at mabilisang hinanap ang table 8
napalingon pa ako dahil hindi ko ito makita kung saan banda,medyo madilim kasi ang loob,hirap talaga pag first time sa trabaho mangangapa pa talaga
nang makita ko na ang table 8 agad ko itong pinuntahan.
Matandang lalaki ang nasa mesa at mukhang banyaga ito,tinanong ko agad kong ano ang kanyang order,sumenyas lang ito ng imported beer kaya mabilis kong tinungo ang bar counter upang kumuha sa bartender ng kanyang order.
Minuto din bago ko ito nakuha,nagmamadali pa akong naglakad para ihatid ang order ng table 8 ngunit sa kamalasan nabali ang takong ng aking sapatos at natumba ako pati yung imported beer,diyos ko unang gabi ko pa naman tapos ganito na agad ang nangyari.
pero nagulat ako hindi ko pala alintana na sa aking pagmamadali may nakabanggaan ako dahilan upang matapilok ako.
Nakita ko pa ang suot niyang mamahaling leather jacket na natapunan ko ng beer at nabasa ang kanyang damit sa beer na bitbit ko.
"what the hell!! Shhiittttt! "bulyaw niya na halos dumadagondong pa sa buong bar ang kanyang nakakatakot na boses.
nanginig akong bigla,hindi ko pa man nasilayan ang kanyang mukha alam ko ng galit na galit na ito sa klase ng boses at sigaw niya.
Ngunit nilakasan ko lamang ang aking loob,pag angat ko ng tingin napatda ako sa aking kinatatayuan,isang napakatangkad na lalaki ang aking nakabanggaan at hindi halos mahitsura ang kanyang mukha dahil sa galit!
Napuno ng takot ang aking puso sa klase ng kanyang tingin,matalim ito na para bang nais kang hihiwain.
nag slow motion ang buo kong paligid dahil nakadikit siya sa akin habang hawak ako sa bewang,naramdaman ko pa ang kanyang p*********i na sobrang dikit din sa akin dahil halos wala ng espasyo ang aming mga katawan.
Nagkatitigan pa kami,para akong hinigop sa klase ng titig na ipinukol niya sa akin,iba ang kanyang titig hindi nakakaakit,walang emosyon,ang tanging nandoon ay titig ng parang demonyo na nanlilisik na handa akong lapain anumang oras niya gugustuhin.