CHAPTER 1
Payne's POV
"Okay thank you Mr. Shin," sabi ni Selena.
Ilang saglit pa ay natapos na rin ang meeting.Nagtayuan na kami para lumabas.
"Cassie," mahinahong tawag ko sa secretary ko.
"Ma'am, Mr. Mendes want to talk to you" sabi niya.
"For what?" takang tanong ko.
Katatapos lang ng meeting ng G.C ah? Kaya nga na-late ako dito sa GEC eh.
"I don't know Ma'am," sagot niya.
Cassandra Maun, is my secretary. Since, secretary siya dati ni Nikki. I request na siya na ang maging secretary ko dahil close ko naman siya. Naging secretary ni Nikki si Kate.
Four years na ang nakakalipas mula ng mangyari ang lahat. Hindi agad nailakad ang kaso dahil kailangan naming magpagaling.
Wala namang naging problema kay Mama at lolo. Pero si Tito Mario meron.
Alam kong masakit din kay Mr. Mendes 'yun, nagiisang anak niya si Brianna.
Mula mangyari ang lahat, ako na ang humawak sa G.C. Nagkaayos na rin si Lolo at Papu, And they are decided na maging kasosyo ang G.C At GEC . Si Selena ang Vice president ng GEC at ako naman sa GC.
Palabas na ko ng GEC ng marinig kong may tumawag sakin. Napalingon kami ni Cassie.
Mula rito tanaw ko siyang nakangiti.
Nasa parking lot siya at kararating lang.Lumapit siya samin at binigyan ako ng isang halik sa labi.
"Bey, kumain kana?" tanong ni Bryle sakin.
"Katatapos lang ng meeting," sabi ko.
"Susunduin kita mamaya, ah?" sabi niya at hinalikan ako sa labi.
Pumasok na siya sa GEC at sumakay na kami ni Cassie sa kotse ko.
Naghihintay na raw si Mr. Mendes sa amin kanina pa. Ano bang problema?
Mabilis kaming nakapunta sa G.C . Sinalubong na agad kami ng mga empleyado .
Pagpasok ko sa office ko, nakita kong nakaupo sa sofa si Mr.Mendes.
"Ms. Payne," tawag niya sakin.
"Yes po, Mr. Mendes?" tanong ko ng maka-upo ako sa swivel chair.
"Can we talk ?" tanong niya.
"Sure. What is it?" tanong ko.
Huminga siya ng malalim at muling nagsalita.
"I'm begging to you. I-I miss my daughter Ms. Watson Please, I'll do anything. Palayain mo lang siya," sabi niya. Halos mangiyak-ngiyak siya sa harap ko.
Ilang taon na rin siyang nagmamakaawa sakin. Pero hindi ko siya napapabigyan.
Kita ko sa mata niya ang pangungulila. Nagkatinginan kami ni Cassie. Huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Mr. Mendes, naiintindihan ko po kayo. Only child si Brianna."
"I ka-cancel ko na ang kaso for them, siguro naman nagsisi na sila sa nangyari," sabi ko na ikinaiba ng expression ni Mr. Mendes na kaninang naiyak napalitan ng tuwa.
"Maraming salamat Ms. Watson. Pangako ako na mismo ang magpapakulong sakanila kung maulit pa iyon. Pero hindi na 'to mauulit pa," sabi niya at niyakap ako.
Lumabas siya ng office ko.
"Seriously, Payne?" hindi makapaniwalang tanong ni Cassie sakin.
"Cas, okay lang 'yon," sabi ko sa kaniya.
"The hell Payne! Muntik na kayong mamatay ni Selena! Tapos ganon-ganon lang?" tanong niya.
"Kapatid ko si Marianne, ayoko rin nakikitang malungkot si mama," sagot ko sa kaniya at umupo na.
"For sure magagalit si Selena!" sambit niya at umupo na sa harap ko habang inaayos ang papers.
"Pero mali ang anak niya Payne, kailangan niya magdusa!" sigaw niya.
"No need, hindi naman kami namatay"
"The hell?! Hihintayin mo pang mamatay kayo bago siya parusahan?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Cassie, kung ang diyos nga nagpapatawad. Ako pa kayang tao lang?" tanong ko sakaniya. Hindi siya nagsalita at wari'y nagiisip.
"Ako nang bahala kay Selena at Nikki," sabi ko at binuklat na ng folder.
Nikki's
"Mama Andeng!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Kararating ko lang sa mansion.
"Oh baby you're here!" lumapit sakin si Katia at hinalikan ako sa pisngi.
"Where' s your mom?" tanong ko sa kaniya.
"Talking with Mamita, Mama," sagot niya sakin.
Pumasok na ko at nakita ko naman agad si Payne at Bryle na naghaharutan.Infairness ang sweet ah? Sana all.
"Sis, andiyan ka pala 'di ka nagsasalita diyan," sabi niya at umayos ng umupo.
Umupo ako at huminga ng malalim.Napakunot naman sila ng noo.
"May problema ba?" tanong niya sakin.
"W-wala," nauutal na sagot ko at umiwas ng tingin.
"Tell me, nag-away ba kayo?" tanong ulit niya.
"Hay, fine. Oo inaway ko siya. " sagot ko.
Umayos kami ng upo. Matik na 'to. Magkwe-kwento ako.
"I saw them. Yung boss niya. Si Claire Houston, ang sweet ng convo nila," panimula ko.
"Huh? Paano? Eh, may Boyfriend si Claire?" tanong ni Payne.
"Kung mag asawa nga nangangabit hindi ba pwede sa mag jowa? Akala ni Burol tulog na ko, pero sinundan ko siya sa terrace at narinig ko rin lahat ng usapan nila," sabi ko. Naiinis ako habang nagk-kwento.
"Tapos?"
"So ayun may pa 'goodnight' 'sweetdreams' 'dreams of me' pa silang nalalaman! Tapos si burol nakangiti!" sigaw ko habang naiinis na nagkwe-kwento.
"Gago pala si Kairo, eh!"sigaw ni Payne na halos tumayo na sa galit. Pinakalma siya ni Bryle.
"Gusto mo patalsikin 'yang si Claire?" sarcasm na tanong niya.
"Gaga ka talaga," sabi ko nalang at tumawa ng konti.
"Sinong patatalsikin?" napalingon kami sa nagsalita, si Selena'ng bruha.
"Si Claire Houston daw" sagot sa kaniya ni Bryle na nakangiti.
Ahh basta! Naiinis ako! Indenial pa siya, Bwesit!
Kinwento ko pa lahat ng pinag-awayan namin. Mula ng maging amo niya yung babaeng 'yun. Dikit nang dikit sa kaniya. Sabi niya trabaho lang daw, ayaw niya maniwala sakin na may gusto sa kaniya yung babaeng 'yun.
Natapos akong magdrama ng dumating si Fave sa Mansion para sunduin ang mag-ina niya.
"Dito ka na matulog, Sus," sabi sakin ni Payne . Andito kami sa garden, habang pinagmamasdan ang mga bituin.
Tahimik lang akong iniinom ang vodka sa baso nang may magsalita sa likod ko .
"Ba. " Napalingon ako at nakita ko si Burol na naglalakad papalapit sakin.
"Tara na uwi na tayo. Do'n tayo magusap sa bahay," sabi niya at niyakap ako at hinalikan ang noo ko.
Tinignan ko si Payne, nakangiti lang siya na tumango. Muli akong tumingin kay Burol bago kami lumakad. Tahimik lang akong kasabay siya maglakad. Nagpaalam kami kay Mamu bago sumakay ng kotse.
Selena's POV
"WHAT?! PARDON ME?!" sigaw ko kay attorney ng pumunta siya rito para ibalita ang nangyari.
"Yes, Mrs.Jones. Nakalaya na si Ms. Torres. based on her attorney, si Ms. Watson ang nag-atras ng demanda," sabi niya sakin na ikinainit ng ulo ko.
"AT BAKIT NAMAN GAGAWIN NI PAYNE 'YUN?! NASISIRAAN NABA SIYA NG BAIT?!" tanong ko habang galit na tinatawagan siya.
"Julia, paki tawagan nga 'yang magaling mong kaibigan. Sabihin mo pumunta siya dito sa office ko ngayon!" utos ko sa secretary ko na agad niyang sinunod.
Anong pumasok sa kokote niya at inatras niya ang demanda?! Nanganganib na naman ang buhay namin sa ginawa niya!
"Maam, papunta na raw sabi ni Cassie," sabi niya.
Umupo ako sa swivel chair para kumalma. Binilog na naman yung utak niya ng mga tao sa Go Corporation.
"Oh? Nakabusangot ka diyan?" tanong ni Duchess na kakarating lang.
"I see, nalaman mo na nga. Actually, kalat na sa social media," sabi niya.
"The hell! Pinapainit niya ang ulo ko!" sigaw ko. Gusto kong magwala.
Hindi nagtagal dumating na rin si Payne kasama si Cassie.
"AT ANONG PUMASOK SA KOKOTE MO?!" tanong ko sa kaniya.
"Calm down, Selena," kalmadong sagot niya sakin.
"CALM DOWN PAYNE?!" galit na tanong ko sa kaniya. Paano niya nasasabi 'yan?!
"Selena, humingi na sila ng tawad. Gusto ka nila makausap. Hindi naman masama kung we give them a second chance to prove it right?" tanong niya sakin.
"At naniwala ka sa mga bobitang 'yun?! Eh demonyo sila!" sigaw ko.
"Selena, kung kayo napatawad ko, sana ganun ka rin sa iba. Nangako naman ang mga magulang nila, once na ulitin yun. Sila na magpapakulomg sa anak nila," sabi niya.
Sa isang iglap lang parang napapayag niya ko. Nadadala ako sa mga salita niya.
"KASI AKO NA PAPATAY SAKANILA. SWEAR!" galit na sabi ko.
"Teka nga, asan ba si Nikki? Kanina ko pa hinahanap," sabi naman ni Duchess.
Nag-away nga pala sila ni Kairo, siguradong nagb-bonding 'yun.
***
"Sorry, Selena," sabi ni Hazel habang nakayuko sakin.
"S-sorry," dugtong naman ni Brianna.
Napatingin ako kay Marianne, na nakataas parin ang kilay. Aba! Mayabang!
"Oh? Baka gusto mo maiwan dito?" tanong ko sakaniya.
Masama niya kong tinitigan. Aba! Pabor!
"ah nagmamalaki ka talaga? Nagsorry na yung mga alagad mo oh?madali akong kausap" sabi ko at nakangiting tumayo.
"Sandali Mrs. Jones!" tawag ni Mr. Torres . Kinunbinsi niya ang anak niya na magsorry.
Ngumiti ako kay Marianne habang masamang nakatingin sakin.
"SORRY." walang sinseridad na sambit niya. Napataas ako ng kilay .
"What?" ulit ko.
"Are you deaf? " malditang tanong niya sakin.
"Ah, nagmamalaki ka pa? Osige manigas ka dito." sabi ko at lumakad na palayo.Narinig kong kinukumbinsi siya nila Brianna.
"Selena Wait!" sigaw ni Hazel. Lumingon naman ako. Nakayuko si Marianne .
"Sorry..." hindi pa ako convince pero sige feel ko kasing iiyak na siya.
"Its okay Dear." sagot ko habang nakangit sakaniya.
"May utang ka sakin." sabi ko kay Payne sabay irap, nakangiti lang siya.