PAYNE'S POV Matapos ang ilang minutong break, hindi na ako nakampante pa. Kailangan ko na siyang matalo! At ngayon, alam ko na kung paano ko gagawin iyon. Nagsimula muli ang laban. Nanatili akong nakatayo, alam kong hinihintay na ang oag-atake ko. Bagay na hindi ko na gagawin. Huwag niya nang asahang susugod ako. Nakita ko na nagtataka siya na nakatingin sa akin, alam kong naghihinala na siya kung bakit hindi ako susugod. May isa akong natutunan. Hindi ko obligasyong manalo dito. Ang obligasyon ko ay ang matalo ang lahat ng kalaban ko. Kaya naman nanatili lamg akong nakatayo habang hinihintay ang pag-atake niya. "Azalea, what happened?!" tanong ni Mom sa akin. Maski siya nagtataka kung bakit hindi ako kumikilos. "Calm down, Mom. I know what I should do," sabi ko sa kaniya at muling

