Five years after "Kael!" sigaw ni Payne habang hinahananap si Kael. "Mommmyyyyy!" Nagulat siya ng bigla itong lumabas sa ilalim ng lamesa. "Let's eat! C'mon!" Masaya niya itong kinarga mula sa ilalim. "Mommy, where's daddy?" tanong nito. "Stay here, I call your daddy okay?" sabi niya at umakyat sa kwarto. Hindi pa siya nakakaakyat ng salubungin siya ni Fave. "Male-late na tayo," sabi niya. Bumaba silang dalawa nang mapansin niyang hindi maayos ang necktie nito. Kaya naman siya na ang umayos. "Bakit ka nakangiti?" mataray na tanong niya. "Wala, ang ganda mo magsungit." sabi niya at hinalikan ito ng mabilis sa labi. "Fave!" Napangiti na lang ang lalaki sa ginagawa niya. Masama niyang tinignan si Fave na nakangiti lang. Papunta na sana siya ng kusina ng cornerin siya nito at muli

