NIKKI's POV "Cut!" Bahagya kong isinandal ang ulo ko sa gilid ng sofa. Iidlip muna ako para may lakas ako mamaya na humarap sa camera. "Ms. Andrea, may naghahanap po sa inyo." Napatingin ako sa tinuturo ng staff.At nakita ko si Kairo na papalapit sa akin. Anong ginagawa niya rito? "Andeng..." "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Andeng look, sorry okay? Mahal na mahal kita. Hindi ko magagawa sayo yon. " "At aasa kang maniniwala ako sayo?" "Andeng please..." "Pwede ba Hill, Hindi ka ba nahihiya?Gray ako tapos gagaguhin mo ko? Ay nga pala, dahil isa ding siya Gray at di hamak na mas sikat at mas malaki ang mana niya compare sakin--" "Andeng please naman, hindi ko babae si Selena.Maniwala ka naman,at wala akong balak ipagpalit ka." "Tigilan mo ko, umalis ka na dito." sabi ko

