PAYNE's POV "Payne..." pagtawag sakin ni Anitha. "Hinahanap ka na nila." dugtong niya. Hindi ako kumibo. Nagpatuloy ako sa pagsearch ko sa laptop ko. "Can I stay here?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya. "Ofcourse. But how about your Mom?" tanong niya. Hindi ko naman nakalimutan si Mama. At araw-araw akong nangangamusta kay Manang kung ano nang lagay niya. Pero ganon pa rin walang pinagbago. Mabilis kong tinapos ang research ko bago itupi ang laptop.Nag ayos na rin ako kaya nagtaka si Anitha. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Sa hospital." sagot ko at lumabas. Hindi naman na siya nagtanong pa. Kaya lumabas ako at pumasok sa kotse ko. Mabilis akong nag drive papuntang hospital.Sinuot ko ang hood ko pati na rin ang cap ko. Kinuha ko ang sanglasses bago pumasok sa hospital. N

