NIKKI's POV Weeks have been passed. Hindi na ko bumalik pa sa bahay ni Kairo. Hindi ko alam pero patuloy parin siya sa ginagawa niya. Marami siyang tinatago sakin. Para matapos na to, palihim ko siyang sinusundan kung saan man siya pupunta. Alam kong makikipag kita siya sa babae niya. Hindi ako paranoid. Pero totoo, may babae siya hindi ko lang mahuli kung sino. Hindi si Selena. May iba pa siyang kinalolokohan. Nakita kong nag park siya sa isang coffee shop. Mabilis rin akong nag park don. Kinakabahan ako sa makikita ko. Imposibleng siya yon. Nagkakamali lang ako. Isang beses pinagbintangan ko si Selena. Kaya ngayon, alam kong hindi siya yon. Hindi niya magagawa sakin ang bagay na yon. Papasok na ko ng coffee shop ng mapansin ko ang isang Gray na kotse. Mas lalo akong kinabahan ng m

